Chapter 12

70 3 0
                                    

Napakahaba ng hallway ng kaharian na ito. Ang pag kakagawa ng kaharian nila ay gawa sa bricks. Itim na bricks. Sa pag daan mo sa hallway may mga kawal na nakatambay at ilaw sa pader. Sa ibabaw naman may nakasabit na simbolong itim na kabayo na may espada. Nakalagay ito sa telang nakasabit sa itaas.

Nasa pintuan na kami ng binuksan ito ng lalaking kausap ko.

Pag tingin ko isa itong bulwagan. Sa harap ay nakikita ko ang hari't reyna.

'shittt!'

Kabado akong dinala sa harap ng kawal.

Tumingin sakin ang hari na nakakunot ang nuo.

"Anong meron dito heneral?" Tanong ng hari.

Nakaka takot ang malamig na tono ng hari. Gusto ko ng maihi sa nang yayare sakin ngayon.

"Mahal na hari" sabay baw nila. Nakatingin ang hari sakin kaya nag baw din ako. "Ang babaeng narito ay kamag anak ng babaeng dinala dito na nakulong dahil sa salang pag nanakaw."

"Hindi mag nanakaw si nanay!" Singit ko rito.

"Pano mo mapapatunayan yan iha?" Tanong ng hari sakin.

'shitt! Pano ko ba mapapatunayan?!'

Kumunot naman ang nuo ng hari. Siguro dahil sa pag tingin ko ng matagal umiwas muna ako ng tingin bago ng isip muli.

'hayst! Pano bayan! Anong sasabihin ko? Wala akong ibedensya! pero kilala ko si nanay isme kahit walang wala kami at galing sa mahirap na buhay ang pag nanakaw ang hinding hindi nya gagawing sulusyon sa problema'

Napahawak ako sa nuo ko. At nag iisip ng sulosyon.

'bahala na nga'

Tumingin ako sa hari at nag salita na.

"Kilala ko po si nanay isme. Mahirap man po kami ngunit di nya gagawin ang pag nanakaw. Staka hindi po ako na naniwala na si nanay isme bigla bigla nalang may kukunin na kung ano na mula sainyo tapos tatakbo. Wala po yun sa ugali na. Staka po, hindi ko po alam kung anong nangyare sa araw na pinag kamalan sya. Kung sasabihin nyo sakin na sya mismo ang kumuha ng gamit at maraming nakakita maniniwala ako pero po yung may nakitang gamit na hinahanap nyo ay nasa kanya habang nasa maraming tao. Di po ba pwedeng isipin na malay nyo po may nag lagay na iba sa gamit nayun kay nanay tapos napag binatangan nyo yung inosente na tao."

Nakatingin lang ang hari at reyna sakin.

'shitt! Tama ba yung sagot ko?!'

Kinakabahan ako sa magiging hatol sakin. Pinakiramdaman ko ang puso ko at ang lakas ng tibok nito.

"Maniniwala ako sa sinabi mo iha na walang sala ang nanay mo" nanlaki ang mata ko. "Kaya pwede ng lumaya ang nanay nayan mo iha" sabi nito. Pangiti na sana ako ng nag salita ang katabi ko na tinawag ng hari na heneral kanina.

"Mahal na hari. Ang babaeng ito ay gumawa ng kumusyon sa labas ng kaharian. Nakipag buno sya sa mga kawal ng kaharian" kumunot ang nuo ng hari at tumingin sakin.

"Alam moba iha anong ibig sabihin ng ginawa ko kanina?" Sabi ng hari. Napailing ako. "Kapag nakipag laban ka sa isa sa mga kauhan ng kaharian ang ibig sabihin nito ay nakikipag laban ka sa hari" nanlaki ang mata ko. "Malaking kaparusahan ang ginawa mo iha"

"P-patawad po,s-staka nagawa ko lang po yun kase nabatrip po ako sa kawal na kausap k-ko po kanina." Nauutal kong sabi. "Tinawanan nyako ng sinabi kong di mag nanakaw si nanay tapos pinaaalis ako kung ayaw ko daw magay sa nanay nanayan ko" tumango naman ang hari.

