© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-13-2018)
---
THE NEXT day. Papasok na naman ako. Nasa sala na ako at sinusuot ang sapatos ko, sabay nanunuod na rin ako ng TV.
**DING--DONG!!!***
Biglang may nag-door bell. "Saglit lang!" sigaw ko saka na ko rin nasuot sapatos ko at lumabas ng bahay para matingnan ang nasa gate.
Si Ivan na may dalang bag. Fresh na fresh.
"Hi, Ally!" bati sakin ni Ivan sa gate then he winked.
Medyo namula na ang mga pisngi ko, umagang-umaga, nagpapacute. Bongga! "Hello, pasok ka!" binuksan ko ang gate at pinatuloy siya. Dumiretso kami sa loob ng sala. Umupo naman siya sa sofa, at pinapanuod niya akong ayusan ang sarili ko.
After ko suklayan at bulpuhan ang sarili ko, napatingin ako kay Ivan. Nakangiti siya sakin. Ano namang nangingiti-ngiti nito?
"Ba't ka nakangiti? Mukha kang timang!" tanong ko kay Ivan, with a pa-confused look.
"Wala naman. Masama?" bigla siyang tumawa sakin. "Masama ba akong ngumiti nang dahil sayo?" Wow! Ano to? Umagang-umaga talaga ah!
"Ivan, nandito ka pala!" bati sa kanya ni Mama.
"Opo, magandang umaga po!" bati naman ni Ivan kay mama.
"Ikaw nga Alliana, bilisan mo diyan! Nakakahiya sa manliligaw mo!" suway sakin ni mama.
"Mama naman eh!" pabulong na reklamo ko, bago pa ako si blush.
Natawa lang si Mama sakin, "Ikaw talaga!"
Noong natapos na akong ayusan ang sarili ko, kinuha ko ang bag ko at lunch box ko at sabay na kaming umalis ni Ivan. Pero teka... nag-iba ang lahat... Bakit?
"Wala kang sasakyan?" tanong ko. Nagtataka kasi ako, bakit naglalakad kami?
"Wala, under repair kasi, para sayo!" Tssk, biro talaga nito. Masasapak lang kita.
"So mangongomute?" tanong ko.
"Obvious naman di ba? Kung ba't tayo naglaglakad," sagot ni Ivan sakin. Oo nga? Tssk!
Nakarating na kami sa terminal ng tricycle. May nakasalubong din kami na sasakay din ng tricycle.
Si Gab dala ang back pack niya.
"Alliana!" biglang tawag sakin ni Gab.
"Hi," binati ko rin siya.
"Sabay pala kayo ni Ivan. Sweet niyo naman!" saloobin ni Gab.
"Talaga?" biglang singit ni Ivan sa usapan namin. Eh?! Ivan?
"Totoo di ba, Gab?" tanong ulit ni Ivan sa kanya.
"Ah.. eh.. oo... oo bagay kayo!" sabi ni Gab, na halatang napilitan lang. May problema?
"Woah, salamat ah!" sabi ni Ivan.
Nagtitigan ang dalawa. Si Gab, galit na nakatitig kay Ivan. Si Ivan naman, seryoso na nakatingin kay Gab. Ano bang meron sa dal'wang to? Kapag nagkikita sila, palaging galit?
"Hoy! Ano pang hinihintay niyo!" suway ko sa dalawa. "Sasakay ba kayo o hindi?"
Napatingin sila sakin, "Sasakay po!"
"Yun naman pala eh, ba't ayaw niyo pang sumakay?" tanong ko sa kanila.
"Eto na po madam, sasakay na po kami!" sagot nila. Natatawa ako sa kanila eh.

BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...