Ralph Rodriguez. mayaman. gwapo. at pasaway na estudyante ng San Lorenzo Ruiz School for Boys.
nag-aral siya sa nasabing paaralan simula pa noong elemtarya pa lang siya hanggang ngayon na
2nd year highschool. pero ng mag-3rd year na siya ay nag-desisyon ang kanyang mga magulang na
ilipat siya ng paaralan, dahil na din sa mga nagawang offenses ni Ralph sa SLRSB, na
impluwesiyahan din kasi siya ng kanyang mga barkada sa kanilang paaralan.
"mom, Dad. 2years nalang at gra-graduate na ako. no need for me to transfer another school!"
pag-protesta ni Raplh.
"kaya nga anak eh! 2years nalang at mag-cocollege ka na. baka naman sakali ay magkaroon ka
na ng good records sa graduate school mo. good conduct. remember, ikaw lang ang tanging
magmamana ng kompanya natin." paliwanag ng kanyang ina.
"mom, please I swear magbabago na ako. wag nyo lang akong palipatin ng school."
"our decision is final Ralph! and it's irrevocable! kami na lang ng Mommy mo ang mag-aayos
ng pag-transfer mo. sa ayaw mo at sa hindi, mag-aaral ka sa ibang skwelahan!" pinal na
desisyon ng kanyang ama.
Tumahimik na lang si Ralph at pumasok sa kanyang kwarto.
Daniella Monteverde. mayaman. maganda. mataray. suplada.
anak sya ng isang abugada at negosyante. lumaki siyang silver spoon pero never siyang naging
masaya sa kanyang buhay. wala na kasing oras ang kanyang mga magulang sa kanya.
Palipat-lipat siya ng paaralan simula pa nung elementarya siya. hindi dahil sa pinapalipat
siya ng paaralan ng kanyang mga magulang kundi dahil sa hindi siya nakukuntentong manatili
sa isang paaralan sa mahabang panahon. nang mag-3rd year highschool siya ay lumipat siay sa
St. Paul's Progressive High School.
siya na din ang nag-asikaso ng mga kailangan niya sa pag-transfer ng paaralan. Inaasahan na
din yun ng kanyang mga magulang na lilipat siya ng paaralan, kaya hinayaan na siyang gawin
yun, kahit alam ng kanyang mga magulang na maayos naman ang standards ng Immaculate Concepcion
College kung saan nag-aral si Daniella ng 2years sa highschool.
wala din naman kasing matalik na kaibigan si Daniella doon kaya hindi labag sa kanyang
kalooban ang mag-transfer ng paaralan.