The Feeling is Mutual

392 21 13
                                    

Our first date was one of the best night in my life. Masayang kasama si Nelson, at first I admit na naiilang ako sa kanya. The way he looked at me, as if he's looking through my soul. Pero katagalan naman nasanay na'ko sa kanya. Siya yung tipo ng lalaki na ma mi-misinterpret mo, sa unang tingin kasi aakalain mong isa siyang playboy, mahangin at mukhang di marunong magseryoso sa buhay. Yung tipong hindi Boyfriend Material.

But if you were given a chance to know him? You will definitely fall for him. Why? He's sweet, may sense of humor, yung pagiging mahangin niya nasa lugar, he's caring too. Bonus pa ang pagiging gwapo niya.

=====

Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan, parang hindi lang ako napuyat kagabi. I got up from my bed and looked at my mirror.

Bakit parang ang ganda ko yata ngayon?

Kasabay nun ang pag-alala ko sa mga nangyari kagabi. Medyo hindi pa rin ako makapaniwala na naka-date ko kagabi yung crush ko.

Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang mag vibrate yun. Kinuha ko ito at tinignan kung sino yung nagtext. Napakagat-labi ako nang mabasa yung name ng sender.

Good morning pretty! I hope nakatulog ka nang maayos last night! - Yan yung text niya.

Wala sa loob ko na nireplyan ko siya.

Good morning too! Yeah, masarap ang tulog ko kasi napanaginipan ko taong gusto ko. - Nagdalawang isip pa ko kung isesend ko yung message na yun baka kasi bigla niyang tanubgin kung sino yun tapos wala akong maisagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na siya yung taong gusto ko dahil nakakahiya. I decided to rephrase my message pero nagkamali ako ng pindot. Imbes na cancel, eh send yung napindot ko. Patay!

After a few minutes tumawag siya. Nag-aalangan akong sagutin yun kasi nga baka tanungin niya kung sino ba yun. Iniwan ko yung cellphone ko at nagpunta muna sa restroom para mag toothbrush at maghilamos. Hinayaan ko nalang na tumutinog yung phone ko.

After nun pagbalik ko nakita kong may 2 missed calls from him. Hayst! I was about to leave my room na nang tumunog ulit yung phone ko. Si Nelson nanaman yung tumatawag. Dahil hindi ko kaya na iwasan siya ng ganun katagal napili kong sagutin nalang ang tawag na yun.

Hello. Sorry ah may ginawa lang ako kaya di ko nasagot agad tawag mo. - Pagda-dahilan ko.

It's okay. Curious lang ako eh. Uh S-sino ba yung taong gusto mo? Pwede ko bang malaman? - Biglang tanong niya kaya naman bigla din akong pinagpawisan ng malamig.

A-alam mo ikaw gwapo ka sana kaya lang may pagka chismoso ka din eh! - Pabirong sabi ko. Narinig ko naman na natawa din siya sa kabilang linya.

Hindi mo sinagot yung tanong ko eh. Gusto ko malaman kung sino yung taong gusto mo. - Aish! Mapilit din siya eh.

B-bakit gusto mo malaman?

Well, malay mo yung taong gusto mo eh, gusto ka rin pala di ba? - Napakagat labi nanaman ako. Sorry pero mannerism ko na 'to kapag kinikilig ako eh. Hindi ako assumera pero may pakiramdam ako na gusto niya ko. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at para bang kakapusin ako ng hangin sa katawan.

H-ha? - Shemay! Di ko talaga alam ang sasabihin ko. Ano na? Aning gagawin ko? Pati mga kamay ko nanginginig na. Para akong dinadaluyan ng kuryente sa buong katawan. Ganito ba talaga kalakas ang dating niya sakin?

Okay. Dahil ayaw mo naman sabihin sa'kin yung taong gusto mo. Ako nalang magsasabi sayo ng taong gusto ko.

H-ha? - Di pa din ako makapagsalita nang maayos, dahil sa kilig na nararamdaman ko.

Gusto ko.. -

Gusto kita! - Halos magkasabay kami ng sinabi ni Nelson but it takes a minute bago nag sink in sa mga utak namin yung sinabi namin sa isa't isa, pansamantala munang natahimik ang linya.

Wait for me there. Pupuntahan kita ngayon! - Nagmamadali niyang sabi.

H-ha? Bakit? - Tanong ko, pero wala na kong narinig na sagot mula sa kabilang linya.

Gosh! Pupunta siya dito?

Lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba at excitement. Nag-ayos agad ako nang sarili ko. Malapit lang ang subdivision nila dito samin kaya mabilis lang siya makakapunta dito.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, bumaba ako sa kitchen para mag prepare nang breakfast para kay Nelson. Naghanda ako ng Bread and Bacon at gumawa din ako ng cofee sa Cofee Maker. Pagkatapos nun ay saka ko narinig na may nag doorbell.

I hurriedly went outside para pagbuksan siya nang pinto. Nakaramdam ako nang pagka-ilang nang magkatinginan kami kaya naman agad akong nag iwas ng tingin at binuksan ko nalang agad yung gate para makapasok siya.

Pagpasok niya, agad kong napansin yung mga ngiti niya kaya nailang lalo ako.

"Halika na sa loob." Yaya ko sa kanya. Agad naman siyang sumunod sakin. Pagkasara ko nang pinto nabigla ako sa ginawa niya. Bigla niya kong hinila palapit sa kanya, halos magkadikit na nga ang mga katawan namin kaya sinubukan kong itulak siya palayo pero hindi ko yun nagawa ng lumapat ang mga kamay ko sa dibdib niya.

"You said you like me right?" Sabi niya.

Hindi ako makapagsalita kaya tumango nalang ako.

"Don't worry. The feeling is mutual." Napaangat ako ng mukha dahil sa sinabi niyang yun. We looked at each other's eyes hanggang sa naramdaman ko nalang na lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko at mas lalo akong kinapos ng hangin sa katawan dahil sa ginawa niya. He caressed my lips with his fingertip and kissed me again as if he's tasting some kind of sweet food.

This time I answered his kisses. He's my first kiss that's why I don't how to respond but I've tried to.
Dahil sa ginawa kong yun mas lalong lumalim ang mga halik niya. His right hand is on my neck na para bang inaalalayan niya yun. I wrapped my arms around his waist, ginawa ko yun para magkaroon pa ko ng lakas. Pakiramdam ko kasi sa mga sandaling ito nauubos ang lakas ko.

Hindi ko alam kung gaano ba katagal kaming ganon, pero parang ayoko matapos. Ayoko na siyang malayo sa tabi ko at gusto ko lagi ko siyang kayakap.

"I don't just like you, I love you Rhea. Will you be my Girlfriend?" He asked me after our kiss.

Dahil speechless nanaman ako, tumango lang ulit ako.

"Ayoko ng tango lang. I want to hear your answer." He said as if, hindi pa niya alam ang sasabihin ko.

I took a deep breath before I say

"I love you too Nelson. And yes, I want to be your girlfriend." I almost cried after I said that. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Yung pareho kayo ng nararamdaman. Pareho niyong mahal ang isa't isa kahit saglit na panahon pa lang kayong magkakilala.

"I prepared your breakfast." Masayang sabi ko saka hinila siya papunta sa kitchen.

"Wow! Really? So pinaghandaan mo na pala talaga ang pagpunta ko dito ah!" Sabi niya saka naupo.

"Feeling ko kasi magiging special 'tong araw na 'to." Sabi ko habang hinahainan ko siya nang pagkain. Kumuha ako ng cofee at inilagay din sa tabi ng plato niya .

"And you're right. From now on, everyday is our special day." He said then he drink my coffee.

Flavor Of Love (Miss Famous Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon