Lumipas ang araw na ganon pa rin ang trato sa akin ni Vince. Hindi pa rin ako nakahanap nang tyempo para kausapin siya.
Ang sakit na nang trato niya sa akin. Hindi na niya ako pinapansin, ang lamig na niyang makitungo lalo na sa akin.
Gustong gusto ko na siyang kausapin kaya napagpasiyahan kong kausapin na talaga siya ngayong araw. Hindi na ako papayag na hindi kami makakapag usap.
Si Elton naman ayon busy sa kompanya kaya hindi na kami masyadong nakakapag usap.
Maggagabi na at hindi ko nakitang pumasok si Vince sa Hopital. Ang lupit naman oh, ngayong gustong gusto ko siyang makausap hindi siya nagpapakita. Alam ba niyang makikipag usap ako? Tsk, imposible naman yun.
Hindi pwedeng hindi ko siya makausap ngayon, kailangang kailangan ko na siyang kausapin.
Napagpasiyahan kong puntahan siya sa condo niya. Malayo layo yun pero kinaya kong mag drive papunta sa condo niya.
Minsan na niyang nasabi sa akin yun kaya alam ko.
Pagkarating ko ron ay agad akong nagtanong sa front desk kung nasa condo ba si Elton.
"Sorry Miss, pero wala po siya ngayon eh" sabi nang babaeng naka assign sa front desk.
"Sige, salamat" nasaan ka na ba kasi Vince? Nagpaalam na ako sa babae at aalis na sana nang may makita akong pamilyar na kotse na pumarada sa harap nang condo.
Nakita ko ron ang pagbaba ni Vince at ni Beatrice? Natigilan ako at natuod sa kinatatayuan ko, si Beatrice nga.
Bakit palagi na ata silang magkasama? Minsan ko na kasing nakita si Beatrice sa hospital at pumasok sa office ni Vince. Pero binaliwala ko lang yun.
Pumasok na sila sa entrance na hindi man lang ako tinapunan nang tingin.
Dadaanan na naman niya sana ako nang higitin ko ang braso ni Vince.
"Lets talk" sabi ko. Napatigil naman siya.
"Sorry, huwag ngayon may gagawin pa ako" sabi niya at binawi ang braso niya sa pagkakahawak ko. Gusto kong umiyak kasi palagi nalang ganon.
Maglalakad na ulit sana sila nang pigilan ko siya.
"I said Lets talk" matigas at may diin na pagkakasabi ko. Naglakad na ako patungo sa labasan nang condo niya at naghintay ako sa may garden don. Pinahid ko kaagad ang tumakas na luha sa mata ko.
Akala ko ay hindi siya susunod pero nakita ko siyang naglalakad papunta sa direksyon ko.
"Anong pag uusapan natin?" Malamig na sabi niya na kinatigil ko. Bakit? Ano ba kasing nangyari sa kanya?
"May problema ba tayo Vince? Kasi last time na magkasama tayo, okay naman ah. Bakit ngayon iniiwasan mo ko?" Naglandas na ang luha sa mata ko. Diko kayang pigilan, kusa nang lumabas yung lahat na kinikimkim ko.
"Wala" tipid na saad niya na hindi man lang tumingin sa akin. Naiinis ako sakanya. Wala? Hah.
"Tingnan mo ko sa mata" utos ko sa kanya.
Hindi niya ako sinunod.
"Sabing tingnan mo ko sa mata" matigas na utos ko ulit sa kanya. Kaya napatingin na siya sa mata ko.
Longing, yun ang unang nakita ko sa mata niya bago ito napalitan nang blanko.
"Wala?, talaga wala? Bakit mo ko iniiwasan? Bakit?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas nang boses ko. "Ano? Sumagot ka, nakakainis ka na eh" sabi ko. Nagtataas baba na ang dibdib niya, siguro nagpipigil magalit.
"ANO BA VINCE, SUMAGOT KA NAMAN. PARA NA KONG TANGA DITO OH" hindi ko na napigilan pang sumigaw. Wala na akong paki alam kung may makarinig man.
"IKAW, IKAW ANG PROBLEMA KO." tuluyan nang napugto ang pasensya niya. Nagtaka naman akong nakatingin sa kanya.
"Ako? Bakit?" Yan lang ang katagang nabanggit ko.
"OO IKAW, IKAW YUNG PROBLEMA KO. UMIIWAS AKO SAYO? OO, UMIIWAS AKO. UMIIWAS AKO KASI AYAW KO NANG MASAKTAN. ANG SAKIT NA KASI VEIN. SOBRANG SAKIT NA......"
