Myungsoo's Point of View
"Good Morning Naeun." bati ko agad sa kaniya nang makasalubong ko siya papasok ng room.
"Good Morning din My." mahinang bati niya.
Lagi siyang ganito, mahiyain kasi siyang babae kumpara sa iba. Kaya ako pa ang unang bumabati lagi bago siya. Minsan iniisip ko kung naging magkakabata ba talaga kami. Kasi parang hindi naman siya mahiyain sakin noon.
Pero sa tagal ng panahon, siya lang ang hinahayaan kong tumawag sakin ng "My". Kahit na ang totoong pangalan ko ay Myungsoo o L. I just let her call me that kahit masiyadong feminine. Besides she's one of my closest friend.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa room namin. Nakikita ko siyang lumilingon na parang may gustong sabihin. Pero mukhang nahihiya siyang ilabas yun, parang may ideya na ko but I just ignored it.
Pagkarating namin sa room dumiretso kami sa upuan namin na magkatabi lang din. Naglabas siya ng libro at nag-umpisang magbasa tulad ng lagi niyang ginagawa. Nilagay ko naman ang headphones ko at dumungaw sa bintana.
Ganito kami laging dalawa parang mga outcast sa mga kaklase namin. Ayaw ni Naeun makipagkaibigan sa iba dahil contented na siya sa mga libro niya. At ako naman ayoko lang makisalamuha. Natatakot akong layuan ako ni Naeun kapag nagkaroon ako ng mga kaibigan. We're both selfish and contented on each other.
May nag-tap ng desk ko kaya napalingon ako kung sino yun. Nakita ko yung president namin na si Chorong. Tinanggal ko yung headphones ko para marinig yung sinasabi niya.
"Myungsoo, pakilagay mo yung pangalan ng partner mo para sa christmas ball." utos niya bago inabot ang isang papel sakin.
Christmas ball? Oo nga pala sa isang araw na yun. Tradition ng school na magkaroon ng parang prom kapag malapit na ang year end. Ang kaibahan nga lang ay ang babae ang nag-aaya sa lalaki.
Napalingon ako kay Naeun na nakatingin din sa listahan. Parang inaabangan kung sino yung isusulat ko. Nang magtama yung tingin namin agad siyang umiwas.
"Pres, wala pa kasing nag-aaya sakin na maging partner ko. Paano yan kapag wala? Hindi na ko pupunta?" sinadya kong lakasan para marinig ng katabi ko.
Napalingon naman si Chorong kay Naeun at napangiti. Alam niya namang close kaming dalawa, at may ideya siyang nahihiya si Naeun. Halata naman.
"Sige, hintayin ko hanggang bukas na lang yang listahan." paalala niya bago pumunta sa iba naming kaklase.
"Maghihintay lang ako." bulong ko kay Naeun bago sinuot ulit ang headphone ko. Yun pala ang gusto niyang sabihin. Napangiti ako habang tinititigan yung namumula niyang mukha.
-
Naalimpungatan ako nang marinig ko yung cellphone ko na may tumatawag. Sa sobrang antok ko na tingnan kung sino yun, basta ko na lang sinagot.
"Hello?"
"Hello My, tulog ka na ba?"
Agad akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Naeun.
"Ah hindi pa naman. Bakit napatawag ka?" sinubukan kong hindi magtunog bagong gising.
"Pwede ka bang lumabas ng bahay niyo?"
"Sure, papunta na ko."
Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso palabas ng gate. Natigilan ako ng buksan ko yung gate at nakita ang isang babaeng nakatalikod. Alam kong si Naeun din 'yun dahil hawak niya ang phone nito.
"Turn around. Nandito na ko." sabi ko sa kaniya.
Binaba niya ang tawag at binulsa ang phone niya. Nakailang hinga muna siya bago ako hinarap. Nakita ko ang black t-shirt na suot niya na may print na glow in the dark. Inaantok man, basang basa ko kung anong nakasulat sa t-shirt niya.
BINABASA MO ANG
Pink Panda's Playlist (One Shots)
De TodoCompilation of Short Stories about A-Pink.