(A/N: This story is dedicated to my bestfriend. Erica Gundan i love you :* haha peace offering ko ^___^v. Kathang isip lang po lahat ng nakasulat dito walang halong katotohanan. Enjoy reading guys ^_____^v)
*VOTE*COMMENT*BE A FAN*
***
Naglalakad na ko sa corridor papuntang room namin at nung nasa tapat na ko ng pinto ng room bigla na lang ito nagsara at ang matindi pa dun ang lakas ng pagkakasara kaya naman napahawak ako sa tenga ko.
Hindi pa naman nagbebell eh at saka imposibleng nanjan na ang prof namin dahil palagi naman yun late kung dumating.
Nagsisimula na naman umusok ang ilong ko dahil alam ko na kung sinong EPAL na naman ang pagsasaraduhan ako ng pinto at walang ibang ginawa kundi araw-arawin pestehin ang buhay ko. AAAARRRGGGHHH >____<
"GIO!!!!!!!!!!!!!!!" Malakas na sigaw ko. Wala na kong pake kung sitahin ako dito.
Agad naman nyang binuksan ang pinto. At ang pinangbungad nya sakin ay ang nakakaloko nyang ngiti.
"Hi Pisngi ^____^" at kumaway kaway pa sya sakin. Yan ang lagi nyang pang asar sakin dahil daw malaki ang pisngi ko. Malaki ba? Hindi naman eh >3<
"LECHE!!! TANTANAN MO KO! DI TAYO CLOSE!!" pasigaw ko sa kanya. Arrrgghh bigyan nyo kong BP nahahighblood ako >____<
"Eto naman ang sungit mo. Close naman tayo ah! Ayan oh were close to each other." at umakbay pa sya sakin.
"Ah ganun close gusto mo?" Agad kong kinuha yung kamay nya na nakaakbay sakin at pinapilipilipit ko. "Close close-sin mo mukha mo!"
"AH ARAAAAAAYYY!!!" buti nga sayo napakaepal mo!
Naglakad na ko at binangga ko ang surot na nakaharang sa pinto sabay tingin sa kanya at inirapan ko sya. Naglakad na ulit ako papunta sa pwesto ko kung san ako nakaupo, nung napansin ko na parang lahat ng classmate ko ay nakatingin sa akin at nagpipigil ng tawa.
"Oh anung problema nyo?" mataray na sabi ko sa kanila. Nakakainsulto kasi eh parang ako yung pinagtatawanan nila.
"Erica! kasi ano yung likod mo eh." sabi sakin ni Misha, bestfriend ko yan kaso di ko na masyadong nakakasama ngayon dahil laging may bumubuntot sa kanya, si Mike ewan ko kung manliligaw nya yun. Ah basta bahala sila sa love story nila.
(A/N: Secretly inlove pakibasa po, nandun ang story ni Misha and Mike :D)
Tinignan ko naman yung likod ko. Hindi ko makita eh! Kinakapa ko na lang at may papel na nakadikit sa likod ko. Tinanggal ko at binasa kung ano ang nakasulat sa papel.
Mas malaki ang pisngi ko sa pwet ko! :D
Yan ang nakasulat. Langya! at may smiley pa talaga ah. Automatic na kumulo ang dugo ko. At syempre sino pa ba ang gagawa ng katarantaduhan na toh. Ang no. 1 na bully ng school namin na si Gio Madrigal na anak ng may-ari ng school namin. Ako lang ang nagbubukod tanging may lakas ng loob na pumatol jan sa abnormal na yan kaya naman trip na trip nya ko pagtripan, lahat kasi takot sa kanya.
Sa sobrang inis ko sa kanya nalukot ko na yung papel sa gigil ko at tinignan ko sya ng sobrang sama na pwede na syang mamatay sa titig ko.
"GIO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko. Papalapit ako sa kanya na para bang sasabak sa gyera. Oo gyera talaga toh! Humanda ka sakin >:(
"Hahahahahahahahahahahaha!!!" Tawa lang sya ng tawa habang papalapit ako sa kanya.
*RIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGG!!!!!!!!*
BINABASA MO ANG
Eroplanong papel (One Shot Story)
Teen FictionNaranasan nyo na bang araw araw may nang-aasar, nangungulit, nambabadtrip at kung anu-ano pa basta mahighblood ka lang. Sya si Gio ang pinaka nakakaasar na lalaki sa buong mundo! At never akong mag-iinlove sa kanya.