Natigilan ako sa sinabi niya. Nanginginig ang kamay niya. Pumapatak na rin ang mga luha sa mata niya.
"............. Vein...... Vein mahal kita. Mahal kita na sobrang sakit na kasi hindi ako mahal nang mahal ko. Ang sakit sakit Vein, iniiwasan kita para hindi na ko masaktan para hindi na lumalim pa tong nararamdaman ko sayo, pero Vein kahit anong iwas na gawin ko, ikaw pa rin ang hinahanap ko......"
"Vince" mahinang usal ko.
"......... Alam ko naman eh, na mahal mo pa si Elton. Kaya sumuko na ako, umiwas na agad ako sayo. Sorry kung hindi kita natulungan ahh, nakita ko kasi kung paano ka pa mag alala sa kanya kaya naisip ko nalang na mahal mo pa talaga siya,Vein, sorry kung nasasaktan kita sa pag iwas ko sayo, kasi Vein hulog na hulog na kasi ako hindi na ako maka ahon............
"Anong mahal ko pa si Elton ang pinagsasabi mo?" Agad na tanong ko sa kanya.
"Narinig ko kayo, nung nag uusap kayo, doon sa medical mission. Narinig kita na sinabi mong mahal mo siya, kaya umalis na ako kasi ang sakit sakit marinig yun. Araw araw ko nang naiisip yun. Gusto ko pang ilaban ang nararamdaman ko para sayo pero Vein, ang sakit na kasi."
Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya kaya nagtataka niya akong tiningnan.
"Kung nakikinig ka man lamang sa pinag uusapan nang iba sana tinapos muna para hindi mo ma misunderstood"
"Anong ibig mong sabihin?" May pagtatakang tanong niya.
"Mahal kita Elton......... Mahal kita noon. Elton noon yun. Hindi na ikaw ngayon Elton" sabi ko sa kanya. Napayuko naman siya kaagad at humagulhol nang iyak.
"Huli na ba ako?" Tanong niya.
"Elton, tigilan mo na to. May pamilya kana, give Tria a chance. Mahal ka nung tao. Mahalin mo siya pabalik Elton, alang alang na rin sa anak niyo" sabi ko.
"Pero.... Akala ko mahal mo pa ko, inalagaan mo pa nga ako hindi ba" puno nang pag asang saad niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Huwag mo yung bigyan nang kahulugan Elton, naawa lang ako sayo nang panahon na yun. At ako lang ang may alam paano ka gamutin, kung paano ka alagaan kapag nagkasakit ka nang ganon" agad na sabi ko. Tumulo naman ang luha niya at bumagsak ang mga balikat.
"Sabi mo hindi na ako ang mahal mo ngayon, siya ba? Si Vince ba?" Saad niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Mapait naman siyang napangiti.
"Oo, Elton. Si Vince na ang mahal ko" sabi ko.
Pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari ay natahimik siya. Parang piniproseso pa ang bawat impormasyon na nakuha niya.
"M-mahal m-mo ko?" Tanong niya nang matauhan siya. Tumingin siya sa akin na puno nang pag asa.
"Mahal kita Vince, mahal na mahal. At natulungan mo ko Vince, natulungan mo kong marealize na hindi ko na nga mahal si Elton, Vince mah-" naputol ang dapat sabihin ko nang siniil agad niya ako nang isang halik.
"I love you too, mahal na mahal kita" he said between our kisses. Dahan dahan niyang ginalaw ang labi niya, at tumugon naman ako sa halik niya.
Ang saya ko, ang saya saya ko. Matagal ko nang narealize to. Nang nasa medical mission kami. Narealize ko na mahal ko siya. Simula nong hinayaan kong buksan ko ulit ang puso ko at papasukin siya don.
Natigil ang halikan namin nang ilang minuto,dahil pareho na kaming naghahabol nang hininga. Inilagay niya sa noo ko ang noo niya. Pareho kaming nakapikit at ninanamnam ang oras na iparamdam ang pagmamahal namin sa isat isa.
"You don't know how f*cking happy I am today. Thank you Vein. I love you" sabi niya at siniil na naman ako nang halik. Napangiti na lamang ako.
"I love you too"
---------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Opening My Heart Again (Completed)
RomanceOnce na masira ang tiwala nang isang tao ay mahirap na itong maibalik pa. Vein's POV Nawasak ako, nasira ako sa mga panahong 'yon, parang ayoko ng magmahal pa. Parang nakakatakot na. Hahayaan ko na lamang ba na matakot akong magmahal muli? Hahayaan...