Hating gabi na at kapapatay ko palang ng ilaw sa kwarto ko ng biglang umilaw ang phone ko dahil sa isang text.
"Sino kaya 'to?"
Tanong ko sa sarili ko, at ng makita ko ay ang bestfriend ko palang si Kath.
"Gising ka pa?"
tanong sa akin ni Kath.
"Oo, Bakit?"
"Ah, akala ko kasi tulog ka na."
reply nya, antok na ako at bigla nalang pumasok sa isip ko na mag reply ng kalokohan.
"Ay hindi! hindi! Tulog na ako habang ka-text ka ngayun."
"Haha loko ka talaga Mark! May gusto lang sana akong itanong..."
"Oh anu yun?"
reply ko sa kanya na may halong pagdududa na baka pagtritripan nanaman ba ako nito o seryosong usapan ba ang mangyayari.
"Bakit sa lahat ng lalakeng na sa classroom naten ikaw lang yung laging sumasama sa mga babae? Beki ka ba? No offence ah!"
"Aba! Ayos tong babaeng 'to ah! Gabing gabi na pinagtritripan pa ako?"
bulong ko sa sarili ko kasi tulog na ang mga tao sa bahay namin at ayokong mapagalitan nila mama't papa kasi di pa ako natutulog kahit may pasok pa ako bukas sa school ng 6AM.
"Huy! hindi ah! Lalakeng lalake 'to!"
Reply ko sa kanya sabay tingin sa mataba kong braso at sa bilbil ko.
"Di nya ba nakikita 'tong muscles at 6 pack abs ko? Sabagay natatabunan kasi ng tabs..."
sabi ko sa sarili ko.
"Haha defensive sya masyado oh! And tahimik mo kasi sa classroom, pero madaldal ka pag kaharap mo kami nila Erica at ng iba pang mga girls..."
Reply ni Kath sa akin.
"Adik ka ah! anung oras na? ang lakas parin ng trip mo. Matulog ka na nga!"
Reply ko sa kanya, kunyari galit ako para tumigil na sya, kasi antok na talaga ako eh.
"Uuuuyyyyyy... Galit na sya hehehe... Wag ka muna matulog text text muna tayu! May gusto pa akong itanong sayo, ay mali pala! Marami pa akong gustong itanong sayo!!! Hahaha"
Pangungulit sa akin ni Kath.
"Anu ka ba may test pa tayo bukas sa math admwtp*gjaaap.."
Tinagalan ko ang reply ko at kunyari ay di ko na alam ang pinag se-send ko sa sobrang antok.
Umilaw ulit ang phone ko pero tinaob ko nalang at nilagay sa mesa ko, gusto ko na talgang matulog at alam kong hindi ako titigilan ni Kath.
Minsan kasi inaatake sya ng insomia nya at dinadamay nya ako parati sa pagpupuyat, sige ang patay sindi ng ilaw ng phone ko pero pinili ko nalang tulugan sya.
Kinabukasan kaba-baba ko lang ng jeep sa tapat ng main gate ng school namin, ilang hakbang palang paglagpas ko ng gate ay may biglang pumatong na kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok kong pinag-hirapan kong ayusin bago umalis ng bahay. Pag tingin ko kung sino ang loko-lokong iyon, nakita ko si Kath.
"Yuck! ang lagkit ng Gel sa ulo mo!"
Sabay punas sa likod ng polo ko ng Gel na nasa kamay nya.
"Tsk anak ng... kung hindi lang ako mabait baka kung anu nang nagawa ko sayo!"
Naiinis kong sabi kay Kath habang inaayos ko ang buhok ko.
"Haha umagang umaga kasi hindi na maipinta yang mukha mo, ang layo ko palang kitang kita na eh!"
BINABASA MO ANG
Not Your Typical Guy
RomanceNaniniwala ka ba sa destiny? Ang iba umaasa na mahanap ang nakatadhana sa kanya. Ang iba naman ay hinahayaan lang na kusang dumating ang taong magpapaligaya sa kanila. At meron ding iba na nagkukulong lang sa kwarto at pinapataas ang bill ng kuryent...