Sammy's POVPagkamulat ko ng aking mga mata ay agad na tumambad sa akin ang isang simple ngunit eleganteng kwarto, hindi rin mapagkakaila ang taglay na ganda ng kalidad ng kamang hinihigaan ko ngayon.......
Teka......, higaang hinihigaan ko ngayon....
Hinihigaan ko ngayon..........
Ahhhhhhhh!!!, shuta ka kailangan nang gumora ng lola niyo, an tanga tanga naman talaga.
Nagmamadali akong nag ayos at akmang bubuksan na ang pinto ng tumambad sa akin ang lalaking pinaghirapan kong patulugin kagabi.
Good morning wife, mahinahong bati pa sa akin nito habang bakas pa sa kaniyang muka ang isang nakakalokong ngiti.
Good morning din hehe......., Awkward kong tugon naman dito.
Ay hala!, Anong oras na oh may duty pa pala ako, sige mauna na ako by the way anlambot pala ng kama niyo sir pero una na ako ah, byeeeee......, Nagmamadali kong pag iiba ng usapan namin.
Wala akong pake kung nabastos ko man siya pero kailangan ko talagang makaalis dito sa hindi malamang dahilan. Para bang may nagsasabi sa aking may masamang mangyayari kapag di ako nakalabas kaagad dito sa pamamahay na ito.
Nagtagumpay akong nalagpasan siya at kasalukuyan na akong pababa na naman sa walang katapusang hagdanan, kung ganito ba naman kalaki bahay niya edi sana nagpakabit na rin siya ng escalator nahiya pa ang gago.
Natigil naman ako sa pag mumuni muni nang harangan ako ng mga bruskong kalalakihan na siguradong tauhan nung apakalaking damuhong iyon. Shuta.........
Ay good morning sa inyo, papamasahe rin ba kayo?. Next time na lang siguro kasi may duty parin ako eh, sige akyat na kayo pinapatawag nga pala kayo ng boss niyo sa taas........., Mahaba kong litanya at umaasang maniniwala ang mga to.
Magmamartsa na sana ako papunta sa napakalaking front door, konti nalang malaya na ako sa mansyong ito......
What did you say wife?, Isang baritonong boses ang bumasag sa katahimikan at siya ring nagpahinto rin sa aking paglalakad.
Hindi na ako lumingon pa dahil alam ko ma kung sino iyon, wala na akong ibang choice kundi ito kung ano man mangyari sa akin pagkatapos nito ay wala na akong pake kailangan ko nang makalabas, ilang dipa nalang din naman ang aking tatahakin.
1...... 2...... 3......
Takbooooo!!!!!
Dali dali akong tumakbo at tinapon na rin kung saan ang mga gamit ko.
Konti nalang.......
Konti nalang................
Ayan naaaaa!!!!!!!...............
Heh! Mga gago anong akala niyo kaya niyo ako..............., Natameme nalang ako nang makita ang sumalubong sa harapan ko pagkabukas ko ng malaking pinto.
Tumambad sa akin ang sandamakmak na tauhan nitong damuho na naka hilera sa harap ng mansyon na para bang inaantay talaga nila ako.
Pucha naman...........
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad na para bang wala sila doon.
Baka naman nag aattendance lang sila or something kaya nandito silang lahat, wag tayong paranoid okay. Isip isip ko pa.
Buong poise akong rumampa palabas at wala pang limang segundo ay agad silang humarang sa dinaraanan ko.
Napalingon nalang ako muli sa loob at ang tumambad naman sa akin ay ang mga maids na nakahilera sa magkabilang gilid ng boss nila at ang kaninang mga tauhan nito na nalagpasan ko ay sumama na sa iba pang tauhan sa labas ng mansyon.

BINABASA MO ANG
Idée Fixe: His Possession (bxb)
RomancePrinsesa kita pero sa oras na malaman kong tumakas ka sisiguraduhin kong ako ang pinakahuling mukang masisilayan mo sa mundong ito........ -Alexander ____________________________ Start: June 03 2021 ...