01

42 1 0
                                    

ZYMEL'S POV


''Wala talaga ako sa mood sumayaw ngayon hanap ka na lang ng ibang mapipilit saka pwede ba? Hindi kita type!" iritado at walang preno kong sinabi sa babaeng nagpupumilit hilahin ako pababa sa mga taong nagsasayawan sa dance floor.

Napamaang siya sa pagkainsulto sa sinabi ko agad siyang pinamulahan ng mukha sa inis at napapikit na lang ako nang maramdaman ang hapdi sa kanang pisngi ko nang sampalin niya ako. Oh, deym. Pasalamat siya babae siya kaya hindi ko siya papatulan.


"Asshole!" sigaw niya sa akin bago tumalikod at iniwanan ako.


Napaismid ako. Tch! Sino ba kasing nagsabi na kailangan ko ang company niya. Hindi siya ang kailangan ko ngayon. Buntonghininga na napasandal ako sa couch at ihinarang sa mata ang isang braso. Wala naman kasi talaga ako sa mood mag-entertain ng mga babae ngayon. Ang gusto ko lang ay uminom at magpakalasing magdamag.


Nakapikit kong dinama ang sabog na music na tumatagos mula sa loob ng inokupahan naming VIP room. Kasalukuyan akong nandito sa madalas naming dayuhin na club kasama ang mga kaibigan ko pero hindi ko na sila mahagilap ngayon, ewan kung nasaan na sila. Napadilat ako nang may tumapik sa braso ko.


''Anyare dun sa chics mo ba't nag-walk out?" tanong ng kaibigan kong si Zage nang maupo sa tabi ko habang nakasunod ang tingin sa babaeng sumampal sa akin.



Awtomatiko akong natawa nang makitang namumula ang mukha niya. Bakat na bakat pa sa mukha niya ang kamay ng kung sinong sumampal sa kanya.


Sinong maling babae na naman kaya ang pinormahan nito?


"Ang angas ng handprint mo sa mukha ah, masakit?" natatawa kong tanong habang nakaturo pa sa pisngi niyang pulang-pula.


"Shut up Primo, or I will punch your ugly face," he hissed in irritation while his jaw moved aggressively. Pikon na agad.

"Woah...easy buddy," natatawa kong itinaas ang dalawang kamay sa kaniya. "Sinong babae ba kasi sumampal sa iyo?" pangungulit ko habang nakangisi.


"Wag mo ng alamin," irita niyang tugon marahas niyang sinuklay ang kaniyang buhok sabay nag-iwas ng tingin. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa labas.

Nakangisi kong inilingan ang badtrip niyang itsura. Ang damot talaga nito sa kuwento eh. Ayoko na lang kulitin pa lalo, kilala ko ugali niya 'pag lalo mong pinilit lalong hindi siya magsasabi.

 

"Inaatake ka na naman ng mood swings mo," umismid lang siya sa sinabi ko sabay tungga ng pale pilsen na dinampot niya sa lamesa. Tinawanan ko lang ang naaasar niyang itsura.


Nakadungaw siya sa labas kaya nakatagilid sa'kin ang mukha niya. Tinitigan ko siya habang naka- krus ang mga braso ko sa dibdib at pasimple kong inilapit ang mukha ko sa kaniya.


"Zage, ampon ka nila tita noh?" nilingon niya naman ako salubong na ang kilay niya.


"Pinagsasasabi mong kupal ka?" napangisi ako sa kalokohan.


Hays, bangenge na nga talaga ako kaya kung ano-ano ng kalokohan sinasabi ko. Dapat tantanan ko na siya kasi baka masapak ako nito bigla kaso...gusto ko siya pagtripan.

Untamable Badass QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon