85 - Official "POWER COUPLE"

245 11 18
                                    

"AAARGH!! BWESIT!"

"Ma'am kalma lang po kayo." Sabi ng assistant ni Daphne na nakatayo lang sa may pintuan habang pinapanood ang kanyang boss na nagwawala sa opisina nito.

"Paano ako kakalma na yung kaaway ko naisahan na naman ako!! Akala ko tuloy-tuloy na yung pagbagsak niya pero nakalabas pa rin siya kahit ginawa na namin ang lahat para pagtulungan siya!!"

"Eh.. Si Diane Martinez kasi ang kalaban n'yo. Hindi naman yun basta-bastang matatalo."

"Martinez din naman ako ah?!" Giit ni Daphne. "Mas lamang ako sa kanya! Mas makapangyarihan at mas mautak! Pero alam mo ba Beverly kung anong nakakatawa?"

"Ano po? Share n'yo naman, ma'am." Sagot ng assistant.

"Si Nikolai ang tumulong sa kanya! My very own ex-husband!"

"Eh ex-husband n'yo na nga siya for a reason."

Lalong uminit ang ulo ni Daphne kaya sinabi niya, "Are you not getting it, you stupid bitch? Mahal pa rin ni Nikolai si Diane. ALL THIS TIME mahal niya pa rin si Diane! I know wala ng bisa ang kasal namin pero may karapatan pa rin ako sa kanya kasi business partners kami, maapektuhan yung business namin if he associates himself with that Diane Martinez!"

"Eh hindi po ba yun magandang bagay ma'am, sikat na sikat ang Martinez Tower, tapos kung ganung kursonado ni Sir Nikolai si Diane, edi sisikat din yung business ninyo?"

"I am not paying you Beverly to tell me you are in favor of my ex-husband getting linked to my mortal enemy!" Stress na stress na si Daphne kaya umupo nalang ulit siya sa kanyang swivel chair. Tapos inutusan niya ang kanyang assistant. "Mabuti pa timplahan mo ako ng kape at wag kang bumalik dito hangga't hindi mo nasisigurong masarap ang tinimpla mo kasi kung hindi, ibubuhos ko talaga yun sa pagmumukha mo. Go!"

"Ayy ma'am last nalang.. Pina-alam ba ni sir Nikolai sa inyo na tutulungan niya si Diane? At kung hindi, alam na ba ni sir na alam n'yo na ngayon? At tsaka, alam ba ni sir na isa kayo sa dahilan kung bakit pansamantalang nakulong ang Diane na yun?"

"Hindi niya sinabi sa'kin na tutulungan niya si Diane. Iniisip niya kasi na porke't hiwalay na kami, ay hindi ko na rin siya dapat pakialaman sa mga gusto niyang gawin basta't walang kinalaman sa business. Hindi niya rin alam na alam ko na ngayon. At tsaka hindi na niya kailangang malaman na may kinalaman ako sa pagpapakulong kay Diane.." Daphne explains. "Hay.. Gusto kong magkabalikan kami ni Nikolai. Alam kong si Diane pa rin ang mahal niya kaya pag nalaman niyang may kinalaman nga ako, magagalit yun sa'kin!"

Her assistant nods along. Then Daphne realizes something. "Teka, bakit ba ako nag-e-explain sayo?! Gawin mo na nga ang trabaho mo!"

"Ah oo nga pala hehe. Sige po ma'am Daf."

Lumabas na si Beverly sa opisina ni Daphne. Nag-isip-isip si Daphne kung ano pa ang pwede niyang gawin laban kay Diane na hindi nalalaman na siya ang may pakana. Next month na ang official opening ng new hotel establishment niya in partnership of Nikolai. It was Pearl Hotel, renamed and rebranded as Sunshine Hotel. Pero hindi nila ito masyadong pina-ingay sa press dahil gusto nilang medyo surprise yung launching event nila. Nakatitiyak kasi si Daphne and the marketing team na magsasagawa ng PR activity ang Martinez Tower sa February para sa Valentine's at lalo na na nasangkot ang president/CEO nila sa isang issue just lately. So in order to regain their publicity, for sure gagawa sila ng pakulo to entice customers to come in their hotel. Kaya plano ni Daphne na sa second week of February ang kanilang official opening then mamimigay sila ng malaking discounts as a marketing strategy para bumango agad ang pangalan ng kanilang establishment. At para rin ang mga tao ay mas pipili na doon sa kanila mag-check-in or magpa-reserve instead sa M-Tower or sa iba pang luxury hotels. It's technically hitting two birds with one stone and Daphne thinks it's a brilliant idea.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon