Junie & Patring: One Shot Story

11 3 2
                                    

Sa isang malaking bahay nakatira ang mag-asawang Junie at Patring.

"Wifey, time to eat~" -Junie.

"Hubby, anong niluto mo?" -Patring.

"Yung puso ko na patay na patay sayo~" -Junie.

Dahil sa narinig biglang pinalabas ni Patring si Junie ng bahay.

"Lumayas ka! Ang corny corny mo. Isa kang masamang ihemplo sa mga bata!" sabe ni Patring saka isinara ang pinto.

*KNOCK KNOCK*

"Wifey, papasukin mo na ako! Wala naman tayong anak eh." -Junie

'Oo nga pala. Papasukin ko na nga, kawawa naman.' -Patring.

Binuksan muli ni Patring ang pinto.

"Hubby~ pasok ka na. Sorry ah, kala ko kasi may anakshie tayo, imagination ko lang pala." -Patring.

"Okay lang, honey~" -Junie.

Agad na tumaas ang kilay ni Patring nang marinig niya ang sinabe ng asawa.

"H-honey? HONEY!? HOY, MR. WEN! THE LAST TIME I CHECKED, HUBBY AT WIFEY ANG TAWAGAN NATIN! SINO ANG HONEY NA YAN!? SINASABE KO NA NGA BA! MAY IBA KANG BABAE! ANO!? SUMAGOT KA!" -Patring.

"W-wifey, w-wala akong babae. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang wala ng iba pa." -Junie.

"AT TALAGANG SUMASAGOT KA PA!? LUMAYAS KA! WAG KA NG BABALIK!" -Patring.

"ANO BA TALAGA!? SABE MO SUMAGOT AKO, TAPOS NUNG SUMAGOT AKO, SABE MO SUMASAGOT PA AKO! ANO BANG GUSTO MO?" -Junie.

"SINISIGAWAN MO BA AKO!?" -Patring.

"Hehe... W-wifey talaga... masyadong mainit ang ulo..." -Junie.

"Labas!" -Patring.

"Eto na po. Lalabas na. Kainin mo yung niluto ko ah." -Junie.

KINAGABIHAN...

"Kuya Jun~" -Haohao.

"Anong kailangan mo?" -Patring.

"Si Kuya Jun? Nandiyan?" -Haohao.

"Oo. Naglilinis ng C.R. Bakit?" -Patring.

Hindi pinansin ni Haohao si Patring at dumiretso ito sa C.R.

"Kuya Jun~" -Haohao.

"Oh? Bakit?" -Junie.

"Pahingi ng pera." -Haohao.

"At san mo naman gagamitin ang pera?"  -Patring.

"May party kasi kami ng mga friends ko, ate." -Haohao.

"O eto, 5k, enjoy ka sa party, bro." -Junie.

"Yan! Kaya lumalaking ganyan yang kapatid mo eh. Bigay ka kasi ng bigay!" -Patring.

"Ate talaga ang KJ masyado." -Haohao.

"Sinasabe ko lang ang totoo! At saka asan na ba yung sinasabe mong girlfriend mo? Iharap mo nga sa amin yan. Ilang taon na kayong mag-jowa hanggang ngayon hindi pa namin yan nakikilala. May girlfriend ka ba talaga? Baka naman mamaya..." -Patring.

"Ate naman..." -Haohao.

"Bro, sige na. Umalis ka na. Ako na bahala sa ate mo." -Junie.

"Pinagsasabe mo diyan!? Hoy! Sumama ka na sa kapatid mong umalis. Lalo akong nai-stress kapag nandito ka." -Patring.

"Wifey naman... Grabe ka sa 'kin. Naiiyak tuloy ako." -Junie.

"May tissue diyan. Gamitin mo bayad lima." -Patring.

SAME NIGHT...

"Mareeeeeeeeeeee!" -Timtim.

"Hi, Tim." -Junie.

"Oy, Junie? Asan si Mare?" -Timtim.

"Nasa kwarto." -Junie.

"Anyways, ano nga palang ginagawa mo dito?" -Timtim.

"Bakit? May problema ba kung nandito ako sa sarili kong pamamahay?" -Junie.

"I mean... bakit ka nandito? Hindi ba dapat nasa Korea ka?" -Timtim.

"Ah nag-leave muna ako ng 1 month haha... Siya nga pala, bakit ka nandito?" -Junie.

"Ah... Eh... Ih... Oh... Uh..." -Timtim.

"Tim, bakit ang tagal mo akong papasukin?" -Dodong.

"ANONG GINAGAWA NIYANG PANDAK NA YAN DITO?" -Junie.

"Bibili ng yelo. Ikaw ginagawa mo dito? Sino ka ba?" -Dodong.

"Umalis ka nga dito!" -Junie.

"Ah... Mga pars... Chill lang tayo ah... Wag kayong mag-away baka maabutan kayo ni Mareng Patring Kayo din..." -Timtim.

"Fine! Pero wag kang lalapit sa asawa ko ah! 5 meters away." -Junie.

"Alam mo ba kung hanggang saan ang 5 meters?" -Dodong.

"10 feet na lang. Dapat 10 feet ang layo mo sa kanya." -Junie.

"Ano bang ingay yan?" -Patring.

Lumabas siya ng kwarto dahil sa ingay.

"Mareeeeeeeeee!" -Timtim.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" -Patring.

"Ahm..." -Timtim.

Tumingin si Timtim kay Dodong. Napatingin din si Patring kay Dodong at agad na nanlaki ang mga mata nito. Ex-boyfriend niya kasi si Dodong.

"WHAT ARE YOU DOING HERE!?" -Patring.

"Let me explain..." -Dodong.

"I.DON'T.NEED.YOUR.EXPLANATION!" -Patring.

"Pero..." -Dodong.

"GET OUT!" -Patring.

"Taray ng asawa ko! May pa-english." -Junie.

"Enebe! Small thing!" -Patring.

"Sige, aalis na ako. Nandito pa naman sana ako para bayaran lahat ng utang ko sayo." -Dodong.

"Ano!?" -Patring.

Mabilis na lumapit si Patring kay Dodong.

"Ikaw naman! Bakit hindi mo sinabe agad! Akin na! Dali! Matagal-tagal ka ding nagtago sa 'kin." -Patring.

"Eto na. Wait lang!" -Dodong.

~• THE END •~

Maraming salamat sa pagbabasa! :)

Junie & Patring: One Shot StoryWhere stories live. Discover now