February the 13th

93 4 0
                                    

                       ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~

Kapag minamalas ka nga naman oh oh. akalain nyo yun may pasok kami! Imbis na naghahanda para sa valentine's day bukas eh naisipan ng school namin na magpapasok ng students.

Anak ng ampalaya talaga tong ng principal namin eh. Lahat ng school walang pasok bukod-tangging kami lang talaga. porket matandang dalaga kaya ayun galit sa love.

"Nakakainis naman si Ms. El Nino eh" sabi ni Danica, best ko. si Ms. El Nino yung principal namin. hindi El Nino apilyedo nun ha. tinatawag lang naming ganun yun kasi matandang masungit na tingang.

"Oo nga dapat walang pasok ngayon eh. di ba sya nausuhan na maghanda pagholiday? Valentine's day kaya bukas. kainis naman eh" sabi ko naman

"Wow makapagsalita parang maghahanda ka aah. baket bibigyan mo ba ng regalo si Paul?" Tanong nya

"Aah sino ka nga pala ulit?" Panunura ko. makapagsabing Paul ganun ganun na lang takte kung may makarinig, edi katapusan na ng maliligayang araw ko. "de joke lang. hindi no! Matutulog lang rin ako bukas."

"Ahh. kaya pala bumili ka ng Stuff Toy sa kanya. at Tiger talaga ha. Ano ulit pangalan nung tiger? Destiny? anong trip mo?" Tanong ulit nya

"Anong binili para sa kanya? Hindi to para sa kanya. may pagbibigyan akong iba nito." sagot ko naman

"Oh talaga sino? May bago ka na bang crush?" Pagmamadaling tanong nya

"Wala. secret na kung sino yun!" Sagot ko na lang at para hindi na sya mag usisa ay inaya ko na sya na bilisan kasi baka malate kami. "Tara na nga baka malate pa tayo."

                 - • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • -

Halaaaa!!!! Lagot!!!! Ano ba yan napakatanga ko naman. porket ba 13 ngayon? Napakamalas ko naman ngayong araw. Ano ba yan!!!!!

Pano nakalimutan ko may meeting nga pala yung mga gagawa ng marraige booth para bukas. lagot kung kelan finishing touch na lang gagawin saka pa ako nawala. lagot na ko nito.

Nagtatakbo ako pabalik ng school. At sa kamalas-malasan ko natalisod pa ako. Ano ba. bat pa ang clumsy ko ngayon. buti na lang walang tao dun sa lugar kung saan natalisod ako kaya safe ako sa kahihiyan.

Hindi ako nadala at nagtatakbo ulit ako papuntang school. and as expected yung sa part ko na lang ang hindi pa tapos. bat ba ako lang ang magaling sa flower arrangement sa school namin? Ako tuloy gagawa ng kahat ng to.

Anong oras na oh mag 5:30 na dumidilim na. hindi man ako hanapin sa bahay pero mahirap umuwi kasi walang masyadong jeep na dumadaan. kung meron man puno na, hindi na ako makakasakay. ano yun sasabit ako? Naka Palda ako tapos sasabit ako sa jeep? No way.

Napakadami pa nito. 6 pa aayusin kong vase. nakakainis naman eh. yung mga kasama ko iniwan na ako. Eh si Danica naman nakauwi na may date daw sila ng boyfriend nya.

Hayy buti na lang ako. stick to one. isang tao lang mahal ko pero crush libo-libo. Nyahaha xD. eh kasi siya lang talaga nakakapagbigay sakin ng ganung feeling eh.

Yung kakabahan ka. bibilis yung tibok ng puso mo pag kasama nakikita mo sya. yung humihinto yung oras pag kausap ka nya. Kinikilig na naman ako. ahihihihi

Yan! Tapos na! Yes makakauwi na ako. Well goodluck sakin kung mag masakyan ako. anong oras na almost 7 na. matutulog talaga ako maghapon bukas hindi na ako papasok. hehehe. saka na yang thesis na yan. kailangan ng utak ko ngayon ay pahinga.

February The 13th (One Shot) ..WTears..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon