Prologue

3 0 0
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

I'm not a professional writer so grammatical and typographical error will be noticed.

This is impromptu, no outline. Kumbaga experimental story siya.

Enjoy!

And reminder,

Plagiarism is a crime.
___________

"Alright! Fast talk! Tatalon ka o itutulak kita?"

"Shit naman Danny babes! Wala naman ganyanan!"

"Sinabi ng-- Argh! Ano na?! Itutulak na kita hah! Isa, Dala---Anak ng tokwa!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa putok ng baril. Automatic ko naman tinignan ang sarili para i-check kung natamaan ba ako ng bala.

At ayon nga, nandiyan na ang mga hampaslupang kanina pa kami pinapaulanan ng bala.

Well, to be honest with you guys, they are well groomed pero mukha parin silang hampaslupa sa paningin ko! Dahil sila lang naman ang sumira ng mga plano ko para sa "new beginning" kemerut ng aking buhay.

"Hoy Danny Babes! Lumilipad nanaman ba isip mo?! Ano ng gagawin natin?!"

Isa pa 'tong ulupong na ito eh. Siya talaga puno't dulo ng lahat bakit pinatapon ako rito sa Pilipinas!

Biro mo, kakalabas ko pa lang ng kulungan, pinalipad agad ako rito sa Pilipinas at para gawing candidate for conviction, nanaman.

Akala ata ng stupid shit Daddy Long Legs na 'yon, pangarap kong maging preso sa iba't-ibang mundo.

Kaimbyerna mga 'te! At isa pa, wala na rin ako balak bumalik dito sa Pilipinas 'no!

Tinignan ko lang itong kasama ko bilang sagot sakanyang mga katanungan. Kung nakakamatay lang sana ang tingin, namatay na siguro 'to, matagal na. Pero kung namatay na siya una palang, e' di sana tapos na agad trabaho ko rito sa Pilipinas at makakabalik na ako sa Russia ng matiwasay.

"Hoy! Ano na--- Shit!"

At bigla nalang niya akong tinulak kaya napaupo ako sa mababatong lupa at muntik na akong mahulog sa bangin dahil sa ginawa niya!

"Muntik na 'yon ha!" Bulalas niya pa.

Ibabato ko sana sakanya yung malaki at matigas na talaga namang nakakamatay na bato na nasa tabi ko kaso lang nakita ko na may tama pala siya ng  baril sa balikat.

Bakit hindi na lang sa ulo?

At bigla nalang ako nawala sa sarili nang makita ang sunod-sunod na pag-agos ng dugo sa balikat niya na may tama ng baril.

Bigla rin umikot ang paningin ko. Parang bigla akong nalasing.

Sunod-sunod din ang pag-aray niya.
Pero hindi ko naman marinig  kung ano 'yong sinisigaw niya sa akin. Isang matining na tunog lang ang naririnig ko. Hindi ko na rin alam kung ano ang mga nangyayari sa paligid.

Na-stuck lang talaga ang utak ko sa dugo na dumadaloy sa balikat niya.

May sinasabi siya pero hindi ko naman naririnig. May tinuturo siya sa akin pero hindi naman makagalaw 'yong mata ko para bigyan pansin 'yong tinuturo niya.

Bigla nalang kumirot ang ulo ko. Napapapikit pa ako dahil sa sakit. At may bigla rin lumitaw na mga unknown flashbacks sa utak ko.

Hindi ko maipaliwanag kung ano itong mga nakikita dahil wala naman talaga akong ideya kung bakit may mga ganitong pangyayari sa memorya ko.
Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako at papalapit na sa direksyon niya. Parang hindi na ako ang may-ari nitong katawan ko at kusa itong gumagalaw na walang pahintulot mula sa akin.

Kasunod no'n ay nakita ko nalang ang sarili ko na tinulak na itong kasama ko sa bangin.

"T*ng*na!" Rinig kong sigaw niya habang papabagsak sa bangin.

At do'n lang ako nabalik sa wisyo. At ngayon ko lang din na-realize na nahulog na sa bangin ang kasama ako at ako ang may pakana.

Sinilip ko naman 'yong tinulak ko.

Mamamatay kaya siya? Hindi naman siguro 'no. Anyong tubig naman babagsakan niya.

"Ay anak ng tokwa!" Malakas na sigaw ko pagkatapos makarinig ng malakas na putok ng baril.

Muntik ng matamaan ang beautiful head ko. Ang lupet lang.

Pero ayon nga, nagdesisyon na akong sumunod sa kasama ko at matiwasay na tumalon sa bangin bago pa maabutan ng mga hampaslupa.

Sana hindi kami mamatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

And ConvictedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon