Please Never Fall in Love Again

13 1 0
                                    

I steal a few breaths from the world for a moment. Trying desperately to ease my anxiety. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita siyang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya. Oh, how I could stare at him forever and never get bored. Pakiramdam ko ay may mga paru-paro sa tyan ko nang lumingon siya sa direksyon ko. I feel my face heat up as our eyes met. Kumabog nang malakas ang puso ko nang ngitian ako nito at kumaway.

It's been a month since we got together. But I still haven't processed the whole thing yet. I still wonder, panaginip lang ba ang lahat ng ito? Totoo ba talagang kami na ni Wyn Noah? The Wyn Noah? One of the most popular guys in Serenity High, ang lalaking lahat ng mga babae ay may gusto?

Wyn Noah, isa sa mga estudyante ng Serenity High. That guy is the full package. Matalino, mabait, gwapo, matangkad, mayaman, you name it. Just every girl's dream guy. Well, that was if only he was alone. I mean, hindi lang naman si Wyn Noah ang estudyante dito sa Serenity High na tila ba perfect mula ulo hanggang paa. Syempre, mayroon ding iilan pa na pinag-aagawan. And of course, magkakaibigan sila ng mga yon.

Muli akong dumungaw mula sa bintana ng 2nd floor upang tignan sina Wyn. Their backs were turned as they seemed to be leaving already. Kilalang-kilala ko na sila kahit na nakatalikod.

Idinapo ko ang tingin ko sa lalaking naglalakad paalis habang may nakalolokong ngisi sa labi, nakahawak ang parehong kamay nito sa batok. Pinanliitan ko ang mata ko. It was Rieko, one of Wyn's friends. He's known for being great at playing instruments. Siya ang drummer ng banda ng Serenity High. Based on my observations, I would describe him as a sly, childish, and mischievous person.

Nilipat ko ang tingin sa katabi nitong lalaking nakasuot ng varsity jacket ng Serenity High na kaasaran ni Rieko. I grimaced. It was the notorious Zikiel. That guy is good at everything, but is simply the best when it comes to sports. MVP kumbaga. Pero syempre, dahil nga magaling siya sa lahat, lumaki ang ulo niya. If I were to describe him, he's so full of himself, smug, and a sweet talker. Syempre hindi nawawala ang playboy sa magkakatropa, hindi ba? Lalo na't maraming babae ang umaaligid sa kanila.

Sumunod ay isang lalaking diretso lang ang tingin sa dinaraanan, nakapamulsa at mukhang walang pakialam sa lahat. I stared at his back with slightly furrowed brows. That's definitely Claude. He's known to be the quiet, calm and collected type. But he just basically never cares about anything unless it has something to do with him. Palagi lang itong tahimik at paminsan-minsan ay nags-skip ng klase pero hindi ito matinag sa rank 1 spot.

Napakagat ako sa labi ko nang ilipat ang tingin sa katabi ni Claude. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng mga pisngi ko. Napatitig ako sa kanya habang kausap niya ang mga kaibigan niya. Wyn Noah. Boyfriend ko yun, di ba? Teka, sorry, kahit ako kasi hindi pa rin makapaniwala.

Ganito kasi yun, a year ago, nabalitaan kong may nagtransfer dito sa Serenity high na usap-usapan ng mga estudyante. Naaalala ko pa noon, kaliwa't kanan naririnig ko ang pangalang Wyn Noah. Naglalakad lang ako noon sa hallway at maririnig ang mga tilian ng mga babaeng pinaguusapan ang transferee. Of course, I started to become curious. Naisip ko na, kung lahat ng estudyante, siya ang pinaguusapan, then he must be someone interesting.

But he wasn't just interesting.

After a few weeks, I finally got to encounter the guy. There was this party in Serenity High I was basically forced to attend. Something similar to an acquaintance party, where students get to know each other and have fun. It was a party held 2 weeks after school started. Hindi naman talaga ako pupunta non, kaso bigla akong tinanong nung isa kong kaklase kung pwede bang sabay kaming pumunta dahil ako lang ang kaclose niya. I just didn't have the heart to refuse. Natakot kasi ako na baka kapag humindi ako sa kanya, she'd stop being my friend. It's ridiculous, pero if I did say no, hindi ako makakatulog sa pagoverthink kung anong mangyayari sa kanya. The thought of her having to attend the party and feel out of place made my stomach churn in guilt.

Please Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon