Movie Review

7K 54 11
                                    

Ang pelikula ay tungkol sa dalawang taong nabigo sa pag-ibig at pinagtagpo ng tadhana. Si Mace (Angelica Panganiban) ay hindi nakasakay ng eroplano dahil sa sobrang bigat ng kanyang dalang bagahe. Nilapitan siya ng isang lalaki, si Anthony (JM De Guzman) na isa ring pinoy at tinulungan siya nito. Naging magkaibigan ang dalawa. Si Mace ay palaging nagkukwento tungkol sa dati niyang kasintahan sa loob ng walong taon ngunit sinaktan lamang siya nito. Namangha si Anthony kay Mace dahil halos lahat ng nakikita niya at kinakain nila ay nauugnay niya sa kanyang dating nobyo. Pumunta  sila sa iba’t ibang lugar at tinulungan ni Anthony na makalimut si Mace. Lumipas ang mga araw, naging masaya sila at unti-unting nakalimutan ni Mace ang dati nitong nobyo. Umuwi na sila sa Manila at inihatid niya si Mace sa bahay nito. Nakita nila sa labas ng bahay ang dating nobyo ni Mace na may dalang bulaklak. Masakit man kay Anthony pero umalis at lumayo siya.

2.Direksyon

        Napakaganda ng direksiyon ng pelikula. Pinapakita rito kung paano makakalimutan ang isang tao. Mula sa pinaka umpisa hanggang sa estado na tuluyan na talagang mawawala na ang iyong nararamdaman sa isang tao. Kaso pagkatapos ng kwento ay may twist pa pala. Akala mo yun na ang pangyayari sa wakas pero himdi pa pala.

3.Disenyong Pamproduksiyon

        Napakagaling ng desayner sapagkat naiaayon niya ang mga kasuotan ng mga actress sa bawat eksena o tagpong nagaganap.

4. Sinematograpiya

        Ang pelikulang ito ay may napakahusay na sinematograper sapagkat nakalikha siya/sila ng napakalinaw na pelikula kung saan tamang anggulo ng mga nagsisispag ganap ang nakukuha sa bawat tagpo.

5. Makatotohanang pagganap ng mga tauhan

        Ang mga actress na nagsisiganap ay talagang napakagaling. Isinasabuhay nila ang pagganap at inilalagay ang kanilang mga paa sa sapatos ng mga karakter na ginagampanan nila. Napakagaling nilang talaga laong lalo na sina Angelica Panganiban at Jm de Guzman.

6. Kugnayan ng istorya sa kasalukuyan at aral na mapupulot mula rito

     Ang pelikulang ito ay talagang naaangkop sa kasalukuyan. Marami sa mga kabataan ngayon ay makakarelate sa pelikula sapagkat naghahanap rin sila ng mga paraan kung paano makakalimutan ang taong nagpasakit sa kanila ng husto. Ang pelikulang ito ay nag iwan ng isang mahalagang aral na kung saan ang buhay ng tao ay hindi natatapos sa mga heartbreaks sa halip ay matuto tayong mag move on sa buhay. Kalimutan ang nang iwan at pahalagahan ang nandyan.

7. Ang paglapat ng tunog

     Nagustuhan ko ang paglapat ng tunog sapagkat naaayon at nakatyempo ito sa bawat tagpo na lalong nagpaganda pa sa pelikula. Ang galing.

8. Ang paglapat ng musika

    Ang paglapat ng musika ay masasabi kong talagang ankop sa bawat eksena. Sa oras  na nalulungkot ang tauhan, ang musika ay talagang naaangkop. Sa bawat tagpong nagaganap aya talagang naaangkop ang musikang pinapatugtog.

9. Ang editing ng pelikula

    Ang pag edit ng pelikula ay talagang napakahusay sapagkat napagdugtong dugtong nito ng maayos ang bawat eksena. Mula sa umpisa hanggang wakas ay talagang konektadong konektado. Ang ending ay may twist. Nakakabitin . hindi mo alam kung anon a ang mangyayari pa. kung nagkabalikan ba sila ng kanyang ex o mas pinili ba ni Mace ang taong tumulong upang makalimutan nya ang taong dumurog ng kanyang puso.

10. Srinplay ng pelikula

       “8 years kaming nagsama at nagawa niyang tapusin in just 7 words “…..

       “hindi na kita mahal kaya makaka alis ka na”…..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Thing Called TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon