Kagat-labi kong tinatabunan ng aking mga palad ang buo kong bunganga habang naglalandasan ang aking mga luha. Gusto ko man itong punasan ngunit natatakot akong makalikha ng ingay mula sa aking pag-iyak. Nanginginig ang buo kong kalamnan sa takot habang sinisilip ko Mula sa maliit na siwang ng aparador kung may pumasok ba sa loob ng kwarto mula sa mga yabag na naririnig ko.
Halos na mabingi na ako sa pagdinig at ramdam ng pintig ng aking puso. Hanggang sa tuluyan ng nawalan ng malay nang masilayan ang katiting na liwanag.