3 Hours sa Room 111

22.4K 154 6
                                    

Room 111. Hindi makakalimutan ni Juancho ang pangyayari sa buhay niya sa lugar na yun.

Mabilis ang mga pangyayari. Mula sa isang get together ay nagkakilala sina Juancho at Alvin. Sa loob ng ilang oras sa gitna ng inuman at ingay na mula sa videokehan ay naging kampante na sila sa isat-isa.

Nagkasundo na magsasabay pagkatapos ng oras ng get together.

Nang makapasok na sila sa Room 111, walang sinayang ang dalawa. Naglapat ang mga labi, nagkiskisan ang mga katawan, naghipuan at nagyakapan.

Minsan ay si Juancho ang nasa ibabaw, at si Alvin ang nasa ilalim.

Minsan ay si Alvin ang nakaluhod at minsan ay si Juancho naman.

Lahat ng paraan para mapaligaya ang isat-isa ay ginawa ng dalawa.

Ungol, halinghing at pagmumura ang bumabasag sa katahimikan sa loob ng Room 111.

Hindi namalayan ng dalawa ang pagtakbo ng oras. Nang matapos nilang maabot ang langit ng pagnanasa, natagpuan nila ang isat isa na magkayakap. Pawisan at parehong hinahabol ang paghinga.

Naroon na sila ay nagtatawanan, nagkukuwentuhan ng kung anu-ano. Nililibang ang sarili habang muling magkalapat ang mga labi.

Kung sa una ay puno ng pagmamadali at agresibo, sa ikalawang pagkakataon ay puno na ng emosyon. May ingat at damdamin na.

Sa loob ng 3 oras, unti unti nilang nakilala ang bawat isa. Sino at ano ang pagkatao nila. Sa loob ng 3 oras, hindi lang pagnanasa ang namagitan sa dalawa kundi panandaliang pagkakaunawaan.

Para kay Juancho yun ang pinakamahabang oras ng buhay niya na naging masaya siya.

Pagkatapos ng 3 oras, alam niyang may magbabago na. Hindi siya umaasa pero naroon naman ang walang pagsisisi sa nangyari.

--end--

Add.
Follow.
Vote.

Salamat :)

3 Hours sa Room 111Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon