"LOVE" sa salitang ingles na kung akin namang Isasalin sa salitang tagalog ay "MAHAL"
Mahal...ahhmmm...mahal?
Ano ngaba ang kahulugan ng salitang "MAHAL"
Marahil alam mo kung ano ang aking ibig sabihin sa salitang "mahal" ngunit alam mongaba?
marahil ang salitang mahal ay palagi rin nating naririnig, sa mag kasintahang labis na nag mamahalan,at kahit sa ating mahal na magulang,mahal na kapatid,mahal na na kaibiganhindi ko na iisa-isahin.
ngunit para sa akin malalim ang kahulugan ng salitang "MAHAL"
Ngunit napaisip ako tama ba? tama ba? na ikaw ang aking minahal?
tama ba ang aking nararamdaman?kahit pa akoy umaasa nalang na ikay muling babalik at akoy iyong yayakaping mahigpit.
Na kahit anong aking tanong na kung "BAKIT?"
"BAKIT" ikay hindi na muling babalik.
Tama ba? o Tama na...Tama na...
"TAMA NA"
Yan ang salitang pa ulit-ulit na binibigkas ng aking mahal na kaibigan.
tama na ang pag-luha...
TAMA NA...
TAMA NA...Minsan may mga pag-kakataong hindi natin inaasahang dumadating,at hindi rin inaasahang bigla ring mawawala.
Akoy labis na natuwa...
na tuwa? o dapat na labis na pag pipighati?
Isang liham...
Liham na hindi ko ina-asahang mabasa.
"MAHAL KONG TINA"
"Patawad kung akoy hindi na makaka-abot sa ating pinangarap na paraiso,paraiso kung saan ako tatayo at mag-hihintay at dahan-dahan kang mag-lalakad pa-palapit sa akin habang suot mo ang iyong magarbong kasuotan.
Patawad mahal ko...Patawad.Sinubukan kong lumaban...lumaban sa hamon ng buhay.
Ngunit alam ko na saking pag-lisan sana'y maging masaya ka.
Patawad kung gusto konang Sumuko.
Sumuko sa aking pasan-pasan na karamdaman.
alam kong hirap na hirap kanarin sa mga nag-daang araw,lingo,buwan...nais kulang sana ay hindi ka muling mahirapan at lumuha ng dahil sakin.
"MAS MAGANDA KA KAPAG NAKA NGITI KA"
Yan ang lagi mong tandaan mahal ko.
Patawad mahal ko.
Nang mga sandaling iyon habang binabasa ko ang isang liham na naiwan ng aking pinaka-mamahal na sana ay aking magiging kabiyak at makakasama ko sa habang buhay.
Hindi ko napigilan ang aking sarili sa sakit na aking nararamdaman ng mga oras na iyon.Sa pag-daan ng ilang Taon ay kasabay din noon ang oras kung saan ako ay tumatanda narin...
Baon kuparin ang ating lumang tug-tugin ang iyong litrato na ni luma na ng panahon.
Dahil ikaw parin ang una at huli kung i-ibigin.
BINABASA MO ANG
"HULING LIHAM"
Short StoryAng kwento na may malalim na kahulugan Ang kwento kung saan maari kang humusga at mag mahal