CHAPTERS 26

33 3 0
                                    


Kanina pa kami nagkakasiyahan sa habang kumakain nang mapansin ko na wala pala si Pamela.

"Wait, Nasaan si Pamela?" Tanong ko sa kanila, agad naman na Napa yuko si Jv saka huminga ng malalim.

"Inihatid namin siya kanina sa Airport. Hindi na siya nakapag paalam sainyo dahil ayaw niyang istorbuhin ang tulog niyo." Mahabang sabi ni Ey.

Napa tango nalang ako. Masaya na din ako kahit papaano dahil nakilala namin siya tinuring narin namin siyang kapamilya alam ko din na napamahal na siya kay Jv pero hindi pwede dahil may asawa na si ito. Alam ko din na tinuring na nung dalawang anak ni Jv si Pamela na parang tunay na ina. Si Pamela ay kababata ni Jv Hindi na lingid sa kaalaman namin na may munting pagtingin si Pamela kay Jv pero tulad ng ibang kwentong magkaibigan ay hindi kayang suklian ni Jv ang nararamdaman ni Pamela sa kaniya dahil para sa kaniya si Pamela ay isang kaibigan at kapatid lang.

"Good Morning!" Napatingin lahat kami sa bungad ng pintoan at halos malaglag ang mga panga namin dahil sa nakita.

"Charlotte" dinig kong bulong ni Jv.

Napangiti naman si Charlotte saka lumapit samin. Alam namin na uuwi siya pero nakaka bigla parin.

"Okay, okay, Alam ko naman na masiyado niyo akong miss pero huwag niyo naman akong tingnan ng ganiyan." Natatawang sabi ni Charlotte.

"Tita Charlotte!" Sabi ni Aj nang makabawi sa pagka bigla kanina saka tumayo ito at lumapit Kay Charlotte at nakipag beso ganun din ang ginawa ng iba.

"Mommyyyyyy!" Masayang sabi ni maja at farah na halatang miss na miss ang kaniyang ina.

"Oh gosh, my 2 gorgeous daughter's!" Naluluhang sabi ni Charlotte saka yinakap yung dalawa."I miss you." Lumapit naman si Jv saka nakiyakap din sa mga mag iina niya. So ang naging ending nag group hug nalang kami.

Mas lalong napuno ang Mesa ng kasiyahan. Napag usapan din namin na maligo sa private beach resort namin.

Napunta din sa hot seat si Aries dahil halos ang daming tanong ni Charlotte. Nalaman niya kasi na may relationship ang dalawa kaya ayong tensyonadong tensyonado si Aries.

"Btw Congratulations to the both of you!" Sabi ni Charlotte sabay tingin kina Rafsan at Ey.

"Thank you po tita." Sabi ni Ey.

"So, kailan ang kasal?" Tanong niya ulit sa dalawa.

"Pag uusapan pa po namin ni Babe kung kailan ma'am." Sabi ni Rafsan.

Natawa naman si Charlotte sa tinawag sa kaniya ni Rafsan."Call me tita not ma'am parang hindi tayo pami-pamilya dito." Natatawa parin na sabi niya.

Napangiti nalang kami. Nang matapos kaming kumain ay nag kaniya kaniya na kami. Yung iba kasi may pasok pa sa trabaho. Umalis naman muna si Jv at Charlotte mukhang magsosolo ang dalawa.

"Tara?" Pag aanyaya ni Kent sakin.

Nagtataka ko naman siyang tiningnan."Saan?"

"Secret." Nakangiti niyang Sabi na ikana taas naman ng aking kilay.

May tinawagan naman siya at maya Maya lang dumating si Ralph na sakay ng kabayo.

Tiningnan ko naman si Kent pero parang tanga lang itong naka ngiti sa akin.

Bumaba Naman sa pagkakasay si Ralph saka binigay Yung Tali kay Kent.

"Wait, huwang mong sasab..."hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tama nga ang hinala ko, dahil inalalayan niya ako pasakay sa kabayo saka siya umangkas din, nasa likod ko siya.

Nagsimula namang tumakbo ang kabayo hawak niya yung tali kaya parang naka yakap siya sa akin. Ang lapit lapit din ng kaniyang mukha sakin kaya kunting galaw ko Lang ay magdidikit ang Aming pisnge.

Nag init Naman ang aking pisnge yawa parang teenager lang.

Tumigil naman sa pagtakbo ang kabayo saka bumaba si Kent at inalalayan din akong bumaba mula sa pagkakasakay sa kabayo.

May naka latag na doon na tela at may ibat ibang klaseng prutas. Hinawakan niya ang aking kamay saka lumapit doon at na upo. Hindi naman mainit dahil may mga puno ng mangga, presko din ang hangin kaya masiyadong nakaka kalma.

"I don't know kung saan kasi kita idadala halos lahat ng restaurant ay napuntahan at nakainan na natin kaya't naisipan ko na ibahin naman." Kumakamot sa batok na sabi niya at namumula ang kaniyang tenga kaya alam kung kinakabahan siya.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Gosh! bakit feeling ko bumalik kami sa pagkabata? HAHAHHA.

"Well, mas maganda naman dito lakas natin maka throwback nung panahon pa ng mga kastila." Natatawa kong sabi kasi diba noon ganito din ang set up pag may mag jowang nag dadate parang ganito tapos nasa tabing ilog kaso kami wala kasi walang ilog dito malawak na lupain lang ang makikita mo.

Iniabot niya naman sa akin yung binalatan niya mangga na agad ko namang kinuha saka isinawsaw sa bagoong.

Nag kwentohan lang kami doon saka inalala yung mga panahon na nanliligaw pa siya sakin. Ang saya palang balikan ang alala niyong dalawa. Totoong nga ang sinasabi nila na mabilis ang oras pagmasaya ka at kasama mo ang taong Mahal mo dahil namalayan na lang namin na magtatakipsilim na.

Buti nalang dahil maraming naka latag na pagkain dito kaya hindi naman kami magugutom.

"Uwi na tayo?" Tanong ni Kent habang nakayakap sa akin.

"Hmm..? Siguro mamaya na." Sagot ko sa kaniya saka nahiga sa nakalapag na tela. Ang ganda kasing pagmasdan ng langit bilog din ang buwan kaya maliwanag. Nakakabighani ding pagmasdan ang mga bituin. Humiga din sa tabi ko si Kent.

"Kahit kailan hindi ako magsasawang hangaan kung paano ka ganda at kung paano ako napapakalma ng buwan at bituin sa kalangitan." Paninimula ko."Ang ganda ganda nilang pagmasdan diba?" Tanong ko ki Kent habang ang mata ay hindi parin ina alis sa langit.

"Oo napaka ganda." Dinig Kong sabi niya kaya napa lingon ako sa kaniya naka tingin ito sakin."Sobrang ganda." Saad niya pa.

Natawa nalang ako dahil Hindi Naman yung buwan at bituin ang tinutukoy niya.

"Babhie, I love you" Puno ng senridad na sabi niya kaya tumagilid ako ng higa para makaharap siya. Napangiti naman ako dahil kitang kita mo sa mata niya na puno ng pagmamahal.

"I love you too Kent." Sabi ko saka pinaglapat ang mga labi naming dalawa.

Alas diyes na kami umuwi sa mansion at nadatnan pa namin sila na nagkaka tuwaan sa may swimming pool. Masaya namang nag uusap si Charlotte at Jv halatang sabik na maka usap ang isa't isa. Sa kabilang dako ay nahagip ng aking mata si Dail na may kausap na babae. Tumatawa si Dail sa harap ng iba na kahit minsan ay hindi ko pa nakita. Sa amin lang madalas si Dail makipag usap at makipag biroan pero sa ibang tao ay hindi, masiyado itong seryoso pagkaiba ang ka harap pero ano't ngayon at nakikita kong napapatawa siya ng familiar na babaeng ito?

'Mukhang halos lahat ng nasa pamilyang ito ay magkakaroon ng relationship.' Natawa nalang ako sa sariling naisip.

TO BE CONTINUED...

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon