Chapter 08

94 3 0
                                    

The game well start

Chia's P.O.V

"Bye dada! Bye lolo! Bye everyone! Akoy aalis na sa piling niyo dahil nasasaktan na ako nanana nana---"

"Ang pangit nang boses mo apo!"

"Wow nahiya naman ako sayo lolo! Ang ganda kaya ng boses ko parang anghel hindi kagaya mo" Maganda kaya boses ko sabi ni dada.

"Gwapo naman"

"Nyahahaha dada totoo bang pogi si lolo?" Sigaw ko kai dada na nasa tabi lang ni tanda. Nakangisi naman siyang umiling kaya napangiti ako ng malaki.

"Wala naman akong nakikitang maganda ang mukha ni daddy baby" Tatay ko yan manang-mana sakin.

Napaaray si dada dahil binatukan siya ni tanda gamit ang kaniyang mahiwagang tungkod. Napahagikhik naman ako dahil namumula na si lolo dahil sa inis. Pati mga katulong dito ay napatawa narin.

Iniwan ko nalang ang dalawang nagbabangayan kung sino raw ang pinakapogi sa kanila hahaha. Alam niyo na siguro kung saan ako nagmana?

"Ay manong Jan maglalakad nalang po ako" Pinagbuksan niya kasi agad ako ng pinto ng sasakyan kaya tinangihan ko muna dahil gusto kung maglalakad papuntang akademya.

"Ija baka papagalitan ako ng iyong ama at lolo"

"Hindi yan manong Jan tiwala lang sa kakyut ko--esti sakin pala"

"Bahala ka basta mag-iingat ka sa iyong paglalakad---susundan nalang kaya kita marami pa namang tambay diyan sa daan" Ang bait talaga ni manong Jan nakalaglag puso.

"Nako po huwag nalang at isa pa marami na akong kaibigan diyan sa labas ng village" Nakangiting sabi ko kay manong Jan.

"Oh siya segi basta mag-iingat ka"

"Thank you po babye na po papasok na ako" Agad na akong lumabas sa bahay at nagsimulang maglakad palabas ng village namin.

Nakangiti akong naglalakad sa daan dahil. Alam niyo ba kung ano ang dahilan? Well paggising ko lang naman kanina may nakita akong bagong loptop sa study table ko. Kaya super saya ko.

"Jusko lord sinong nakapasok sa katawan ng batang ito" Huh? Ano bang pinagsasabi ni kuyang guard?

"Kuya bakit lumaki ang mga mata mo? Namumutla ka rin" May sakit ba siya? Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya na ikinaatras niya rin. Ano bang ikinatakot niya? Hindi naman ako multo ah.

Baka may multo siyang nakita sa likuran ko?!

Dahan-dahan naman akong lumingon sa likuran ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala akong nakitang multo.

"I-kaw nayan Chia? W-wala na bang s-sumanib sayo?" Bakit ba siya nanginginig? At anong pinagsasabi niyang ako na ito? Ako naman talaga to.

"Opo bakit po? May iba pabang Chia?"

"Nakakatakot kang bata ka! Pinakaba mo ako sa mga kinikilos mo" Inis niyang sambit.

"Ano bang ikinatakot mo kuya? Naglalakad lang naman ako?"

"Naglalakad ka nga pero ang demonyo mo namang ngumiti tapos may pa bagal-bagal ka pang lakad sinong hindi matatakot sayo?" Ay ang OA naman nito.

"Diyan ka nanga  kuya malalate pa ako nito may naghihintay pa sakin sa school na bago kung laro-an babye pooo"

"Magandang araw po binibini!" Masayang bati ko sa nakalasalubong kung babaing may katandaan na. Bahagya naman siyang natawa sa inasal ko. Sino bang hindi kikiligin kapag binati sa mala-dyosang ako? Napakahangin ko naba?

She's A Temporary Teacher In Her Fathers SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon