{James Daniel's PoV}
Ang tagal naman nun sa comfort room...
Ano kaya ginagawa nun? xD
...
...
...
WAAAAAAAHH!!!
Baka lalaki talaga sya?
Eh?
Bakit bigla yun pumasok sa isip ko?
Hindi, hindi, hindi... HINDI!
Teka... Nasaan pala yung cp ko?
Kinapa ko yung bulsa ko at nakita ko yung papel na listahan ko ng plano ko ko kanina kasama ng cp ko.
Hmmmm...
Hehe... Video cam...
San ko nga ba pinaglalalagay yun?
Sa tapat ng hagdan para sa pagbaba nya...
"Check." sabay kuha sa cam.
Sa harap ng mesa...
"Check." sabay kuha ulit ng cam.
Ay! Meron pa pala sa may sala nya.
Umakyat ako para kunin ang cam na nasa sala.
Pagkakuha ko ng mga cam ay pumunta na ako sa kinaroroonan ng bag ko at nilagay ang mga cam.
"James! James! James!" Patakbo na tawag ni Micah.
"Oh? Anyare sayo?"
"May peanuts siguro yung brownies na binili mo."
Ay, anak ka ng panadero! Allergic sya dun!
"Wait. Tatawagan ko si dok."
At dinial ko na nga ang number ng doctor ni Micah.
Ano ba 'tong ginawa ko? Imbis na pasayahin ko sya, pinahamak ko pa!
"Ano ba? Tigilan mo na nga yang pangangamot mo. Nagmumukha ka nang kamatis eh!" sabi ko.
"Kamatis ka dyan?"
"Eh? Slow? May curves ka ba? Tignan mo itsura mo sa salamin na namumula." pang-aasar ko.
Di naman sya nagsalita at humarap sa salamin na naka-pout. Umikot-ikot pa sya sabay harap sa akin. "Di naman ah!" sabi nya na magkasalubong ang kilay.
"Pfftt..." ang ewan nya tignan. Super cute. :">
Maya-maya pa, dumating na rin yung doctor.
"Tsk. Tsk. Tsk." sabi nung doctor with matching iling-iling pa.
"A-a-ano po? O-o-okay lang po ba sya." tanong ko sa doctor na nauutal-utal pa.
Natatakot, kinakabahan, naiirita, naiinis at nag-aalala... yan ang mga nararamdaman ko habang inaantay ang sagot ng doctor.
Kasalanan ko 'to.
"Okay lang naman sya." sabi nya na naka-smile sa akin. Tinignan naman nya si Micah. "Next time iha, wag ka nang mangangamot ha? Bukod sa mamumula ka,magkakasugat pa dahil sa haba ng kuko mo.
Kakaloka tong doktor na 'to ah...
Pa-tsk-tsk-tsk pang nalalaman, okay lang pala si Micah.
Pigilan nyo ako. Pigilan nyo ako!
Umalis na rin yung doctor matapos magbilin ng gamot.
"Oh? Ano nangyari sayo? Bakit ka namumutla dyan?" tanong ni Micah.
"Wala." sabi ko na walang emosyon.
Tinititigan ko lang si Micah habang kumakain.
Naiinis talaga ako sa sarili ko. Dapat, di na lang ako pumunta dito para di na lang nangyari ang nangyari kanina.
"Aalis na ako, Micah." paalam ko sa kanya.
"Huh? Bakit naman?" napatigil sya sa pagkain.
"Marami pa kasi akong gagawin sa bahay eh." nagsinungaling ako.
Tumungo lang sya at sumagot. "Okay."
Kinuha ko na ang bag ko at dumiretso na palabas.
Pagkasakay ko ng kotse ay sinulyapan ko muna ang saradong pinto ng bahay ni Micah tsaka humarurot na paalis.