Pagkababa ko sa sala ay nakita ko si Clifford na nakasuot na ng pang scuba,bitbit niya ang oxygen at iba pang mga gamit na kakailanganin namin.
Pagkalapit ko sa kanya ay agad niya akong sinamaan ng tingin kaya napakunot ako ng noo.
"What?Why are you looking at me like I did something wrong?"naguguluhan kong tanong kaya mas lalong sumama ang tingin niya.
"Why are you wearing those?!" naiinis niyang sabi pagkatapos sulyapan ang suot ko na parang gusto nya itong gutay gutayin.
"What?!You told me we're going to scuba diving so I wear a swimsuit!" naiinis ko ding ani.
"Maari kang mapahamak sa suot mong yan,Precious! Hindi tayo basta-bastang lalangoy lang,mag sscuba tayo at mapapahamak ka sa suot mong yan! Baka magalusan ka pa." naiinis niyang sabi,halos magsalubong na ang mga kilay nya dahil sa sama ng tingin nya sakin.
"Pano ako mapapahamak nito?"naiinis kong tanong.
"Sh*t,madali kang masusugatan ng dahil jan!You should wear a proper scuba diving attire!"tila nawawalan ng pasensyang sabi niya.
"Wala akong ganong damit na dala,tss!"naiinis kong ani.
"May hinanda ako para sayo,nasa closet,magpalita ka kung ayaw mong ako pa magpalit sayo,"he said with finality and authority.Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa sinabi niya,agad ko ding nahanap ang sinasabi niya kaya dali dali akong nagpalit at pumunta na sa kinaroroonan niya.
Nadatnan ko siyang naka upo sa couch. Pagkakita niya saakin at sa suot ko ay biglang nagliwanag ang mukha niya saka ngumiti,napailing na lang ako.
"Better, let's go?"nakangiting aya niya saakin pagka tayo niya.
Napansin kong wala na sa sala ang mga gagamitin namin.
Inakay niya ako papunta sa tabing dagat,tumigil kami sa harap ng isang speed boat kung saan nakalagay ang mga gagamitin namin,inalalayan niya ako pasakay dito bago siya sumakay.
Ng nasa medyo malalim na bahagi na kami ay tinigil niya ito saka kami nag suot ng gear at oxygen.
Nang handa na kami at magkahawak kamay kaming lumusong sa dagat,kahit nasa ilalim na kami ng tubig ay nakahawak padin siya saaking kamay.
Hindi ko mapigilang mamangha sa mga lamang dagat na aking nakikita,magkakaiba ng itsura at mga kulay,ang ganda nitong pagmasdan.
Abala ako sa pagka mangha sa paligid ng biglang hapitin ni Clifford ang bewang ko,pagtingin ko sa kanya ay nakangiti na siya saakin.
Napakunot ako ng noo bigla niyang tanggalin ang oxygen sa bibig ko,papatayin naba niya ako?Sh*t hindi ako makakahinga pag wala yon.
Nagulat ako ng tanggalin niya din ang kanya saka niya ako hinalikan sa labi.
Whoa, kissing under the water huh? Well, uhm I like it haha. I missed his lips on mine!
Mas hinigpitang pa niya ang akap sa bewang ko na para bang ayaw niya akong mawala.
Pagkatapos non ay ngumiti siya saakin saka niya binalik ang oxygen sa bibig ko.
Masaya naming pinagmasdan ang mga ibat ibang lamang dagat na nakikita namin sa ilalim baho kami nag pasyang umahon na.
Sumakay kami sa speed boat,napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka ng mapansin kong iba ang dinadaanan namin.Paikot ito sa isla at hindi patungo sa bahay mismo.
"Saan tayo pupunta, Clifford?"naguguluhan man ay nakangiti pading tanong ko.
"Makikita mo din mamaya pag nakarating na tayo doon,"nakangiting sagot niya.Hindi na lang ako nagtanong pa hangang sa makarating kami sa bandang likod ng island.
Inalalayan niya ako pababa sa boat ng mauna siyang makababa.
"Be careful,"nakangiti niyang sabi.Pagka baba ko ay hindi niya padin binibitawan ang kamay ko,mas inayos panga niya ito at hinawakan ng mahigpit.
"Saan na tayo papunta?"tanong ko ng hinila niya ako palakad.
"Pupunta tayo sa cave!"nakangiti niyang sagot.
"Whoa, really?!"nakangiting tanong ko dahil sa lubos na kasiyahan.
"Yup,magugustuhan mo yon."
"That's for sure!"
Naglakad kami pakanan ng ilang saglit bago namin makita ang ang cave na tinutukoy niya.Agad akong namangha ng makitang hugis puso ang bukanan nito.
Kaya pala hindi ko ito agad nakita dah may ilang halamang nakaharang dito.
"Ang ganda!"manghang usal ko,hinila ako ni Clifford papasok dito.
May kaunting tubig sa loob nito dahil nasa tabi ito ng dagat kaya may pumapasok na kaunting tubig at dahil din sa tubig na tumutulo mula sa mga rock formations sa taas nito.
"Whoa,pano mo natuklasan ang ganitong lugar, Clifford?"mangha pading sabi ko habang nililibot ang paningin sa paligid.
Andaming magagandang rock formations sa loob nito,sa pinaka gitna ay may malaking bato na halos mag hugis puso din at sa taas nito ay may batong medyo maliliit na nagpatongpatong.
"Isa ito sa dahilan kaya ko pinili ang islang ito," sabi niya saka nya hinila ang bewang ko para mapalapit sa kanya.
"Para saan yung mga batong nagpatong patong don?"turo ko sa mga bato sa ibabaw ng malaking rock formation.
"Come here,"hinila niya ako papunta dito.
"Ang cute!" usal ko dahil ang ayos ng pagkakapatong nito.
"Ganito yan,pagpatung-patungin mo ang mga bato saka ka humiling tapos pag balik mo at nakatayo padin ito ay matutupad ang hiling mong iyon,"nakangiti niyang paliwanag na mas kina mangha ko.
"Really?Pano naman kung nakatayo padin siya pero hindi kana nakabalik?"
"It means matutupad padin yung hiling mong yun pero sa ibang tao,panahon o bagay na. Gaya pag hiniling mong maging masaya kasama ang isang taong yun pero hindi ka nakabalik dito,ang ibigsabihin non ay sa iba mo nakakamtan yung kasiyahang hiniling mo. Pag bumalik ka naman ngunit hindi ito naging matatag at natumba,ang ibig sabihin non ay hindi ito natupad o matutupad dahil may mas magandang plano ang Panginoon para sayo."mahabang paliwanag niya na mas kinamangha ko.
Hindi ko akalaing naniniwala siya sa nga ganong bagay,he changed a lot.
"Nakamamangha pala ito, try natin?"aya ko sa kanya saka siya tinigan,ngumiti siya saka ako tinanguan.
Gaya ng sabi ko ay ginawa namin iyon, pinagpatong patong ko ang mga bato ng maglagay din sya ng bato sa ibabaw nito.Sabi kong gumawa siya ng sarili niya ngunit ayaw niya.
"Gumawa ka ng sarili mo, Clifford,makikihati kapa sa wish ko e,"natatawang sabi ko ng ayaw padin niyang pumayag.
"Sabay natin itong gagawin, sabay tayong hihiling at sabay natin itong tutupadin ng magkasama,"nakangiting usal niya kaya hindi nako umangal at hinayaan siya.
Pagkatapos namin itong pagpatung patungin ay magkahawak kamay kaming pumikit at humiling.
"Sana maka alala kana Clifford, sana maalala mo na ako ito,yung taong minahal mo dati.Sana maging maayos na ang lahat gaya ng dati,sana wala ng sakit."
Nakapikit kong hiling saka yumakap sa kanya pagkatapos.Hinalikan naman niya ang noo ko kaya agad akong napangiti.
Sana totoo nga,sana maka balik pa tayo dito at sabay nating tuparin ang kahilingang sabay din natin hiniling.
YOU ARE READING
Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
RomantikPrecious Miracle-Sullivan, she married a man named Clifford Sullivan whom he doesn't even remember. He thought it was a fix marriage but the truth is that he proposed to her before he lost his memory. He became a jerk, he hurt her emotionally to pun...