Chapter 31

1.5K 41 12
                                    

Isang marahang tapik ang gumising sa akin. Tumama ang sinag ng araw sa aking mukha mula sa bintana ng aking kwarto pag dilat ko ay nabungaran ko ang anak ko na sumusubo ng tinapay habang nakaupo sa kama. Ngumiti ito ng malapad bago siya muling kumagat ng tinapay.

"Good morning honey. Breakfast in bed. What do you think. Am I sweet?" He said to me. Nag bubuhat ng sariling bangko.

"Bakit naman nag abala ka pa. Hindi naman namin kailangan yun"

"Mahirap bang mag sabi ng thank you smile girl?" He said again. Pouting. I bit my lower lips at nag iwas ng tingin.

Hindi naman mahirap mag sabi nun. Ang mahirap ay ang paniwalaan siyang umaakto ng ganito. Hindi ako sanay. Hindi naman kasi ako sinanay.

"Thanks for the breakfast" ani ko sa mababang boses. He was still smiling when he lit up the bread at aktong isusubo iyon sa akin pero nanatiling tikom ang bibig ko.

"Bakit? Para saan?"

"Susubuan kita. Sabi kasi ng mga kaibigan ko that was a must. You know. The 'babawi' mode"

"No need. Hindi mo kailangang bumawi"

"Hindi kailangan pero gusto ko. At dahil dyan we will go bonding. What do you think my son? Manunuod ba tayo? Arcade? Mall? Park? Beach?" Mungkahi nito. Napaangat si Ace ng tingin sa ama habang natigil sa ere ang kamay na may tinapay.

"Beach? Dagat? Isda papa?" Raiko nodded to my son. Noong tumango ito ay iniwan niya ang tinapay sa tray at patakbong nag tungo sa pinto. When Ace already left the room ay bumaling sa akin ang tingin niya.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Huminga siya ng malalim bago ako tinapunan muli ng tingin.

"Kamusta naman ang anak ko habang lumalaki?"

"Ayos lang. Hindi pasaway si Ace. Mabait na bata pero sobrang seryoso lang at hindi basta-basta nakikiusap sa iba" pag kukwento ko.

Raiko intertwined our hands bago niya hinawakan ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. He played my ring finger habang ilang beses na bumuntong hininga.

"Tayo lang ata ang kasal na walang singsing" bulong niya habang pinaglalaruan pa rin ang daliri ko.

It was true. Kami lang ang mag asawang walang singsing.  Isang impromptu wedding ang naganap. A trick one. No ring. No vows. No formal wedding ceremony just I do and signing papers.

How fuck up our wedding is. Isang hindi pinagisipan at pinagplanuhang hakbang.

"But now I realized how lucky I am to be your husband. Your indeed different from them because you choose to be who you are not what other's want you to be. Alam mo bang hiniling ko dati na magkaroon ng asawa na magugustuhan ng magulang ko kasi ganun ko sila kamahal. But now I don't mind what will my mom say's. The two of you matter more than them. Pero gusto ko pa ring mag kasundo kayo ni Mom" he continue

"Kung hindi ko kayang pakisamahan ang tumayong ina-inahan ko ay mas lalong hindi ko gustong makita ang ina mo Raiko. Ipilit mo at uuwi ka sa magulang mo habang buhay" Inis kong sambit. I try to get my hand but he never let it go. Kahit pikon ay wala akong nagawa kundi manatili doon.

Talagang iyon na ang sakit nila. Sasaktan muna nila ang mga babae bago nila susuyuin. At talagang durog muna bago nila muling bubuuhin.

"Hindi ko naman hihilinging magkasundo kayo kasi ayaw kong mapilitan ka lang. But I hope sooner or later maging ayos sana kayo ng magulang ko Larissa"

"Raiko —"

"Hindi na nga. Sabi ko nga hindi na. Ang sungit mo. Bakit pikon ka? May dalaw ka ba? Kanina ka pa nag susungit. Hindi naman pwedeng buntis ka kasi hindi pa ako gumagapang—"

Chained Love (El Señorita Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon