Third Person's POV
"Hey, buddy, where you at?" Zage immediately phoned Zymel once they were out of the club.
"Pauwi na," tipid na sagot ni Zymel sa kabilang linya.
"You're drunk driving, man," hindi naitago ni Zage ang iritasyon nang sabihin iyon.
"Yes, I know Daddy," pabiro naman nitong sagot sa kaniya na binuntutan pa ng malakas na tawa. Zage is now pissed but still composed himself to enticed his friend to halt on driving.
"Stop your car Zymel, drop your location. Pupuntahan ka na lang namin," may diin niyang sinabi sa kaibigan.
He glanced at Vancouver beside him his pacing back and forth while frowning. Hindi ito mapakali at nasa mukha ang magkahalong inis at pag-aalala sa kaibigan.
"Wag na buddy, kaya ko na'to hahaha. Umuwi na kayo bukas na lang tayo mag usap sige ingat," sunod-sunod na sabi nito.
"Zy- "napamura na lang si Zage nang babaan siya ng tawag ng kaibigan.
"Ano... 'asan na raw siya?" tanong ni Vancouver nang humarap siya rito.
"Nag-drive na raw pauwi sa kanila,"
"Shit," napamura na lang si Vancouver sa inis at napagulo sa buhok. "Ang dami pa namang tinungga nun kanina, pa'no kung maaksidente 'yon?!" nayayamot niyang sinabi.
Buntonghininga lang ang sinagot niya rito. Hindi niya ito masagot dahil nag-aalala rin siya para sa kaibigan nila.
"Umalis na lang tayo dito at baybayin natin iyung daan baka sakaling makita natin ang kumag na 'yon," kalmado niyang sinabi maya-maya sabay tapik sa balikat ni Vancouver.
"Kung hindi lang tayo hinarang ng mga amazonang 'yon... e, 'di naabutan pa sana natin si Primo," iritang sinabi ni Van habang papasok sa driver's seat. "Tangina, madisgrasya lang talaga siyang kupal siya tutuluyan ko pa siya," nayayamot niya pang sinabi.
"Pauwi na 'yon sa kanila kaya 'wag ka ng OA diyan," ani Zage inis naman siyang binalingan ni Van.
"Anong OA?! Hindi ako OA, natural lang na maging gan'to reaksiyon ko kasi nag-aalala ako sa kaibigan natin," napailing-iling na lang si Zage sa kaniya.
'Nagpaliwanag pa nga,'
"Ikaw, hindi ka ba nag-aalala sa kaniya? Ang kalmado mo naman 'atang kupal ka,"
"Hindi ko kailangan magpanic na parang babae 'pag nag-aalala. Tss, ikaw lang 'yon babading-bading ka kasi," sabay pinatunog na niya ang makina ng sasakyan. Humabol pa ng mura ang kaibigan sa kaniya habang umaatras siya.
BINABASA MO ANG
Untamable Badass Queen
ActionShe's the woman you've never wanted to encounter with. She's a badass, and she don't give an F to those people who always talk about how cruel she is.