CHAPTER 88: KAPANGYARIHAN NG MINOKAWA

37 4 0
                                    

Matapos makitang magalit at ilabas ni Saturna ang kanyang tunay na kapangyarihan, nagulat at kinilabutan ang lahat, nang makita nilang nagbagong anyo ang kanina'y isang magandang babae na ngayo'y isang matandang halimaw na kulay abo ang balat, matangos at kulubot ang ilong, matatalas na kuko na gawa sa bakal at pangil, pakpak na katulad sa paniki na gawa rin sa bakal, puting buhok at itim na mga mata.

Saturna: "Kayong mga walang hiya!!! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!!!!!!"

Tyler: "LAHAT KAYO!! PAPUTUKAN NYO SYA!!!!!!!!"

Pinaputukan ng baril ng lahat ng mga Hunters si Saturna ngunit tumalbog lamang ang lahat ng bala sa kanyang balat. Maya't maya'y biglang sumugod si Saturna at inatake ang ilan sa mga Hunters. Dahil hindi tumatalab kay Saturna ang balang may mga orasyon, sinabihan ni Tyler na umalis ang lahat, ngunit mabilis na humarang sa pinto ng Basement si Saturna.

Saturna: "HAHAHAHA!!! TATAKAS PA KAYO HA?!!!!! DITO NA KAYO MAMAMATAY!!!!! [FROST WAVE!!!!!!!]"

Ginamitan ni Saturna ng mahikang yelo ang lahat kung saan binalutan ng Yelo ang kanilang mga paa. Maliban sa grupo ni Marika kung saan gumamit ng Magic Barrier si Lyrica.

Saturna: "HAHAHAHA!!! KAHIT GUMAMIT KA PA NG BARRIER, MAMAMATAY NAMAN ANG MGA KASAMAHAN NYO!!!"

Hunter 1: "BOSS TYLER!!!! TUMAKAS NA KAYO!! IWAN NYO NA KAMI!!!!"

Hunter 2: "KAMI NA ANG BAHALA SA HALIMAW NA ITO!!!"

Tyler: "TUMIGIL KAYO!!! MAKAKAALIS TAYONG LAHAT DITO!!!"

Saturna: "WALANG MAKAKAALIS NA KAHIT SINO SA INYO!!!! MAMAMATAY KAYONG LAHAT!!!! [WIND SLA-!!!]"

Bago pa man matapos ni Saturna ang kanyang panapos na mahika, biglang pinasabugan ni Jett ng kanyang Star balls ang katawan ng Mangkukulam.

Jett: "Ako nang bahala sa Bruhang yan!!!!! Lyrica!! Tunawin mo ang yelo para makaalis na ang lahat!!!"

Lyrica: "OK!!!" (First time kong gagamitin ang mahikang ito. Sana hindi ako pumalpak!!) "[Heat Pulse!!!]"

Pagkagamit ni Lyrica ng kanyang mahika, natunaw ang yelo sa buong paligid. Lalo pang nagalit si Saturna ng mapakawalan ni Lyrica ang lahat ng mga Hunters.

Tyler: "Tumakbo na kayong lahat!!!! Dalian nyo!!!!!"

Saturna: "HINDI KO KAYO HAHAYA-"

Jett: "Tikman mo to!!!!"

Sinuntok ni Jett si Saturna sa katawan at sumabog ang binitawan nyang kamao. Tumalsik ito sa pader kung saan naalis ito mula sa pagkakaharang sa pinto. Agad namang tumakbo ang lahat ng Hunters, kasama sila Tyler, Marika, Lyrica at Reysha paakyat sa ground floor ng building.

Lyrica: "Guys!! OK lang ba na iwan si Jett at hayaan syang labanan ang Mangkukulam na yon?!!"

Tyler: "Eh sabi naman nya, sya na daw ang bahala dun sa pangit na Bruhang yon!!! Kaya umasa na lang tayo na matatalo nya si Saturna."

Lyrica: "Reysha? Bakit parang, napakakalmado mo ata?!! Hindi ka ba nag-aalala kay Jett?!"

Reysha: "Lyrica, sa totoo lang, makalipas ang dalawang taon, yun na naman ang unang beses na marinig ko mula kay Jett ang salitang "Ako na ang bahala". Sa pagkakaalala ko, kapag sinabi nya ang mga salitang iyon, sisiguraduhin nyang tutumba ang kanyang kalaban ng walang kahirap-hirap. Kaya panatag ako na matatalo nya si Saturna."

Lyrica: "Kung yan ang sabi mo, maniniwala ako sayo, Reysha."

Marika: (Talagang kilalang-kilala ni Reysha si Jett. Pero sana man lang, hindi sya masaktan ng husto sa pakikipaglaban sa Mangkukulam.)

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon