CHAPTER 90: PABOR

24 3 0
                                    

Tatlong araw matapos matalo ni Jett si Saturna at makuha ng mga Witch Hunters ang Mechanism Circle na ngayo'y nasa pangangalaga ni Tyler. Maagang nagising si Jett dahil eksaktong bisperas din ng Pasko at inimbitahan silang mga magkakaibigan na pumunta sa Mansyon ni Tyler. Ngunit nang lalabas na sana si Jett para pumunta sa Mall upang bumili ng mga gagamitin para sa Christmas party ni Tyler, nakita nya sa harapan ng kanyang Apartment ang isang hindi inaasahan na panauhin.

Zarina: "Maligayang Pasko, Jett."

Jett: "A-Aling.....M-Miss....ehhh...Zarina?! Kayo po pala!! Naparito po ata kayo?"

Zarina: "Zarina na lang kung hindi ka sanay. Tsaka bumalik ako dito sa Selma ng maramdaman kong wala na ang presensya ni Saturna sa buong bayan. Sabihin mo? Ikaw ba ang tumalo kay Saturna?"

Jett: "Opo. Ako nga po. At kailanman, hindi na sya makakapaghasik pa na lagim."

Zarina: "Kung ganun, tama lang ang pagdating ko dahil gusto kong humingi sayo ng pabor."

Jett: "A-Anu po yun, Aling Zarina?"

Sandaling tumahimik si Zarina upang isipin ang kanyang sasabihin kay Jett.

Zarina: "Kung sakali man, nasa maayos pang kalagayan ang Mechanism Circle, maari ba naming magamit na mga White Witch ang mekanismo upang maghanap ng mundo na aming matitirahan?"

Jett: "Kung yung Mekanismong bagay na parang pagpapailaw ng isang Bumbilya ang estilo ng pagpapaandar ng bagay na iyon, ang tinutukoy po ninyo, ehhh.....sa ngayon nasa pangangalaga na po iyon ng mga Witch Hunters sa kanilang Headquarters. At malabong ipagamit po nila sa inyo ang bagay na iyon, lalo na't tingin pa rin nila sa mga Mangkukulam ay masasama."

Zarina: "G-Ganon ba. Sayang naman ang pagkakataon naming makahanap ng ibang matitirahang mundo kung ganun ang sitwasyon."

Kita sa mukha ni Zarina na nadismaya ito sa mga sinabi ni Jett. Ngunit ayaw naman ni Jett na malungkot si Zarina, kung kaya't meron syang iminungkahi.

Jett: "Kung sobra pong napaka importante po sa inyo ang makapaghanap ng titirahang mundo, para sa lahat ng mga mababait na Mangkukulam na gustong tumira ng tahimik at malayo sa gulo, tutulungan ko po kayo, bilang pagtugon sa inyong pabor."

Zarina: "H-Ha?! S-Sigurado ka ba?!"

Jett: "Opo. Dahil napatunayan nyo po sa akin na talagang mabait po kayo."

Zarina: "Salamat, Jett!! Ngayon pa lang!! Labis na ang pasasalamat ko sayo!"

Jett: "Wala pong anu man. Pero bago po tayo pumunta sa lungga ng mga sira ulong Witch Hunters. Pwedeng tulungan nyo muna ako sa mga bibilhin ko sa Mall?"

Zarina: "Ha? Mga bibilhin? Kung sabagay, hindi naman makakasama ang magbigay ng konting pagtulong."

Agad umalis ng bahay si Jett kasama si Zarina, matapos mangako si Jett na tutulungan ito sa hinihingi nitong pabor. Ngunit sandali muna silang pumunta ng Mall upang bumili ng mga gamit para sa Christmas party ni Tyler. Matapos makapamili, inabisuhan muna ni Jett na pumunta muna sila sa Park. Pagdating nila, nagtaka si Zarina kung bakit sila nasa park.

Zarina: "Jett? Bakit pala tayo nandito sa Park?"

Jett: "Kailangan po natin ng mga kasama na magpapatunay na hindi po kayo masama, kung gusto nating hindi matutukan ng mga baril sa ulo."

Zarina: "Ibig sabihin, maghihintay tayo ng kasama?"

Jett: "Opo. Kaya po-..."

Reysha: "Miss Zarina?!! Kayo po ba yan?!!!"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon