"Lassie!"
Lumapit ang isang babae sa grupong nasa canteen. Kilala n'ya sila. Mga classmates n'ya ang mga babaeng tumawag sa kanya. Naguguluhan man ay lumapit parin s'ya sa kanila.
"Pasok ka na sa group! You're our FRIEND now!", sabi ng babaeng kasama sa grupo.
"H-ha? Eh hindi naman ako sumali ah?"
"Bakit? Ayaw mo ba'ng pumasok sa grupo namin? Lahat ng babae dito sa campus gustong makapasok sa circle namin. Buti nga tinawag ka namin para maging friend ehh!"
"Oo nga! Tama si Jane. Obvious naman na wala kang friend dito.", sabi ng leader nilang si Tania.
Si Tania lang ang kilala n'ya. First day of classes palang kase at iba ang ang section n'ya ngayon. Pero gaya ng sabi ni Jane, wala nga s'yang kaibigan simula pa nung tumuntong s'ya ng highshool. What's more ngayong college na s'ya?
"Meron kaya!", pagsisinungaling n'ya.
Napatingin naman sa kanya ang grupo ni Tania.
"Yeah right. Eh wala naman ah?"
"Oo nga!"
Nagsurrender nalang si Lassie. Hindi talaga s'ya mananalo sa pakikipagtalo.
"Meron kaya..... kayo."
Nagkatinginan sila at nagbigay ng makakahulugang tingin bago binalingan ulit si Lassie.
"Welcome to the group!"
Nag-group hug sila.
"Oh? Lassie. Since friend ka na namin. Pwedeng humingi ng favor?"
"Ano yun?"
"Bumili ka naman ng burger at fries oh?"
"Wala akong pera."
Tumayo si Jane sa kina-uupuan n'ya, sabay dukot ng bill sa pitaka n'ya. Inabot n'ya kay Lassie ang pera.
"Eto ang pera! Go girl!"
Aalis na sana si Lassie.
"May share ka d'yan . Dagdagan mo nalang ng drinks ok?"
"Okay."
Masayang umalis si Lassie. Ganun nalang kase ang saya n'ya na merong nakipag-kaibigan sa kanya. Hindi n'ya alam, pagkaalis na pagkaalis n'ya. Sya namang pag-apir ng grupo sa isa't isa.
Bumalik naman kaagad si Lassie dala ng mga pinamili n'ya. Halatang pagod s'ya. Malayo pa kase sa campus nila ang bilihan ng burger at fries. Puro healthy foods kase ang ibinebenta sa canteen nila.
"Thanks girl! Tara! Eat na~!", salubong sa kanya ni Tania.
Kanya-kanya na silang kuha ng burger at nagsimula nang kumain. Nagkwentuhan narin sila sa mga bagay-bagay. Makahulugan man o hindi. Parang na-out of place naman si Lassie kase hindi s'ya makarelate sa pinag-uusapan ng grupo.
"Ikaw Lassie?"
"H-ha?"
"Wahaha. Aila, hindi s'ya nakikinig. Hahaha."
Nag-poker face nalang si Aila sa sinabi ni Jane.
"Hello Lassie? Aren't you listening?", iretableng sabi ni Aila.
"P-pasensya na."
"Fine. sagutin mo nalang.....
BINABASA MO ANG
Sino Ba Ang Totoo? (One Shot)
Short StorySino ba ang totoo? Parang DVD. Merong peke, blanko, pirated. Hindi mo malalaman kung alin sa kanila ang merong laman, original at..... TOTOO.