"Physics, Physics, Physics. Di ko na alam kung anong gagawin ko sayo," sabi ko habang nilalaro-laro yung ballpen ko. Haaaaay. Mapapabuntong-hininga ka naman talaga. Ang boring kaya ng Physics. Bagsak nga ako dito.
Nagdidiscuss pa yung teacher namin pero heto ako, nakaubob at handa ng matulog. Sino ba naman kasi ang gustong aralin lahat ng laws na yan? Sapakin ko ang gumawa nan eh. Tapos yung teacher naman namin, paulit-ulit lang yung tinuturo.
"Speed is equal to distance over time. Got it?" tanong nung teacher namin, pero ni isa, walang sumagot. Lahat ata kami tulog. I don't actually see the point of studying Physics when your course is Accountancy. Kailangan ba namin aralin ang law of gravitation pag magbibilang kami ng pera?
Napaangat ako ng ulo at sakto kita ko na si Kevin, nakatingin sakin. Teka, wait. Titig pala. Ano ka ba, Jane. Nahihibang ka na naman. Assumeea ka talaga kahit kailan. Baka naman nagkataon lang na napadapo sayo yung tingin nya? Siguro nga. Pero syet! Lulubus-lubusin ko na 'to! Kilig overload to the max 'teh! Si Kevin lang naman ang ultimate crush ko since second year. Basketball player sya nun tapos natamaan nya ako ng bola. Dugo ilong ko nun pero yun ang first time nya ako nakausap. Love at first sight nga ba?
Kaso nung tinitingnan ko na rin sya, bigla nyang binaling yung tingin nya, kay Aena. "Dang it. Si Aena na naman," I thought. All through out this school year, napansin kong may gusto nga sya kay Aena. Lagi nyang kausap, nagtatawanan sila, tapos eto. Lagi nyang tinititigan. Pero eto ako, umaasang magbest friend lang sila. Sana. Sana. Pero sana talaga masagasaan na lang ng bus itong si Aena! Nakakaimbyerna todo max!
Anyways, inaantok pa rin ako. Paano ba naman, pinanuod ko pa yung GGV episode kahapon. Yung I-Dawn Zulueta mo ako... Pffft...
"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" napatawa ako bigla tapos tinakpan ko agad yung bibig ko.
And I was like 'tangina dis men, dis os your last day, today you will be judge and you will die and go to hell'. Okay. Too much exaggeration ba? Pero swear. Napalaki na lang ang mata ko sa gulat, and mukha namang nabigla din itong mga tulog kong blockmates then yung prof namin, shit galit naaaa!
"Ms. Enriquez, may nakakatawa ba sa tinuturo ko?" tanong nung teacher namin.
"Wala po," shit Jane, alibi. Alibi, c'mon. "It's just that... uhm..." shit ka talaga Jane. Wala ka ng madahilan, nagawa mo pang mag Ingles.
"Well, stop thinking of that. I'm discussing here. Now please, listen."
"Okay, so inertia, is one of the law created by Sir Isaac Newton. It states that nothing happens until someone moves........" and she started discussing again.
Hindi ko kasalanan na hindi kami talo ni Physics. Halos naman lahat kami. Pati si Kevin. HAHA. Binuksan ko sa likod yung Physcis notebook ko at nagsimulang magpraktis ng aking signature hanggang sa mapuno yung isang page. Nilipat ko sa isang page at wala na akong maisip na maiisulat.
Natry ko na ang FLAMES. Pati yung MASH. Yung TRUE LOVE. At lahat ng love predicting games na alam nyo. =.= . (A/N: Kung meron kayo, ikwento nyo naman sa comment box, para share-share tayong lahat. HAHA)
"Hmmm. Ano kaya?" Hanggang sa, TING. Libreng mangarap, kaya sulitin mo na. Sinulat ko ang pangalan ko with Kevin's surname. THERESA JANE ENRIQUEZ-TUMAMBING. Bagay na bagay! HAHA. And then I started doodling around it. Nilagyan ko pa nga sya ng 'Sana Physics na lang ako, para sakin ka lang babagsak.' atsaka ng 'Kevin, I-DAWN ZULUETA MO AKO!'. Ito ang nagagawa ng pagkabored ko. Pinunit ko sya sa notebook ko tapos isiningit sa briefcase ko na puro files.
"Before I forgot, please pass you homework forward." Hindi porket ayaw ko sa Physics eh hindi na ako nagawa ng assignment. MASIPAG po aking bata. Kinuha ko sa briefcase ko yung assignment ko. "Front seaters, give it to the Physics coordinator." See, sa every subject, may student subject coordinator. Ito ay para matulungan yung mga teachers. Ako nga ay Math A Coordinator. HAHAHA.
*bell*
Sa wakas, lunch naaaaa! Kakadugo ng utak. May quiz pa mamaya sa Filipino. I was walking towards the stairs nung biglang may tumawag sakin.
"Jane..." I know that voice. T-that was the same voice na nag-sorry s-sakin n-nung natamaan ako ng b-bola.
"B-bakit? Anong meron?" 2nd time pa lang nya ako kinakausap. Kinakabahan talaga ako.
"May paper na nakasingit sa research homework mo." Tapos may inabot sya saking papel. *gulp* Y-y-yun yung.......
"Paano napa sayo 'to?!" Shet! Nalaman na nya! Nalaman na nya ata lahat! GRRR!
"Don't you remember, ako ang Physics Coordinator." sabi nya tapos naggrin sya sakin. WAAAH?! Hala! Baka napasama yung papel na yan nung kinuha ko yung homework ko sa briefcase!
"Ahhh, sorry. W-wag mo na lang p-pansinin ang nakasulat dyan." Nakakahiya! Nagblublush na ata ako! Nangiinit na mukha ko, GAD. Naglalakad na ako! Grabe, kahiya!
"Uyy, teka wait." napalingon naman ako tapos nakita ko siya na may hawak na papel. Isang papel na halatang pinunit sa notebook. Tapos may mga doodle rin pero ang pinakakapansin-pansin dito ay isang malaking lettering ng..... 'JANE' tapos sa baba may nakasulat na 'Sana ma-Dawn Zulueta kita.'. Huh? Wag mo sabihing.......
"Akala ko ako lang. Ikaw rin pala." sabi niya sakin tapos naggrin siya.
"Ha? Pero teka?Di ba may gusto k-ka kay Aena?"
"Seryoso ka? Pinsan ko si Aena eh. Ikaw lang naman ang mahal ko." Ohmygad! WAAH. Nakakaloka! HAHA. Ang haba na ng hair ko! Sa sobrang tuwa ko, tumakbo ako palapit sa kanya sabay sabing...
"Kevin, I-Dawn Zulueta mo ako!"
Maybe Physics is right. Nothing happens until someone moves. Ang nakakahiya dun, yung hate ko pa na subject ang umibo para sa akin.
BINABASA MO ANG
I-Dawn Zulueta mo ako! (One Shot)
Short StoryA typical classroom Physics love story. Enjoy. :)