Hello po ! First time ko gumawa ng story ahaha. Wala lang po magawa kaya nakagawa ako :D haha.
Pero yung story na ito ay totoo. True to life story. Yung mga names lang ng character ang hindi totoo hehe :).
Sorry kung epic yung story. Intindihin niyo nalang hehe peace :*
I hope you will like it :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Malapit na ang pasukan pumunta kami sa papasukan kong school sa college. Kasama si mommy nagtanung tanong kami kung saan mag eenroll. Pinapunta kami sa guidance office para kumuha ng entrance exam pagkatapos ay pinaakyat kami (medyo bundok kasi hahaha). Nagtanong ulit si mommy, napunta kami sa registar, dean’s office at finance para makapag enroll. Malapit na kaming matapos sa pag eenroll nang biglang my nakita akong lalaki. Hindi siya ganoon kagwapo at kapangit (sakto lang :)). Nakapila si mommy sa finance para magbayad ng tuition at sa paghihintay ko doon ko nakita yung lalaki. My kumausap ky mommy at kakilala nung lalaki (mommy niya ata) hihihi. Nakatingin lang ako sa lalaki at pagtingin niya sakin ay bigla kong umiwas ng tingin (kese nemen ee ahahaha). My hawak na mga libro yung lalaki (sa kapatid niya siguro) at dinala sa likod ng sasakyan nila. Pinauna ni mommy yung kakilala nung lalaki my (itinanong lang ata) pagkatapos nun nagpaalam yung babae na kausap ni mommy sakanya at pagharap niya sakin ngumiti nalang ako (hahaha ganda points charot!). Umalis na sila, sumakay na sila ng sasakyan at umandar na ito pero nakatingin pa din ako sa sasakyan (di ko alam kung nakita ako ng lalaki na nakatingin hahaha).
Pasukan na! First day ko sa college sinamahan ako ni mommy hanggang sa room (hahaha elementary lang ang peg). Nang nasa room na kami wala pang estudyante binuksan ni mommy yung electricfan (hahaha siya may ari ee bakit bah aha joke) pero my sumunod na ding pumasok na kablockmate ko (taray! ako pinauna sa room hahaha). Kinakabahan ako dahil first day ko nga diba. Iba na ang mga classmates ko (blockmates na tawag sa college) dahil nasanay ako na konti lang ang new students sa school ko dati. Simula prep hanggang highschool sa iisang school lang ako nag-aral. Hayyy! Iba na rin ang mga teacher ko (professor na tawag sa college). Magsisimula na ang klase namin nagpaalam na si mommy sakin kasi uuwi na siya. Syempre first day di mawawala ang pagiintroduce sa sarili. Nagsimula nang magintroduce matapos na ang nasa first line second line na at nandun ako sa line na yun. Tapos na ang katabi ko at ako na ang nagintroduce (waaaa ! nahihiya ako mahina lang yung boses ko naririnig naman ng prof hahaha).
Sabi ko My name is Sophia Mae M. Mendoza, BSHRM, graduated from St. Benedict School. Tapos na ako (yes maluwag na ang paghinga haha).
Nung tumalikod ako para tignan yung mga nasa likod ko di ko inaasahan na yung nakita kong lalaki sa my finance office ay nandun din siya nakaupo at naghihintay sa pagintroduce niya (wiii nag enroll din pala siya dito :)). Napangiti ako (pero di ko pinahalata haha). Siya na yung magpapakilala pinakinggan ko siya pero di ako tumingin (nahihiya ako ee haha). Nalaman ko na yung name niya. Siya ay si Joseph Jerome Ponce, BSBA (nakalimutan ko kung saan siya graduate hahaha). Di ko kinalimutan. Pagkatpos ng dalawa naming subject nagbreak time na. Nasa labas ang karamihan my kablock ako na humihingi ng email, cellphone numbers, facebook, etc. Syempre pati ako nakihingi na din friends friends na ee hahaha. Mahaba haba break naming kwentuhan muna kaming mga girls my kasama dn na boys (konti lang kasi yung mga boys kesa sa mga girls sa new school ko). Kulitan, tawanan, puro kwentuhan yan ang ginawa naming sa first day of class. Pagkauwi ko syempre mag aadd at accept ako ng bagong friends :). Si Jerome yung una kong sinearch tapos ako din ata nag add hahaha. Inaccept niya :). Scan scan ako ng mga photos niya ngiting wagas ako ee nun hahaha :D
Second day ng klase parang walang nangyari kahapon. Parang usual na ulit nagbabatian ng “hi” “hello” with smile :). Hanggang sa magkakakilala na kaming lahat. Nanghingi ng numbers yung mga kablock ko diba. My nagtext sakin hello nagreply ako sino po ikaw ? nagreply ! (ohehmgi! Yung crush ko ! hahaha). Tuwang tuwa ako nun hahaha. Nareply ko nalang na ah ok po hello :) hahaha. Ayun text text na my mga katext din ako di lang siya haha.
Di nagtagal magbabakasyon na naisipan ng prof namin na magswimming dahil summer na din. Nagkayayaan na ambagan sa entrance pati sa foods. Nagpaalam ako ky mommy kung pwede akong sumama. Pumayag siya (first time lang) kasi kasama ko naman yung ate ko (sister in other parents haha). Tuwang tuwa ako syempre :). Eto na yung araw na magswiswimming. Magkikita kita sa my almar dahil malapit lang dun (kaso nakalimutan ko yung name ng pinagswimmingan namin). Nasa loob na kami ng resort bayad na ng entrance fee tapos naghanap na kami ng cottage. Nagpunta na kami sa shower room (omg this is it na ! swimming time na ! hahaha). Paglabas namin yun iba kong kablockmate nasa swimming pool na (saya saya na). Kaya nagaya din yung prof naming dahil birthday din ng dalawa naming kablock. 18 na yung isa naming kablock kaya merong 18 roses (babae o lalaki my roses na hawak kasi konti lang lalaki). Pagtapos nun naglaro din kami sa swimming pool ng kalamansi relay at makakuha ng piso sa ilalim ng pool ay my prize (nakakuha ako kaya my prize ako hahaha). Nagspin the bottle din kami. Sa spin the bottle kung sino matatapatan, siya yung gagawa o sasagot sa tanong o ipapagawa ng magtatanong (hahaha gets ?). kinakabahan ako baka matapatan ako (buti nalang hindi) pero yung crush ko na si Jerome natapatan tinanung siya kung truth or dare sabi niya truth nalang daw haha. Ee di nagtanong yung prof naming “sino ang crush mo?” (wahahaha di ako makapaghintay nun). Nagsabi siya ng name pero ang masaklap hindi ako (assuming kasi yan napala haha). Yung isa naming kablock na kasama din namin. Tinanong din yung girl crush mo din ba siya? sabi niya hindi daw (buti nalang talaga haha). Hindi ko na narinig yung mga pinagusapan nila kasi nagpasama sa shower room yung friend kong babae na si Bea. Paglabas naming sa shower room nagswiswimming na ulit sila tapos kainan. Malapit na mag gabi umuwi na rin kaming lahat. Kami nauna umalis dahil my sundo kami yung papa ng ate ko.
Nung bakasyon magkakatext pa din pati si crush (ayieee! chos). Nagtext si crush ng pwede daw bang manligaw (ohehmgi di ako makareply agad inulit ulit ko lang yung text niya). Nagtext ulit siya bakit daw di na ako nagreply. Nagreply na ako sakanya ng ha? Anu yun joke ? (basta sabi ako ng sabi ng nagjojoke ka lang ee kasi syempre baka nga joke kase diba di mo naman nakikita face niya). Nagreply siya sa mga sinasabi kong joke kaso nainis ata sabi niya kasi “kung ayaw mo ee di wag. Seryoso naman kasi ako joke ka ng joke. Sige wag nalang bye na. (awtsu sakit diba? huhuhuhu). Iyak ako ng iyak nun grabe sobrang panghihinayang grabe talaga. Kase first crush ko sa college manliligaw sakin parang nakakagulat lang talaga kasi di ko inaakala kasi ang dami ko ng crush ni isa walang nagbalak manligaw sakin dati hahaha. Kaya ayun ang sakit lang talaga ng todo
Second year college na kami (yes haha). Ganun pa din hi hello with smile (yung iba deadma na). July na my nabalitaan ako na my nililigawan si Jerome na first year BSBA din course niya. Grabe talaga paguwi ko umiyak ako sa kwarto grabe yung pagkainis ko (tanga lang kasi). Pero nakakagulat ang bilis naman niyang manligaw agad ? Pero feeling ko pinagseselos lang ako kasi nga di ko sinabi na pwede siya manligaw (kasi huli na ang lahat ee joke pa kasi ng joke). Tingin siya ng tingin tapos naghaharutan silang dalawa (yung parang nangaasar ba). Deadma lang ako kunwari (deep inside sakit ha magbreak sana kayo haha joke). Yung girl parang may galit ata sakin minsan mabait madalas iniisnob ako (selos ata ? wapakers na ako sakanila nu). Hayyy buhay nga naman ng mga lalaki ayaw mawalan ? Ayun naging sila ng august (secret) hahaha (potek alam haha).
Tapos isang araw my nagtext sakin text niya “Sophia?” reply ko naman “po? Sino po ikaw?” nagreply text niya papa ito ni Jerome (huuuwaaaat! Grabe gulat na gulat ako hiningi niya daw sa ate ko yung number ko) tapos reply ko ah ok po bakit po ? reply niya wala naman sana ikaw nalang yung girlfriend ng anak ko. Ah po ? reply ko (hahaha di ko alam sasabihin ee). Biglang text niya “mas gusto kita sa anak kahit hindi pa kita nkikita sana ikaw nalang ayoko dun sa girlfriend niya” reply ko ah ? bakit po ? masaya naman po si Jerome kay Ella. Siya po yung niligawan kaya po maging masaya nalang po tayo sakanila. Kilalanin niyo po muna si Ella malay niyo po magustuhan niyo rin po siya sa anak niyo. Basta po kung saan siya masaya, masaya na rin ako :) (kahit masakit grabe! Hahaha). At ayun hanggang ngayon stay strong po sila :) (di na ako nasasaktan ? wahahaha ! ou di na nga :) move on move on din ? :D hahaha) I set him free na pero kahit ganun naguusap pa rin naman kami pati yung girlfriend niya kinakausap ko din.
THE END.
ADVICE: Pagisipan muna mabuti ang mga isasagot kapag nagtanong ng kung pwede manligaw o kaya pwede ba maging tayo ? wag magbiro ng magbiro baka mainis (tulad ng nangyari sakin hahaha) seryoso muna pero pagnagbibiro lang siya sakyan niyo lang kahit masakit. Truth hurts nga diba haha :)
Hahaha ang panget sorry. Yung iba po shortcut.. haba ee hahahaha..
Comment po para maimprove ? hehehe :)
Thankyou ! Godbless :D
BINABASA MO ANG
First Crush First Heartbreak </3 one shot
Short StoryThis is a true to life story :) One shot story..