"Ngunit may kaparusahan ka pa rin iha. Dahil sa ginawa mo ay iisipin ng iba na may galit ka sakin iha" sabi nito. "Wag kang mag aalala paparusahan ko rin ang kawal na nag bastos sayo at mapapalaya ang mama mo" tumango ako. Napatingin kami sa pinto ng may pumasok na babaeng nakadamit katulong. Nag baw muna ito sa hari bago mag salita.

"Mahal na hari. Patawad po sa pag singit sa usapan nyo, ngunit ang mahal na prinsipe ay nawawala po at ang mga pag kain naming dinala sakanya ay hindi nya po kinakain"

"Zaiden!" Napatayo ang reyna.

Napatingin din ako sa pinto ng may pumasok na lalaking walang emosyon sa muka. Nakaitim ito at gulo gulo ang damit at buhok. Hindi hadlang ang itsura nito ngayon para mag mukang haggard ito. Mas lalo lang umangat ang taglay na magandang itsura ng lalaki.

Tumakbo ang reyna papunta sa lalaking kakarating.

"Anak ano bang nangyayare sayo?" Maluha luhang sabi ng reyna. "Simula ng malaman mona buhay sya wala ka ng pahinga sa ginagawa mo!" Sabi nito habang nakayakap sa lalaki "hindi mo kasalanan ang nang yari sakanya anak"

"Ina" tanging sabi lang ng lalaki. Maya maya bumagsak sa sahig ang lalaki.

"Anak!" Sabay salo sa anak. "Kawal!" Tawag ng reyna. May lumapit naman duon. "Dahil natin sya sa higaan" sabi ng reyna at umalis kasama ng mga kawal na may hawak sa anak nya.

"Pasensyahan mona ang kumosyon dito. Iha" sabi ng hari. "maari mo ng makita ang nanay nanayan mo.", Lumingon ito sa kawal. "Kawal samahan mo sya sa nanay nya"

"Opo mahal na hari" sabi nito. Tumingin naman ako sa hari.

"Maraming salamat po" tumango naman ito. Sumunod ako sa kawal papunta kung nasaan si nanay.

Nang nakita kona kung saan sya banda dali dali akong tumakbo kung nasan si nanay isme.

"Nanay!" Sabi ko ng nakalapit ako sakanya.

"Destin?" Nag tatakang tanong ni nanay isme.

"Nay" sabi ko rito.

"P-pano ka nakarating dito?" Tanong nito.

"Wag nyo na pong isipin yon ang mahalaga ay makakaalis na kayo rito" sabi ko.

"Pero pano?" Tanong nito.

"Saka kona po sasabihin pag nakalabas na kayo" sabi ko rito. Napatingin ako sa bagong dating na kawal.

"Gusto ka raw makausap ng mahal na hari" kumunot ang nuo ko. Tumingin ako kay nanay.

"Hintayin nyo po ako nay" sabi ko. Tumingin ako sa balikat ko. "Tiny, ikaw nalang ang mag kwento kay nanay at pupunta lang ako sa hari" sabi ko rito. Tumango naman ito. Kinuha kona sya at nilagay kay nanay. "Babalik ako" sabi tumango naman sila.

Sumunod ako sa mga kawal papunta sa hari.

Akala ko sa bulwagan parin kami ngunit hindi na pala. Pumunta kami sa isang kwarto dito sa kaharian. Pag bukas ng pinto bumungad sakin ang hari at ang reyna. May sinenyas ang hari at umalis ang mga kawal.

Lumapit ako kung nasan ang mahal na hari at reyna. Pinaupo naman nila ako.

"Bakit po?" Tanong ko sa dalawa.

"Tungkol ito sa parusa mo iha" sabi ng hari. Tumango naman ako.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon