Chapter 16

14 0 0
                                    

"get ready na guys, it's almost time!" utos sa amin ni Eli.

ngayon ang first day ng Sports Fest at ngayon ang araw ng performance namin. A few weeks have past since the incident at hanggang ngayon hindi pa din kami nag uusap ni mom. but I decided that I would not let it bother me muna since kailangan ko mag focus sa dance team.

patapos na mag intro si Angelo, yung mc. kaya nag dasal na kami. we do this before our every performance para kahit papaano ay mabawasan yung kaba namin.

 "let us all welcome, the GDA Dance Club!" pakilala niya sa amin, nag sigawan ang mga tao atsaka kami lumabas.

"good luck" sabi sa akin ni Kath at Sofia bago ako lumabas, nginitian ko naman sila.

when we started dancing tila ba nawala ang hiyawan ng mga tao and all we can hear was the song, because we are so focused on dancing.

when we started jumping, they also jumped. cause kuya Eli and some other guys were hyping them up.

nang matapos kaming sumayaw mas lumakas ang hiyawan nila. bumalik kami sa dance room para mag pahinga at mag palit. mamayang hapon pa kasi yung next performance namin.

"you did good babe" nagulat ako nang makita ko si Ethan backstage. he was about to hug me but I stopped him, he looks at me hurt and confused.

I giggled.

"ano ka ba, pawis na pawis ako oh" sabi ko pero he still hugged me anyways.

"okay lang yon, you still smell good" sabi niya while he sniffed my neck.

"nako nako, langgamin sana kayong dalawa diyan" bitter na sabi ni Eli.

"inggit ka lang kap eh" nanglolokong sabi ng isa naming member, kaya naman tumawa kaming lahat.

"ako lang ba walang jowa dito ha? majority satin dito walang jowa kaya wag niyo kong lokohin, dahil pati kayo mga single" he said in his defense.

"masyadong bitter captain natin, Jane jowain mo nga" mapang-asar naman na sabi ng isa pa naming member. 

"hm? bakit ako?" napasapo nalang sa ulo yung iba dahil sa sagot ni ate Jane. halos kaming lahat alam naming may gusto si Eli kay Jane pero di ko alam kung bakit siya hindi niya alam.

"ako nalang jojowa sayo kap, available naman ako eh" asar pa ng isa, kaya mas lumakas yung tawanan sa loob ng room.

"gago ka, bato ko sayo toh eh" akmang ibabato ni cap yung hydroflask niya pero pinigilan siya ng katabi niya.

"tumigil na nga kayo" pigil ni Jane kaya naman binaba ni Eli yung ibabato niya. nag pipigil na kami ng tawa at this point. he's like a little puppy who always follows his owner.

"tara lunch tayo, libre ko kayo" aya ni Ethan kaya dali dali namang nag handa yung iba. basta talaga libre, ang bibilis nilang kumilos. I mentally shook my head. 

"palit muna ko" paalam ko kay Ethan at tumango naman siya.

"sabay ako!"

"ako din!" sabi ng iba kong kasama, kaya sabay sabay kaming nag punta sa cr para mag palit.

"Jane sure ka ba na wala kang gusto kay Eli?" tanong ni Kia habang nag lalakad kami papuntang cr, best friend ni Jane.

tumawa naman kami sa tanong niya, we've been asking her this question for quite some time now.

"ano ba kayo, lagi niyo nalang ako tinatanong niyan." she said not really giving us an answer.

pagtapos naming mag palit ay bumalik kaagad kami sa classroom, at nakitang nakapag palit na ang mga lalaki.

"ang tagal niyo naman" reklamo ni Eli.

"syempre babae kami, atsaka wag ka na mag reklamo diyan dahil nandito na kami" napatikom ng bibig si Eli dahil sa sagot ni Jane. lahat kami ngayon ay nag pipigil ng tawa, kay Jane lang siya titiklop.

"hindi pa sila magjowa, under na agad si kap" rinig kong bulong ng isa.

"ala, mahina yung manok natin pre" sagot naman nung isa kaya naman natawa kami. tumigil nalang kami sa pagtawa nung tinignan kami ng masama ni Eli.

inayos lang namin ang gamit namin atsaka umalis para kumain. we decided na lalabas kami ng school para mag lunch, kasi pwede naman kaya why not diba?

dito kami sa mang inasal kumain since this is Eli's favorite kainan, pinagbigyan na namin siya since he worked so hard for the team.

oh diba ang aga aga full meal kaagad kakainin namin, we ate breakfast really early kanina since maaga kami pumasok para mag rehearsal. 

"bat ba gustong gusto mo dito kap?" tanong ng isa naming kasamahan.

"yung unli rice" Jane answered instead of Eli, kaya naman tinignan namin sila in a teasing way.

"nako bat alam mo yan ha? nagde-date siguro kayo dito" tanong ni Kia, at mukhang nag panic naman si Jane. walang nagawa si Eli kundi umiling.

inakbayan ni Eli si Jane.

"kung manunukso kayo, ako ang tuksuin niyo. wag si Jane" sabi niya kaya naman nag hiyawan ang mga lalaki, at binato nila ng tissue si Eli . napagsabihan pa sila ng waiter kaya napatigil sila, kaya tumawa kami.

hindi natigil ang pag kwekwentuhan namin habang kumakain. sobrang daldal kasi nila, especially yung mga lalaki.

"saan tayo next?" tanong sa akin ni Ethan. kakatapos lang namin kumain at nag hiwahiwalay muna kami dahil mamayang hapon pa ang next performance namin.

"kahit saan" sagot habang iniinom ang shake na binili namin kanina.

"panoorin nalang natin si Kath, balita ko siya ang nag peperform ngayon" aya niya sakin kaya naman tumango ako.

patapos na yung kanta nang makarating kami. nagulat kami when she suddenly left the stage. dali dali naman namin siyang pinuntahan, and we saw her crying with Sofia comforting her.

"Kath, are you okay?" tanong ko nang lapitan ko siya. she's been a mess since she broke up with Dylan.

"I'm fine, masyado ko lang nadama yung kanta" she even chuckled, trying to show us she's fine. but we know that she's not.

we just pretended that we believed her, cause it looks like she didn't wanna talk about it.

after ng performance namin sa hapon ay umuwi kaagad kami, dahil may game sila Ethan bukas. so he needed to rest.

kinabukasan ay napagkasunuduan namin ni Ethan that we'll just see each other during their game at maaga silang mag peprep, kaya I just went with my dance team para mag ikot ikot at manood ng kung ano-ano.

"tara panoorin natin yung cheer dance competition" aya sa amin ni kuya Eli, nanood kami para suportahan ang school namin.

habang nag lalakad kami ay biglang tumunog yung phone ko. someone sent me a dm on ig.

ecyoj.i: are you Ethan's girlfriend?

...........









My Safe Place (COF Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon