Crimson's POV
Kinuha ko ang water bottle sa may bleachers at uminom ng tubig. Umupo ako nang biglang kumulo ang tyan ko.
I hissed and let out a quick sigh.
Nasanay na 'kong gumising na naghahain si Austin sa lamesa.
"I see. Hindi pa rin magaling ang kusinero mo.", napatingin ako kay Dos na umupo sa tabi ko. Nagsimula nanamang mag-init ang ulo ko.
"Wag mo 'kong kausapin. Hindi tayo close.", malamig na tugon ko habang nakatingin sa mga naglalaro sa court. Nilapag ko ang water bottle sa gitna namin para gawing boundary.
I heard him scoffed. "Akala ko bati na tayo nung sinapak mo 'ko kahapon eh."
"Wag kang magsimula.", banta ko saka tinatapunan s'ya ng matalim na tingin.
Ibinalik ko ang paningin sa harap habang nakakunot. Muli kong naalala ang nangyari kahapon.
* * * * * * FLASHBACK * * * * * *
"T*ng*na!"
"P*ta! May sakit ba talaga 'to?!"
"Aray, Austin!"
"Sh*t! Maysapi na ata 'to eh!"
"T*ng*na naman! Hindi ako makalapit."
"'Wag kang malikot, Austin!"
"NGH! ineett!", napaatras kaming lahat nang mapaliyad s'ya habang hinihila ang kwelyo ng suot na t-shirt.
Sunod-sunod kaming napamura sa pinaghalong takot at gulat. Alas tres na ng hapon, nakabukas naman ang aircon pero tagaktak ang mga pawis namin dahil sa takot kay Austin, na mukhang sinapian dahil sa muling pagtaas ng lagnat n'ya. Mabuti na lang at naka-tuck-in ang t-shirt n'ya kaya kahit magwala s'ya ay wala silang makikita sa kanya.
Inutusan kami ni nurse na hawakan s'ya para maturukan ng pampakalma pero hindi kami makalapit, dahil kung hindi sampal ay sipa ang inaabot namin sa kanya.
Just how is she this strong, when she's already sick?!
"Turukan mo na lang kasi nurse, kahit saan!", tinulak pa ni Rent si Nurse Chel palapit sa nagwawalang si Austin.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!", nagpupumiglas ng nurse. Agad namang nakakuha ng batok si Rent mula sa kapatid n'ya.
"Bobo ka ba?! Eh pano kung kay nurse pa maturok 'yan, edi mas lalo tayong tigok!", dinig kong sermon pa ni Forth kay Rent.
"Xeon, natatakot na 'kooo! Ibalik n'yo si Austin!", Napangawa naman si Klyde na halos masakal na si Xeon sa kakahila nito sa damit n'ya.
"Ano ba—ack! Bitaw!"
"Hawakan ko sa paa, ako sa kamay.", napalingon kami kay Dos na nakatingin kay Austin. Nag-aabang din ng tamang tyempo para mapigilan s'ya.
Agad namang napailing at tumanggi ang halos karamihan sa kanila.
"Ay hindi, ayaw!"
"Ayoko! Natadyakan na 'ko!"
"Ayoko ring matadyakan, nasampal na 'ko!"
"Dali, tumulong ka dun!"
"Ahhh! Ayokoooo!"
"Ah hindi, hindi ko kaya 'yan pre!"
BINABASA MO ANG
Boys Dormitory (UNDER REVISION)
Teen FictionSi Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OKAY TAKE TWO! Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinangan...