Sa Pagkakalimot at Pagbabago

5 0 0
                                    

"Gising na, Ian. Late ka na."

Ang hirap ng araw-araw ganito. Parati mong hinihila sarili mo sa kama. Para pumasok. Sa malaking kulungang eskuwelahan ang tawag. Lintek.

Ako si Ian. 2nd year college. At kung pinapalarawan sa inyo ng guro nyo ang salitang "Tamad", banggitin nyo lang pangalan ko, alam na nila yun.

Papasok na nanaman ako. Malapit lang ang school sa bahay kaya parati ko lang nilalakad. 1 pasok ko pero 12:30 na't di pa ko naliligo. At si mama. Kanina pa nasigaw sa baba. Gising na ko pero ayoko bumangon. Nakakabwisit. Ang ingay. At ang init. Masyadong drag ang bumangon at mag-ayos. Ayoko nalang din maligo.

"IAN!!" Si mama. Ang ingay.

"Opo, ma. Gising na."

Bumangon na ko at dumeretso sa lababo ng kusina. Naghilamos ako dun.

"Kuya?" May lintik na bata sa tabi ko.

"Oh bakit?" Wag mo ko pansinin, ayoko makipag-usap.

"Bakit dala mo unan mo? Basa na sya oh!" Shit. Oo nga pala.

"Eh inaantok pa si kuya eh. Matutuyo din yan."

Umakyat ako sa kwarto ko ng yakap ang unan ko. Nakasalubong ko si mama sa hagdan.

"Ay, nako, Ian. Maghilamos ka nga at may muta-muta ka pa. Tingnan mo buhok mo! Yung damit mo pa kamukha na ng basahan natin!! Magbihis ka na at ala-una na!" Dami sinabi.

Napatingin ako sa relos na nakasabit. Oo nga. 1:14 na. Parang 5 minutes lang ako nakahiga kanina ah.

"Opo, ma."

Pagpasok ko ng kwarto ko, tinapon ko sarili ko sa kama. Shit naman. Inaantok pa ko. Bumangon ako at hinarap ang kambal ko sa salamin. Oo nga. Tama si mama. Grabe gulo ng buhok ko. Baka kelangan ko na pagupit. Ayaw. Katamad.

Hinila ko na ang unang damit na nakasalampak sa cabinet ko. Naghubad ako at nagpalit. Kahit ano nalang. Nadadaan naman sa mukha lahat eh. Kahit may muta. 

"Ma, alis na po ako."

 

"O sya, sige na, at late na late ka na." Sabihin mo nalang ingat.

 

At ayun. Sinimulan ko na ang kalbaryo patungong paaralan. Hindi ko na naman kelangan mag-aral eh. Malaki na ko't kayang kaya ko ng magtrabaho. Pero parang ayoko pang bumukod. Ika nga nila eh, feel na feel ko pa ang mabuhay sa puder ng mga magulang ko. Hindi kasi kami ganun kayaman pero may kinakain at nabubuhay kami. Hindi din naman kami ganun kahirap para hindi mabili ang mga gusto namin.

Pagkaliko ko sa unang kanto sa may tindahan, may nakita akong lalaking naninigarilyo.

"Fre~!!" Shit.

 


"Stephen?"

"BOBO! S-T-E-V-E-N po ang pangalan ko. Ano ba yan Ian. Taun-taon nalang tayo magkasama sa pang-araw-araw natin na buhay hanggang ngayon nakakalimot ka pa din?"

 

"Andame mo sinabi. Di mo nalang ako tinama eh."

 

"Bigay ng magulang ko yan, dre~."

 

"Naninigarilyo ka nanaman. Hindi yan tamang paraan ng pagpapakamatay."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

{Insert Title}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon