Confession
Pinahiram ako ng kasambahay nina Edward ng isang ternong pajama na wari ko'y galing kay Jemina dahil halos magkasing laki lang kami. Nilibot ko ang tingin sa buong guestroom, agad akong namangha dahil kahit guestroom lang ito'y malaki at malinis ito.
I was brushing my damp hair when someone knocked on the door.
"Jez?" I heard Edward's voice. Bumuntong hininga ako at dahan dahang naglakad patungo sa pinto. Bumungad sa akin ang medyo basa niyang buhok, puting t-shirt at jersey short. Amoy na amoy ko rin ang panlalaki niyang bango. Hindi ko alam kung bakit nanindig ang balahibo ko sa mga mata niyang nakatuon ang atensyon sa akin.
"The dinner is ready. Tapos ka na ba?" Tanong niya. Pinasadahan niya ng tingin ang aking suot at nakita ko ang pagkurba ng kanyang labi sa isang ngisi. Nag-init ang pisngi ko dahil sa kauna-unahang beses ay nakita niya akong ganito ang ayos. I swallowed hard and looked away.
"T-Tapos na ako..." saad ko at lumabas na ng kwarto. Umatras siya at binigyan ako ng daan pero ramdam na ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.
"Stop staring at me," suway ko sa kanya. Narinig ko ang halakhak niya kaya natuon sa kanya ang paningin ko.
"You look good in everything," he chuckled. Nagtaas ako ng kilay at pilit na pinatatag ang natutunaw ko nang puso.
"Huwag mo akong bolahin," mahina kong saad. Mas lalo siyang natawa habang humahakbang kami sa malawak nilang staircase. Mas malaki pa ang bahay nila sa bahay namin dito sa Lucena.
"Hindi kita binobola-"
"Sus kuya! Bilisan niyo maglakad at baka nagugutom na si Jezebel!" Jonas interrupted us again. Nagsupil ako ng ngiti dahil agad kong nakita ang iritadong mukha ni Edward para sa kapatid.
"Hindi ka ba talaga mananahimik na ugok ka?" Angil ni Edward kay Jonas nang makalapit kami sa dining table. Ngumisi si Jonas at mas lalong nang-asar.
"Can you shut up kuya Jonas? You're disrespecting the foods here!" Narinig ko ang maarteng sabat sa usapan ni Jemina. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil naalala kong masama ang tingin niya sa akin. Sa palagay ko ay hindi niya ako gusto...dito.
Bahagya akong nahiya na nandito ako. Kung may iba akong kakilala o kaibigan dito sa Lucena ay marahil wala ako dito ngayon.
"Take a seat here Jez," aya sa akin ni Edward sabay turo sa katabi niyang upuan. Dahan dahan akong tumango at umupo sa tabi niya. Ramdam na ramdam ko ang panunuod nina Jonas at Jemina sa akin.
"Here's my specialty!" Tili ni tita Jemmy habang papasok sa dining at dala dala ang isang bowl ng sinigang na baboy. Agad akong naglaway dahil sa amoy nito.
"My favorite!" Excited na banggit ni Jonas habang halatang halata ang paglalaway niya rito.
"Kain ka Jez! Wag kang mag-alala dahil masarap 'yan!" Tita Jemmy said. Tipid akong ngumiti. Tita Jemmy is such a nice mother. She's sweet and energetic. Mukhang namana ni Edward ang energy ng kanyang ina.
"Thank you..." usal ko.
"You're welcome! Hoy Edward!" Nanlaki ang mata ko ng tampalin niya ang kamay ni Edward na kukuha na sana ng kanyang sariling bowl ng sinigang na baboy.
"What?" Nagtatakang tanong ni Edward.
"Mahiya ka nga! Lagyan mo si Jez ng ulam! Wala kang manners na bata ka! Para kang hindi naturuan ng good manners and right conduct ah?" Sunod sunod na salita ng kanyang ina.
Nangiti ako dahil nakakatawa ang hitsura ni Edward habang pinapagalitan ng kanyang ina."I know! I know what to do mom!" Edward hissed.
"Weh? Alam mo? Eh bakit hanggang ngayon ay hindi pa kayo? Natotorpe ka na ba big brother?" Jonas teased. Nag-init ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Damn it!
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomansaMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...