Chapter 12
NAHIHILO na sina Victoria at Serene kapapanood sa kaibigan nilang si Galiana na maglakad ng pabalik-balik sa harapan nila.
"Galiana, maupo ka nga muna." sabi ni Serene saka hinawakan sa magkabilang braso si Galiana at pinaupo siya gitna nila ni Victoria. "What's wrong?"
"You wanna know what's wrong? This!" sabi ni Galiana sabay turo ng dibdib niya kung saan matatagpuan ang kaniyang puso. "This is wrong." dagdag niya.
Napasinghap naman sina Victoria at si Serene.
"You have a heart disease?!" sabay na tanong ng dalawa at sabay din silang binatukan ni Galiana.
"Seriously? Heart disease? Sa hyper kong 'to?"
"Sabagay." pagsang-ayon ni Victoria.
"Ano ba kasi ang problema? Pinatawag mo ba kami para lang panoorin kang maglakad ng pabalik-balik?" sarkastikong tanong ni Serene.
Napabuntong hininga si Galiana saka napahilamos ng mukha niya. "I don't know what to do..."
Nagkatinginan naman sina Victoria at Serene. Tinaasan naman ng kilay ni Serene si Victoria at nagkibit-balikat lang ito.
"Kuya Alex asked me for a favor that I can't do."
"What favor?"
"Para maging estruktura na ginagawa ng mga mahal nating construction workers, engineers, at architects sa ibabaw ng ilog o anumang uri ng anyong-tubig para daanan ng mga tao patawid sa kabilang dulo."
"Ano?" sabay ulit na tanong nina Victoria at Serene.
"Teka, bagay ba 'to, lugar, gusali, o a-aksyon...?" nag-aalangang tanong ni Victoria.
"Bagay... na pwede ring lugar... na pwede ring aksyon?"
"What?" naguguluhang sabi ni Serene. "Anong pinag-uusapan niyo? Di ko gets."
"Matigas o malambot?"
"Matigas, siyempre!"
Napasinghap naman si Victoria. "OMG! Mahaba ba 'to?"
"Ano' to? Pinoy henyo?" sarkastikong tanong ni Serene. Di naman siya pinapansin ng dalawang magkapareho ang brain cells.
"It depends." payak na sagot ni Galiana.
Napatingin naman sa inosenteng si Serene si Victoria na napatakip pa ng bibig dahil sa gulat. Binigyan niya naman ito ng nakakalokong tingin.
"What? I don't know what you're pertaining to."
Nanlalaki ang mga matang binalingan ng tingin ni Victoria si Galiana. Hinawakan niya ang magkabliang balikat nito at inalog siya ng todo.
"What the fu-Tory!"
"OH, MY GOD, GALIANA! DON'T TELL ME KUYA ALEX ASKED YOU A FAVOR TO... TO... AAAACCKKK! NAIINTINDIHAN KO NA KUNG BAKIT NAHIHIRAPAN KA! BUT, GO, GIRL! YOU CAN DO IT!" sabi ni Victoria na hindi mapigilan ang excitement habang niyuyogyog si Galiana.
Hinampas naman ni Galiana ang mga kamay ni Victoria na nakahawak sa kaniya. "Anong pinagsasabi mo diyan?"
Napangisi naman si Victoria saka ibinulong kay Galiana ang ideyang nasa isip niya. Di pa natatapos ang ibinubulong ni Victoria sa kaniya ay kaagad nang pinaliguan ng hampas sa braso ni Galiana ang walang hiyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
YABS: The Story of How We Confessed
General FictionReminiscing the moment of confessions they've had is both amusing and at the same time sending them a sensation of loneliness and grief. While their mothers used to hide a quirky secret before, Eloise, Brielle, Serene, Kate, Victoria and Galiana, ha...