Hindi ko na siya Crush!

202 8 0
                                    

dedicated, ko to sayo BFF Micah... hehe ok na ha! love you BFF!!

Hey Guys! this is my first one-shot story, so hope you like it, and do Vote and Comment, visit my other stories too..... Love you guys

..........................................................................................................................................................................................

Hay!!! buhay...... bakit boring???

Filipino subject namin ngayon, at boring lang.....NAPAKA BORING!.... nakakaantok na ha, basa....basa....basa......BASA! yun ngang iba kong classmate eh LOG-TU na, merong nagse-cellphone, nagse-selfie,nagdadaldalan, pano ba naman kase yung teacher namin sa subject na to eh, basa lang ng basa.. hindi ba napapagod ang lalamunan niya?. pero dahil mabait akong studyante kinig-kinig lang, hirap na baka bumagsak ako, mamaya kase magpapa-quiz yan, yun ay kung may balak pa ang teacher naming tumigil na sa kababasa......

"Okay class,get a one whole sheet of paper and take your quiz!" Wow nag-eenglish si ma'am, kala ko ba Filipino ang subject ngayong oras na to bakit naging English? pero thank god nakatapos din si ma'am... nabuhayan nang muli ng dugo ang mga classmate ko.

by the way, I'm Thea Sacramento,ang THE ONE. Hindi naman sa pagmamayabang pero, maganda ako, sexy, Mayaman, matalino, at mabait....pero joke lang, hindi ako ganung katalino, marunong lang makinig sa lessons, tulad kanina.

"Thea! pahingi ngang papel!" sigaw ni Piolo, sa tenga ko. gusto niya atang manghingi ng papel............... at masira ang EARDRUMS ko!

"oh! thank you ha!" sarkastiko kong sabi habang inaabot sa kaniya yung isang pirasong papel sabay talikod sa kaniya, mahirap na, baka mabulag ako sa kapangitan niya.

"welcome!" sabi niya, aba't sasagot pa eh... hinarap ko siya at.... "Welcome your ugly face, BWISIT!" sigaw  ko.. tatalikod na sana ako ng naramdaman kong may nakatitig sa akin.... s-si BRENT?

Dug....dugdug...dugdug (heartbeat yan, walang aangal)

Bakit bumilis yung pintig ng puso ko, wag niyong sabihing may heart attack ako. Teka.... Wala na nga akong crush kay Brent, kase baka mahal ko na siya? Arggghhh... Isang Thea Sacramento, pumapag-ibig sa Hearthrob na si Brent Castillo? Oh My G!

Hindi yun totoo ok, natural lang talaga ang bumilis ang tibok ng puso ng taong katulod ko, kase buhay pa ko noh!.

Pero pagtingin ko sa kaniya bigla niya naman siyang umiwas ng tingin at humarap kay Jean, isa sa Malandi Girls na may gusto kay Brent pero hindi naman siya pinapansin. 

</3

"bakit Brent? nakakita ka ba ng epal na palaka?" tanong ni Jean/kire/landi kay Brent habang nakatingin sakin ng masama, saka anung tawag sakin? EPAL NA PALAKA!!! eh ano siya FEELING AT MALANDING UNGGOY!!! 

hindi siya pinansin ni Brent at tumalikod sa kaniya kaya nagkatitigan ulit kami.

"bakit?" i mouthed to him, umiling lang siya at ngumiti, kayyaaaa! NGUMITI siya sa akin.... eh ano naman? tss..

pero infairness ha, lalong pumo-pogi. ang hot niya talaga! wait...... WHAT? POGI? HOT? si BRENT? anu bang pumapasok sa kukote ko at pati si Brent nasasabihan ko ng hindi totoo, i wonder lang eh, panong?... bakit siya naging Hearthrob mas pogi naman si Josh sa kaniya?

"uy! nakatitig kay Brent!, alam mo Thea, your such a LIAR!...... a BIG LIAR!!!!... sabi mo hindi mo na crush si Brent pero may patitig-titig pang nalalaman." singit ni Piolo, kung naitatanong niyo lang, si Piolo po ang malaking EPAL sa buhay ko, hindi naman kami close niyan eh pero kung makapagsalita, kala mo bestfriend ko siya...

Hindi ko na siya Crush! (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon