Kabanata 21

77 4 7
                                    

Nagkakagulo ang mga tao sa presento pagkarating namin. Pumasok kami sa loob at agad na nilapitan ni Denise ang asawa.

"Ano 'to? Bakit ka nahuli? Bakit ka nagnakaw?" dismayadong tanong niya dito.

Niyakap siya nang asawa "Patawarin mo ako!"

"No. Ipaliwanag mo sa akin ang lahat, paano mo ko nagawang lokohin? Kailan ka pa nagsisimulang magnakaw?"

Bigla kong naisip ang nangyari sa aking noong nakaraang buwan. Posible nga talagang si Edward 'yon.

Hindi ko na maintindihan ang usapan ni Denise at Edward dahil sa ingay. Nagkakagulo ang mga naroon at nag-umpisa na ring lumikot ang anak ko dahil sa init.

"Maam, sino po ang pinuntahan niyo dito?" tanong ng pulis sa akin, isinayaw ko na ang anak ko dahil umiyak na ito.

"Yung kaibigan ko po"

"Anong kaso maam?"

"Nagnakaw po ang asawa niya,"

"Sa labas na lang po siguro tayo maghintay maam, naiirita na po ang anak niyo"

Wala na akong magawa nang palabasin kami ng pulis. Tumigil sa pag-iyak ang anak ko nang makaupo kami sa upuan sa may lobby.

"Gutom ka na nak?" parang tanga kong tanong sa bata kahit alam kong gutom na nga ito, dahil sa pagmamadali namin ay hindi ko na nadala ang bag ko.

Ilang minuto pa akong naghintay bago lumabas si Denise na luhaan. Kahit hirap na hirap dahil karga ko ang anak ay dinaluhan ko siya at inakay paupo.

"Bakit ganito Mads? Anong nagawa kong pagkukulang? Bakit niya itinago sa akin na nagnanakaw pala siya?" Nalulungkot man at nag-aalala sa kanya ay wala akong maisagot sa kanyang katanungan lalo na't nangangamba rin ako kay Knee Yoz. Silang dalawa ni Edward ang palaging magkasama at hindi malayong parehas sila ng trabaho.

Hanggang sa pag-uwi namin ay tulala si Denise. Naubos na ang yata ang luha niya at parang lutang na ang kanyang isipan. Hinayaan lang muna namin siya at hindi na inusisa pa. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya si Edward.

Pumunta ako sa kusina at lumapit kay Grace na nagluluto.

"Ate nag-aalala ako kay ate Denise, kanina pa yan tulala"

Ako rin ay nag-aalala "Hayaan na muna natin siyang makapag-isip-isip"

Sumandok ako nang pagkain at dinalhan siya sa sala. Nakatingin lang siya sa malayo at hindi kumukurap.

"Mads, kumain ka muna." Inilapag ko ang pagkain sa kanyang harapan ngunit hindi niya ako pinansin. "Makakalaya rin si Edward, pwede naman sigurong magpiyansa"

"Kumain ka na at baka mapa'no ka pa." Tumahimik ako nang mapansin ko ulit siyang umiyak.

"Anong mukha ang ihaharap ko sa mga magulang ko? Ipinaglaban ko siya at ipinagpalit sa mga magulang ko pero binigo niya ako. Ngayon ay mas lalo kong pinamukha sa mga magulang ko na mali ang naging desisyon ko."

"Lahat naman nagkakamali ng desisyon, pero mas maganda nang sumugal ka atleast kahit mabigo ka wala kang pagsisisihan sa huli dahil alam mong ginawa mo ang parte mo"

Nasa gitna kami ng aming pag-uusap nang dumating si Knee Yoz. Mukha pa siyang nagulat nang makita si Denise. Bigla ay parang naging tensiyonado ang paligid dahil sa katahimikang namayani.

Taka akong napatingin kay Denise nang tumayo ito at lumapit kay Knee Yoz "Sabihin mo sa akin, nagnanakaw ka rin hindi ba?"

Nagulat ako sa kanyang tanong kaya't lumapit ako at hinawakan siya sa braso para pigilin. "Denise"

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon