CHAPTER 27

38 2 0
                                    

Ylaine Pov.

Hindi ko maitatanggi na mas naging close kami ni Sir Dail matapos ang kaniyang Birthday party. Madalas kaming nagkaka usap. Hindi ko din maitatanggi na mas lalo akong nagkaka gusto na sa kaniya. Isang linggo na ang nakalipas simula nung birthday ni Sir Dail. At naging maayos na ang lahat. Bumalik ang saya sa mansion, Kompleto na ulit. Bakasyon na nina Lea kaya hindi na siya aalis ng mishuriwa. Isang taon na lang ga-graduate na siya.

"Hey Ylaine!"

"Godd morning Sir Dail!" Nakangiting sabi ko.

"Sir Dail is too formal, Can you just call me 'Dail'?"

"Dail?" patanong na Sabi ko.

"It sound's good when you say my name," nakangiti pa niya pang Saad.

"Are you flirting with me?" Napatakip ako ng aking bibig nang ma realize Kung ano ang lumabas sa bibig ko.

Napataas naman ang kaniyang kilay at pinipigalan ang sariling huwag matawa sa sinabi ko.

"Whoaaa Easy Ylaine" Natatawang Sabi niya. Tumalikod naman ako dahil sa pagka hiya.

'Bwesit na bibig to Kung ano ano ang lumalabas! Kahiya!'

"Ah, Sorry Sir...Este Dail marami pa po akong gagawin. Excuse lang po." Madali kong sabi saka umalis na sa harapan niya.

"I'm not flirting with you Ylaine pero kung gusto mo pwede naman." Pahabol niya pa na mas lalong ikina pula ng aking pisnge. Hindi ko alam pero malakas din pala siyang mang asar akala ko kasi lagi lang siyang seryoso sa buhay.

Ang daming nangyari sa loob ng isang linggo yung about kina Doc. Jeco at Senorita Lea although may hint Naman na ako sa relationship nila hindi lang ako makapaniwala hihi. Yung kina Ma'am Aj and Marck na official na sa wakas nagka label na din silang dalawa. Si manong Sibal at manang Joanna mukhang nagkaka mabutihan na din. Si Sir Rafsan at Atty. Ey na busy sa kaka asikaso ng kanilang magiging kasal. Si Aries at Maja na may misunderstanding. Hindi ko rin alam kay Sir Dail dahil palagi nalang siyang sumusulpot kong nasan ako. Minsan pa ay mang aasar siya na para bang ang close na close kaming dalawa.

"Ylaine pa abot nga nung towel," Iniabot ko naman iyon kay Manang saka nag paalam na aalis muna.

Sakto naman na paglabas ko ay naka salubong ko si Sir Dail.

"Sama ka?" Tanong niya sakin.

"May trabaho pa po ako." Maikling sabi ko saka yumuko.

Aalis na sana ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko. "Ako bahala, let's go." Sabi niya pa Hindi na ako naka angal pa dahil Hindi niya binitawan ang kamay ko binitiwan niya lang iyon nung nasa tapat na kami ng Motor niya.

Kinuha niya yung isang helmet atsaka binigay sa akin sinout niya Naman Yung isa.

"Angkas na."

Umangkas naman ako.

"Ayos na." Sabi ko sa kaniya dahil Hindi pa kami umaalis.

"Kumapit ka baka mahulog ka."

'Matagal na akong nahulog sayo' bumubulong na sabi ko.

"What?" Tanong niya pa.

"Naka kapit na po ako."

"Saan?" Saka tiningnan niya pa kung saan ako nakakapit at Napa iling nalang."Hindi diyan."

Inlis ko Naman doon ang pagkakahawak ko. "Eh saan?" Taka Kong tanong sa kaniya.

Ngumiti naman siya saka iniabot ang kamay ko at iginiya iyon sa may bewang niya kaya parang nakayakap na ako sa kaniya. "Dito."

Aalisin ko na sana kaso pinaharurot niya yung sasakyan. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya dahil mas lalo niya pang binilisan.

Sa sobra niyang bilis magpatakbo parang pati kaluluwa ko naiiwan na.

Nang huminto ang sasakyan ay habol ang hiningang bumaba ako.

"Bwesit ka sa susunod hindi na ako sasakay sayo!" Reklamo ko sa kaniya.

"Bat ka naman sasakay sakin?" naka ngisi niyang tanong.

"Gago sa motor mo."

Tumingin naman siya sa paligid kaya agad din akong napatingin doon saka ko lang na realize na ang ganda pala ng lugar na ito. Papalubog na ang araw kaya mas lalong gumanda.

Na upo ako sa damuhan at ganun din ang ginawa niya.

"Usually, dito ako madalas tumambay Wala lang nakaka gaan kasi ng pakiramdam yung ambience dito." Napabaling ang tingin ko sa kaniya. Well, totoo naman nakakagaan ng pakiramdam. Napapalibutan kasi ito ng mga bulaklak at may mga puno. Maganda din ang tanawin. Kitang kita mo ang city lights na mas lalong nakapag papagaan ng pakiramdam sa Gabi.

"When my first long time girlfriend broke up with me its like my whole world crashed." Bumuntong hininga siya Hindi ko alam Kung bakit siya nag sha-share sakin pero nakinig nalang ako. Mukhang trip niya balikan ang alala nung ex niya."Hindi ko alam Kung paano babangon sa pagka lugmok. Palaging nasa tabi ko sina Ate Ey, Ate Aj kahit Si kuya pero, Alam mo yun parang kulang parin?" Saka tumawa ng pagak."Halos hindi ako nun lumabas ng bahay kasi ang sakit eh, Yun na yun eh, sinabi ko sa sarili ko na siya na, siya Yung babaeng ihaharap ko sa altar, Sabi ko sa sarili ko siya na, siya na yung babae na gusto kong makasama habang buhay. Planado na lahat, kasal nalang kulang pero wala parin eh, iniwan na parin ako. Umalis siya, pumunta siya ng ibang bansa mas pinili niya yung career niya kaysa sa akin. Siguro hindi parin sapat Yung pagmamahal ko kaya iniwan niya parin ako. Anong bang mali sakin?" Pinagmasdan ko siya habang naka tanaw sa kalangitan.

"Walang mali sayo Dail, Mas piniling ipaglayo kayo ng tadhana dahil alam niyang may mas nababagay sayo. Hindi mo sila deserve kaya ganun. Naka bangon ka naman sa pagka lugmok diba? Yun naman ang mahalaga, yung bumangon ka sa bawat pagka lugmok mo at dalhin ang mga natutunan na aral mula sa mga naging karanasan mo. Ang pagmamahal ay kakambal ng sakit at kalungkutan. Pag nagmahal ka dapat handa kang masaktan dahil yung love it's not all about the happiness. Kahit ilang taon man ang pinagsahaman niyo, kahit ilang taon man kayong naging magka relasyon, kahit pa na sabay pa kayong nangarap para sa kinabukasan niyo darating at darating parin sa punto na paglalayuin kayo ng tadhana. Para isampal sayo ang reyalidad na kahit matagal ng kayo pwede parin siyang makakilala ng bago at yun ang magiging ending niya. Kumbaga prologue kalang siya yung epilogue. Ang daya ano? Kasi doon mo na ginugol lahat tapos magtatapos lang sa wala. I guess ganun talaga pag pinagtagpo pero Hindi itinadhana." Mahabang sabi ko Hindi ko namalayan na ang atensyon niya ay nasa akin. Naka titig siya sa akin kaya napa yuko ako.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin Kong gusto kita?" Nagulat akong napa angat ng tingin sa kaniya. Akala ko ay nagbibiro lang siya pero seryosong seryoso ang kaniyang mukha.

"Kino-Comfort lang kita pero bakit may pa ganiyan ka?" Naiilang na sabi ko.

"I'm serious Ylaine, Simula nung Makita kita sa mansion lagi kitang naiisip lagi kang pumapasok sa isip ko." Napailing nalang ako sa sinabi niya.

"Si Thamera?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko.

"Hindi ko alam, siguro naging in denial lang ako sa feelings ko para sayo kaya sinubukan Kong ibaling sa iba yung pagka gusto ko sayo." Napa awang ang aking bibig sa sinabi niya.

"Ylaine, handa akong sumugal para sayo, Handa ulit akong magmahal para sayo. Para sayo Ylaine susugal ulit ako sa pag ibig." Seryosong seryoso na sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Bumaba naman ang tingin niya sa mga labi ko saka dahan dahan inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pinikit ko na lamang ang mga mata ko.
Pinaglapat niya ang mga labi namin.

TO BE CONTINUED...

Pamilyang ContadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon