Chapter 38 - Surrender

248 14 0
                                    

Minsu's POV
Biglang nawala ang spirit energy ni Onnesan .. nakuha na kaya siya? Hindi maaari ito .. asan na ba sila OneJun at SungJun? Kelangan ko sila ngayon itatakas nalang namin itong si Cristine ..

"Tama na!" Narinig kong sigaw na nanggagaling sa labas

"Sumuko na kayo! Dahil talo na kayo!" Sigaw ulit nung lalaking sumigaw kanina

"Hindi niyo ba alam na may siyam na buhay ang mga Gumiho? Hanggang hindi nauubos iyon hindi kami susuko." Narinig ko naman na sagot ni SungJun marahil nalamangan sila ng mga kasama ni Da Bin ..

"SungJun! OneJun!" Agad akong tumakbo sa kanilang dalawa dahil hinang hina na sila at halos di makatayo nararamdaman kong pito nalang ang buntot nilang dalawa .. at dahil sa sobrang sakit ng pagkawala ng dalawa nilang buntot di na sila makagalaw sa sakit.

"Minsu .. Anong ginagawa mo dito? Diba dapat binabantayan mo si Ayumi at yung isa niyang kaibigan?" Nanghihinang tanong ni OneJun sa akin

"Narinig ko ang nga sigawan niyo kaya lumabas ako. Bigla ring nawala ang spirit energy ni Ate Ayumi." Nagulat naman silang dalawa pati rin yung mga kasama nila Da Bin nagulat ..

"Guys nakuha ko na si Ayumi!" Sigaw ni Da Bin ng makapasok siya sa loob ng warehouse

"Talaga?!"
"Nice!"
"Great Job Da Bin!"
"Yes!!"
"Si Cristine nalang"
"Oo tama ka Suho"
"Hanapin na na'tin siya"
"Sige, Tara!"

"Di ko kayo hahayaang makuha si Cristine!" Sigaw ko sa kanilang lahat!

"Maawa ka na sa bata!" Sigaw nung lalaking sumigaw kanina na medyo mahaba ang baba

"Maawa? Bakit nung nagmakaawa ba ako kay Sehun noon na wag niyang kunin sa akin si Akame naawa ba siya sa akin? Pinakinggan niya ba ang pakiusap ko sa kanya? Hindi!" Sigaw ko tapos pinunasan yung luha na tumutulo na ngayon, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon

"Tama na Minsu! Matagal na ang lahat ng iyon!" Singit ni Da bin

"Dapat ng kalimutan!" Pahabol pa ne'to

"Wala akong pakelam kahit matagal na iyon!" Sigaw ko tsaka ko siya sinugod

"Mag-ingat ka Da Bin!" Sigaw nung babaeng kaibigan na isa ni Ate Ayumi

"Tutulungan ko na siya." Singit naman nung lalaking matangkad na malaki yung tenga

"Di ko hahayaan na maging masaya si Sehun at si Ate! Dahil sa kanila nagkanda sira-sira na ang buhay ko!" Sigaw ko habang hinahagis ko yung fire ball sa kanilang dalawa

"Nagdusa ako ng matagal sa mga nangyari sa akin noon sa Menos Forest!" Sigaw ko ulit.
Gagamitin ko na ang skill kong matagal kong pinag-aralang mag-isa

"Chanyeol tabi!" Sigaw ni Da Bin at biglang tinulak palayo ito kaya naman siya ang tinamaan ng magic charm ko na may kakayahang makatulog ng halos 1 week at ang pinaka maikling tuloh ng tinamaan nito ay 7 oras..

"Aaaaah!" Sigaw ni OneJun at SungJun sobra ang sakit na nararamdaman nila ngayon ..

"Minsu!" Nagulat ako-- lahat kami ng sumigaw ang isang taong hindi ko inaasahang darating. Tinulak niya ang iniligtas kanina ni Da Bin na si Chanyeol .. nagulat ang lahat dahil sa ginawa niya .. napakalakas ng pagkakatulak niya doon dahil tumalsik ito ..

"Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Walang malay ngayon si Da Bin, nagulat ako ng lumapit siya dito.

WereWolf Academy (EXO FanFic) *Revising*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon