Chapter 23: Guest

1.4K 112 8
                                    

Austin's POV

"You can't join the team." bungad agad ni sir nang makarating kami sa office n'ya.

"Pero si--"

"Remember, your gender must remain a secret. Hindi ito makakabuti sa reputasyon ng school", udlot ni sir dahilan para mapayuko naman ako.

Ang kaninang saya na naramdaman ko ay mabilis na naglaho. Sa isang iglap ay bumalik ang sakit ng katawan ko, doble sa nauna. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Sorry miss Vermilion but this is also an order from the Dean itself. We all know that you can play basketball, actually it's pretty amazing for a woman like you but...we need to follow the rules.", paliwanag ni sir. Hindi naman na 'ko umimik pa at napatango na lang din.

Order daw eh... Fries saka chicken na lang sa'kin.

Bagsak balikat akong naglakad palabas ng opisina n'ya. Nagulat naman ako nang makasaubong ang tatlong itlog kasama sina Clinton, Eros at Rent.

"What did he tell you?", bungad agad sa'kin ng kahoy habang magkasalubong ang kilay.

"Uh...", Agad akong napatingin kanila Crimson para humingi ng tulong.

"What are you doing here?", nagulat ako nang biglang marinig ang boses ni Sir sa likuran ko.

"What did you tell him?", direktang tanong ni Dos, na para bang nagbabanta pa. Napalunok ako.

Kumunot ang noo ni sir. Mukhang hindi nagustuhan ang inasta ng isa.

"That was a private matter, Dela Fuente. Labas ka na do'n. But...", napasulyap pa sa'kin si sir saka napabuntong hininga, animo'y na-disappoint sa hindi ko maamang dahilan. "Vermilion cannot join the Inter-High. It was an order from his guardian."

Nanlaki ang mata ng mga tukmol, kahit ako.

Teka, totoo ba 'yun?

Muling napasulyap sa'kin si sir na para bang sinasabing 'sabayan mo na lang'. Napataas ang dalawang kilay ko saka unti-unting napatango.

"Ah, oo! Hindi ako pinayagan ni tita. Tumawag kay ser.", mabilis na segunda ko, at nagkunwari pang na-lungkot.

"Why?", tanong ulit ng kahoy. Sa kanilang lahat s'ya lang ang interesado dahil s'ya lang ang walang alam sa sekreto ko.

Parang gusto ko tuloy s'yang sapukin sa dami ng tanong n'ya. Hindi ba pweding pabayaan n'ya na lang ako?! Bumalik na lang s'ya sa panti-trip sa'kin at wag nang makealam sa buhay ko. -,-

Napahawak ako sa noo kong biglang sumakit sa kaka-isip ng palusot.

Shuta kakarampot na nga lang 'yung brain cells ko mukhang mauubos pa sa kahoy na 'to!

"Uy, Austin! Ayos ka lang?", nagulat ako nang biglang lumapit sa'kin ang bumbay.

Kunot noo ko namang s'yang tinignan dahil sa ka-O.A-han n'ya, nang mapansin ko ang pagkurap n'ya. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang ibig n'yang sabihin.

Sa isang iglap ay bigla akong napapikit at umarteng hinimatay na s'yang namang ikinagulat ng lahat.

"Austin!"

"Hala!"

"Mr. Vermilion!"

"Uy!", gulat na reaksyon ng bumbay nang masubsob ako sa dibdib n'ya.

"Dali kumuha tayo ng stretcher!"

"Buhatin na lang na'tin!"

"Ako sa ulo, ikaw sa paa!"

Boys Dormitory (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon