TRISTINA'S POV
R-18 (pakitandaan hindi lang chukchakan sakop nito. May mga bugbugan din tsaka bad words)
"Oyy miss" tawag sa akin nung lalaking mukhang ampalaya yung mukha. Mukhang bangag na tong mga to. Parang sigang naglalakad at paniguradong kapag nahawakan ka ay wala ka ng kawala
"Bakit? Anong problema mo?" Maangas na tanong ko habang pinakikiramdaman ang paligid. Alam kong nakasinghot tong mga to.
Medyo madilim na ang eskinita dito. Nakakapag taka eh isa tong lugar na dapat may ilaw. Park to diba? Eh bakit nagmistulang haunted street? Mukhang nakurap na naman ang pondo ng bayan. Napabayaan na rin to dati ah. Mukhang kahit lumabas na yung litid sa lalamunan ko eh wala pa ring makakarinig
"Ang sexy mo naman miss baka pwedeng makaisa." Ungot nung isa habang inilalandas ang tingin sa buo kong katawan. Halatang naparami na naman ang singhot nito. Mga baliw na at nauulol.
"Jusko isa lang pala halika dito at ipararanas ko sa inyo ang langit" puno ng pang aakit na sabi ko sa kanila.
Tssk. Buti na lang talaga naka sando ko ngayon. Mukhang may work out na naman ako
"Talaga?" Tuwang tuwa namang sabi nung isa. Kung alam mo lang kung anong langit ipapalasap ko sa inyo. Baka magsisi pa kayo sa gagawin ko haha.
"Halika dito" utos ko sa kanya
Dahan dahang pumunta sa likod ko ang dalawang lalaki samantalang yung isa ay umaabante. Mukhang pinaliligiran ako ng mga to.
Akmang hahawakan nila ako sa kamay ng...
"Hep hep hepp." pigil ko sa kanila.
"Ano ba? Bakit ka pa huminto?" Ingit nung mukhang bossing nila. Ano bang klaseng mga mukha to? Yung isa mukhang kapre. Yung isa di ko alam kung mukhang tikbalang. Yung isa tiktik. Hay naku sa mundo. Makakakita ka na nga lang ng makakaaway mukhang aswang pa.
"Gusto ko kasi isa isa lang eh. Syempre gusto ko yung mai enjoy nyo talaga bawat galaw." gustong gusto ko humagalpak ng tawa. Hindi ko ini imagine na yung katulad kong babae kaya mang akit ng ganito.
"Paano kami makakasiguradong hindi ka tatakbo?" nakangising usisa nung mukhang tiktik
"Magyayaya ba ko kung tatakbo ako? Eh di sana kanina ko pa ginawa hindi ba?" sagot ko sa mas nakakaakit na boses.
"Oyy Charles ikaw muna mauna. Bilisan mo lang at atat na atat na ko." hayok na hayok na sabi nung isa.
Lumapit yung lalaking tinawag nya. In fairness ahh pogi ka hahaha. Agad nyang inilapit ang mukha niya sa akin. Akmang hahalikan ako ng sinuntok ko ng malakas sa mukha.
Agad napahiga sa sahig yung lalaki. Mukhang nakatulog. Ang hina pa nga lang nun eh di pa tumunog buto ko.
Halos lahat sila ay nagulat sa ginawa ko
YOU ARE READING
Who Would Have Thought Forever Could Be Severed By
RomanceA/N Hi guys! This is TL. THIS STORY IS FOR ME CHARAUGHT HAHA. DITO KO ITUTULOY ANG NAUNSYAMING PAG IBIG KO SA AKING GURO. Joke ulit yun haha. May mga error dyan pag pasensyahan nyo na. Nangangarap lang ako maging writer. Please vote and comment! W...