Chapter 1: The Beginning.

79 1 0
                                    

Hello poo! ako nga pala si Mary Jade Rivera, isa lang naman akong normal na babae ngunit nang bigla kong di sadyang nakilala ang isang lalaki, nagbago ang lahat sa akin.

Mary Jade's POV

Tut-tut-tut-tut-tut-tut (alarm).

Hmmm.. haay.. Umaga na pala, mag-eentrance exam pa ako sa gustong-gusto kong school, ito ay ang Valencia De Vergara Academy, hmm naeexcite na ako, sobrang pinaghandaan ko 'to kaya sigurado akong papasa ako.

Ayy, nagtext si mama !

From Mama,

Goodmorning sa mahal naming anak, kumain ka nang marami bago pumunta sa school na pag-eexaman mo ah? Kayang-kaya mo yan, ikaw pa? Manang-mana ka sa akin, ingat anak, i love youu. :*

Ang sweet talaga nang mama ko, kaya mahal na mahal ko sila nila Papa eh, ay oo nga pala, ang mga magulang ko ay nagtratrabaho sa ibang bansa, kaya ito ako, mag-isa lang ako sa bahay namin, at ang mga kapatid ko naman kasama din sa ibang bansa, kawawa naman ako hahaha. sinanay na naman nila ako nang ako lang mag-isa saka alam ko naman kung bakit nila ginagawa iyon at ganito haha huh? Gets mo? Haha hay bastaa para akong baliw dito mag-isa, mag-aayos na ako.

(Sa Valencia de Vergara Academy)

Ako: Hi manong guard, san po ba dito ang pagtatake-han ng exam, balak ko po kasi mag-aral dito.

Manong Guard: ay ganon po ba? Dun po ang office, didiretso lang po kayo at pag kaliwa po, dun na po yun.

Ako: Salamat po manong guard.

GRABEEEE, napakaganda talaga dito at ang lalaki ng room, noon pa man ay balak ko na mag-aral dito.

Ako: Hi maam, magtatake po sana ako ng entrance exam.

Maam: Hello, ay sige pumasok ka dito iha.

(Pumasok ako sa office)

GRABEEEEE ang lamig-lamig naman, kinakabahan tuloy ako bigla.

Ako: Mmm maa...

Di ko pa nasasabi ang buong salitang maam ay nagsalita na siya.

Maam: Iha, tawagin mo nalang ako Maam Ana kasi kung maam lang, marami kami dito haha ikaw anong gusto mong itawag ko sa'yo?

Pabiro niyang sinabi yun, ang ganda niya tumawa, ang ganda niya.

Ako: Jade nalang po maam Ana. :)

at ngumiti din ako sa kanya, kung lalaki lang ako baka maligawan ko 'to si maam Ana eh, ang ganda-ganda niyaa.

Maam Ana: Ganda naman ng pangalan mo Jade haha ito na ang exam, maari mo nang sagutan.

Ako: Ay salamat po maam Ana.

At nagsagot na ako ng exam, buti nalang pinagbutihan ko ang pag-aaral, pero habang nagsasagot ako ng exam ay may pumasok sa office ni maam Ana.

Maam Ana: Ohh, Terrence, bakit ka nandito? Tapos ka na naman mag-exam ah? At alam ko namang pasado ka, mana ka sa akin eh.

Huh? Mana kay maam Ana? Anak niya 'tong Terrence? Medyo may pagkakahawig nga sila, at ang Gwapo nitong Terrence, Medyo brownish ang buhok, kayumanggi ang kulay ng balat, matangos ang ilong, at maganda ang hubog ng katawan niya, nakafitted siya kaya halata ah? Wag ma-malisya haha.

Terrence: Ahh, alam ko naman yun, oo na ate, wala naman, napadaan lang ako dito, may naiwan kasi ako, yung shades kong bigay mo.

Ahhhh!! Magkapatid pala silaaa :3 haha

Maam Ana: Ahh oo nga, nandun siya Terrence sa bag ko, nakita ko kasi yun sa ibabaw ng lamesa ko.

Terrence: okay ate, ito nakuha ko na, una na ako ate ah? May pupuntahan pa ako eh tas uuwi rin kagad ako, love you ate. :)

Shiit, nakakalaglag panty naman 'tong Terrence na 'to, yung smile niya grabee, lalo siyang gwumapo.

Maam Ana: Ay nako Terrence ahh? Osya sige, maiingat ka ah? Love you too.

Humalik si maam Ana sa pisngi nung Terrence at tuluyang umalis.

Maam Ana: Oh? Iha? Tapos ka na ba sa pagsasagot sa exam mo?

Ako: Ahh eeeh.. maam Ana, opo.

Maam Ana: bakit iha? May problema ba? Oo nga pala yung lalaki na yun ay ang nag-iisa kong kapatid, magkasing-level kayo kaya may posibilidad na maging magkaklase kayo, sa tingin ko naman sayo iha ay matalino ka at papasa ka dito, saglit lng ah? Lalagay ko lang sa machine itong exam mo para malaman ang results.

Ako: Hmm sige po maam Ana.

Grabe ang friendly ni maam Ana at mukhang ang sweet sweet niya.

Maam Ana: Iha, Jade, maari ka nang pumasok bukas. :)

Nakangiti ngunit seryosong sabi niya.

Ako: Huh? Maam? Bukas? Pasado po ako?

Pagtataka at sobrang sayang pagtatanong ko sa kanya.

Maam Ana: Oo Jade, pasado ka, congrats masaya akong nakapasa ka dito.

Ako: Hmmm salamat po maaam! Mauna na po ako maam, papaalam ko po ito sa mga magulang ko.

Maam Ana: Sige Iha, mag-ingat ka sa daan ah? Medyo delikado kasi sa daan ngayon.

Ako: Sige po maam Ana, salamat po ulit.

Lumabas na ako ng office ni maam Ana, ang saya saya ko, pasado ako sa eskwelahan na gustong-gusto kong pasukaaan, yeees, nasa labas na ako ng VDVA at medyo malayo na, nang biglang...

Stranger: Hi Miss, ang ganda mo naman pwede ka bang mai-uwi at mai-kama? Hmm legs ang putii.

Hinawakan niya ako sa kamay at hinatak pero nagpupumigwas ako.

Ako: Tuloong..!!!

(Beeeeeeeeeeep!) May bumusina na napakagandang kotse sa likod namin at napatingin kaming dalawa nung stranger na manyakis, at may bumaba na napakagwapong nilalang.

Lalaki: Hoy! Bitawan mo siya.

Sabi ni Superman, este nung lalaking gwapo na 'to sa manyak na stranger.

Stranger: At bakit naman? Sino ka ba ha?

Lalaki: Wala ka na kung sino ako, bitawan mo siya kung ayaw mong masaktan.

Stranger: Masaktan pala ah!

Tumakbo yung manyak patungo kay lalaking gwapo pero nung poporma palang nang suntok ang manyak na stranger ay bigla nalang tumumba ito at nawalan na nang malay, napanganga ako dun dahil napakabilis ng nangyari, sa isang kurap ko lamang ay napatumba na ni gwapo ang manyak, at lumapit sa akin ang gwapong nilalang.

Ako: Hmm salaamaaa..

Hindi pa ako natatapos ay nagsalita na ito.

Lalaki: Walang anuman! Sa susunod kasi wag ka magsho-shorts nang ikaw lang mag-isa, pwede ba?! Ako nga pala si Terrence, ikaw si Mary Jade Rivera, right? Sige mauuna na ako, mag-ingat ka, maraming maloko dito.

Napanganga na naman ako at napaisip na, siya nga pala ang lalaking kausap kanina ni maam Ana, at ang kapatid ni Maam Ana, nakashades na kasi siya kaya medyo di ko na mukhaan, pero grabe ah? Gwapo nga napasungit naman. Haay.

Nang makauwi ako sa bahay ay dali-dali kong tinawagan ang aking mama gamit ang skype.

Ako: Mama?

Mama: Oh bakit anak?

Ako: Pasado po ako 'maaaaaaa!!! Pasado po ako sa VDVA Valencia De Vergara Academy!

Mama: haha congrats anak ko, napakagaling mo talaga, edi bukas anak papasok ka na?

Ako: Opo ma, napakasaya ko talaga maaa, grabeee di ko akalain na balang araw makakapasok ako dito sa VDVA.

Mama: Anak naman, iiyak pa ba? Hahaha osya anak, mag-ayos ka na, at magpahinga, kumain ka nang marami ah? Wag mong papabayaan ang sarili mo, mag- ingat ka lagi anak, I love you Mary Jade. Mwa.

Ako: Ehh maa naman eh, hmm opo maa, kayo din po ah? Wag niyo pong papabayaan ang mga sarili niyo nila papa ah? Ikamusta niyo nlng po ako, ma sa mga kapatid ko ah, i love you too po mama, ingaat mwa :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unexpected TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon