Kabanata 5

8 3 0
                                    

Halos hikain ako dahil sa lakad-takbo kong papalapit kay Anj. Kita ko naman ang ngisi sa kanyang mukha matapos akong makalapit.

"Kita ko 'yon ah! Parang ang lalim masyado ng usapan," nang-aasar niyang wika.

"Malalim? May sinabi lang sa akin yung tao. Halika na nga," sabay higit ko sakanya papalabas ng aming gate.

"Alright prinsesa! Masyadong pashowbiz!"

Pagkalabas namin ay dumiretso na kaagad kami sa kanilang sasakyan. Binati kopa ang kanilang driver. Papasok na sana ako sa loob ng sasakyan nang magulat ako dahil sa bumulaga sa loob.

"Tagal nyo naman, kanina pa akong naghihintay rito!" Nagmamaktol na sabi ni Jacob.

"Aba at kami pa ang may kasalanan? Kung hindi ka nag-inarte edi sana hindi ka nabored!" Hmm I smell something cupid here huh.

"Joke lang, ito naman oh!" Hinaplos pa niya ang kamay ni Anj na nasa hamba ng sasakyan. "Pasok na."

Tumikhim naman ako dahil sa dalawang kasama ko. Parang magiging third wheel yata ako nito ah!

"Anong meron?" Nakangisi kong tanong.

"Dalian na natin, gutom na ako eh!" Si Anj at dali-daling pumasok sa sasakyan.

Uh-huh siguro may mga bagay talagang hindi na dapat tinatanong pa.

Nang makarating kami sa samgyupsalan ay naghanap na kaagad si Jacob ng table para sa amin, habang kami naman ni Anj ang umorder.

Matapos kaming umorder ay naglakad na muli kami pabalik na sana kami sa aming table nang biglang...

"Anj, Lylanie!" Napatingin kami sa gilid at nakita namin ang grupo ng mga seniors, yung mga ka-batch ni Nikolo. Naroon din yung babaeng nakita kong umakay kay Nikolo noong nakaraan. Nakasuot siya ng jeans at plain white shirt ngunit kita parin ang kurba ng katawan.

Lunapit kami sa kanilang table. "Ate Blex!" Si Anj. "Dito rin pala kayo,"

"Yeah, nagkayayaan lang. Want to join us?"

"Uh we have our own uh... table," si Anj.

"Oh! Okay. Ay by the way, this is Noryze, our new member," wika ni ate Blex.

"M-magandang umaga sainyo," naglahad pa siya ng kamay at agad naman 'yong tinanggap ni Anj.

Nagdadalawang-isip pa akong tanggapin 'yon, ngunit sa huli ay tinanggap ko rin.

"Ikaw pala si Lylanie, finally we met!" Parang natutuwa pa siyang makilala ako. Hindi niya alam ay gusto ko ang nobyo niya...

Nginitian ko lamang siya. "Ate Blex, mauna na po kami... baka po mainip si Jacob,"

"Oh! Alright. Send my regards," kumaway pa silang muli at dumiretso na kami sa aming table.

Nakita naman namin si Jacob na nakangalumbaba na sa table, siguro'y sa sobrang kainipan na.

"Ang tagal nyo," walang emosyon sabi niya at sumilip pa kay Anj na hindi naman siya tinitignan.

"Pasensya kana, nakita pa namin sina ate Blex sa kabilang side," tumango naman siya matapos kong sabihin 'yon.

Habang kumakain kami ay natatawa ako sa dalawa kong kasama. Kung hindi magkakailangan ay hindi iimik. Para namang hindi ako nakakapansin haha.

"Anong meron?" Sabay silang tumingin sa akin ng gulat ang ekspresyon. "Dito sa samgyup kako, anong meron at napakasarap," ngumisi pa ako. "Diba 'no? Ano kayang sikreto nila haha,"

Matapos naming kumain ng sampyup sa tapat ng school ay dumiretso kami sa Walter Mart. May bibilhin daw kasi si Jacob sa Bench, kaya sinamahan na namin.

Buying Love (Tanaueño Series #1)Where stories live. Discover now