Note: Some scene is when Areal and Crius got accident.
|*|
Hade's Pov
Pumunta ako kung saang hospital nandon yung kaibigan ng girlfriend ni Kley. Crius asked me to take over dahil kailangan niya magpalit ng damit.
He doesn't seem fine this past few days kaya siguro niya nabangga ang babaeng 'yon.
I was about to knock at the door nang marinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa.
"I just want you to help me about something?"
"And what is it?"
"You know that I love your friend, right? Pero Amber ruined everything. Nakakabaliw, gusto kong magwala. Tutal naman may atraso ka sa akin, I want you to do something."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng kaibigan ni Amber. At bakit nandito si Crius?
What does she wants?
Gusto niya bang maghiganti?
"I want you to flirt her. Uhm I mean, gusto kong hiwalayan siya ni Kley sa mundong 'to. Can you help me about that?"
"Hmm..." Balak ko na sanang pumasok sa loob para pigilan ang baliw na babae na 'yon pero nagulat ako sa tinugon ni Crius, "Alright. Maasahan mo."
"Thank you."
Halata sa boses ng babae na ang saya niya dahil sa naging sagot ng kaibigan ko. Bumukas ang pintuan ng kwarto nang babaeng 'yon at nabungaran ko si Crius na gulat ang mukha nang makita ako.
"Kanina ka pa riyan?"
"Are you going to do it?" Hindi niya ako sinagot at inayos niya ang damit niya na gusot-gusot.
"I'm talking to you, Crius."
"What?"
"Are you going to flirt Amber?"
Bored na bored niya akong tinignan bago ngumisi, "Iyon ang request sa akin ng babae, anong magagawa ko?"
"You have your own decision, pre!"
"That's my decision too, Hades. Stay out of this."
Iniwan niya akong nakanganga sa labas ng pintuan. Alam ko namang hindi niya magagawa iyon kay Amber.
'Yon ang akala ko.
Nabalitaan ko na lang na nasa hospital si Amber at ang sa tingin ko na gumawa non ay si Crius. I immediately went outside of the dynasty at mabilis ko siyang hinabol dahil nagpaalam lang siya sa 'kin kanina na pupunta siya sa mortal world.
"Crius what did you do to Amber?"
"Poisoned her?"
"Paano mo nagawa 'yon sa girlfriend ng kaibigan natin?"
Ang akala ko ay lalandiin niya ito pero bakit niya nilason?
Hinilot niya ang sentido niya at tinignan ako nang matalim, "Nakakasawang sumusunod nalang tayo lagi sa gusto ni Kley. We have our own decision, right?"
BINABASA MO ANG
GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVEL
Ficção GeralIsang babae pero dalawa ang katangian. Anghel sa umaga, demonyo sa gabi. Anong mga misteryoso ang ginagawa niya kapag sasapit ang alas-diyes ng gabi? Paano kung ang nakasanayan niyang gawin ay magpabago ng buhay niya? Paano kung ang lalaking iniido...