Christmas Day!
Maaga akong gumising dahil sa ingay sa baba. Tumayo na ako at naligo at nag ayos na sarili. Matapos makapag ayos ay nag chat muna ako ng good morning kay Kurt bago bumaba. Nakita kong busy mag luto sila mama at nagpapatugtog ng Christmas songs.
"Good morning! Merry Christmas!" energetic na bati ko sa kanila, umupo na ako at nag almusal.
"Kuya?" tawag ko sa kanya, patapos ng kumain
"Pupunta girlfriend mo? Ay, wala ka palang girlfriend aw, pain" asar ko sa kanya at saka tumayo at nilagay ang plato sa lababo.
"Pupunta ba rito si Kurt?" tanong ni mama sa akin
"Opo after lunch" sagot ko
Matapos ay umakyat na ako sa kwarto at naglinis ng kwarto. Matapos kong maglinis ay nagpaalam na muna ako kay mama na may bibilhin na muna ako sa mall. Bibili ako ng mga Christmas gifts para sa kanila at para na rin kay Kurt.
Nang makarating sa mall ay unang hinanap ko ay damit para kay mama at manang. Nang makakita ng maroon blouse para kay mama ay kinuha ko na iyon at nag hanap pa ng para kay manang, nang makahanap na ay dinala ko agad iyon sa cashier at nagbayad. Lumabas ako at naghanap ng mens store titingin ako ng pwedeng mabili para kay kuya at kay Kurt. Naghanap ako ng oversized t-shirt para sa kanila ni Kurt. Nang makakuha na ay binayaran ko na agad iyon. Nang mabili ko na lahat ay umuwi na ako agad. Nang makauwi ay nilagay ko na sa gift wrappers ang mga regalo ko at nilagay ng kanilang mga pangalan. Bumaba ako para ilagay ang mga iyon sa ilalim ng Christmas tree.
Nang matapos ay umakyat na muna ako sa kwarto para matulog muna.Nagising ako sa ingay ng phone ko kaya naman kinuha ko iyon at sinagot.
"Hmm hello?" inaantok na sagot ko
"Merry Christmas, love!" si Kurt
"Merry Christmas!" nakangiting bati ko at saka naupo sa kama
"Maligo ka na, magsisimba tayo" ani niya kaya naman nang mapatay na niya ang call ay tumayo na agad ako para maligo.
Nang matapos maligo at magbihis ay nag ayos na ako ng sarili.
Nang matapos makapag ayos ay binuksan ko na ang pinto ng may marinig akong kumakatok.
"Love!" nagulat pa ako dahil siya ang nasa pinto, binigyan niya ako ng halik sa pisngi at saka ko siya pinapasok sa kwarto
"Tapos ka na ba?" tanong niya
"Yes love"
"Tara na?" tanong niya
"Let's go" hinatak ko na ang kamay niya at saka kami bumaba
"Ma, alis na po muna kami" paalam ko kay mama na nasa kusina nagluluto
"Ingat kayo" habilin ni mama
"Bye tita" paalam ni Kurt
Naglalakad na kami ni Kurt since malapit lang naman ang church dito, katapat lang ng school namin.
"Sila tita ba nag simba na?" tanong ni Kurt
"Ah oo kaninang umaga pa" sagot ko
Nang matapos magsimba ay kumain muna kami sa isang food court. Matapos kumain ay umuwi na kami.
"Sa bahay ka na mag dinner" ani ko habang pauwi kami
Nang makauwi ay nag mano na kami kay mama at saka umakyat sa kwarto ko.
"Bihis muna ako" ani ko at saka kumuha ng damit at pumuntang cr
"Tara nood tayo" ani ko at saka tumabi sa kanya sa kama
YOU ARE READING
CHASE YOUR DREAM
RomansaMasaya at simple lang ang buhay ni Athena, sa huling taon niya sa highschool ay dadating si Kurt Cedric Alcantara sa buhay niya. Isang bagong estudyante sa Bright Academy. Maraming humahanga sa kanya dahil sa kagwapuhan nito ngunit isang mahilig sa...