Introduction

6 0 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events,locales and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

Please be advised that this story contains sensitive content, mature scenes and strong language that are not suitable for very young audiences.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagsisimula na ang pamilya Balvina sa kanilang mga araw nang mapansin nilang wala pa rin sa hapag ang kanilang nag-iisang babae.

"Noah, can you wake our princess up? It's time for breakfast, may pasok pa kayo."

Tumayo naman agad ang huli upang sundin ang utos ng ina. Umakyat na ito sa palapag kung nasaan ang kwarto ng kanilang bunso at kumatok nang maalala niyang hindi pala ito nakauwi kagabi at tinapos niya ang project nito sa bahay ng kaklase niya.

Bumaba nalang siya at pumunta sa kusina upang ipaalala ito sa kaniyang ina.

"Oh, oo nga pala. Nevermind. Uuwi din naman siya mamaya. Let's eat."

Tahimik na kumain ng agahan ang buong pamilya at naghanda nang umalis nang magtext ang kaniyang kaibigan na kapatid ang kaklase ni Shaniah.

"Hello?" Sambit nito matapos sagutin ang tawag.

"Hello, dre? Itatanong ko lang sana kung nakauwi na si Aya jan?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Anong--? Bakit ako ang tinatanong mo eh diba dapat dyan matutulog ang kapatid ko sa inyo?" Takang tanong nito habang papalabas ng bahay.

"Kagabi kase, nagpaalam siyang uuwi. Hindi nga nasimulan yung project nila, biglang nagmamadaling umalis. Sabi ng kapatid ko, hayaan nalang at ngayon nalang sana itutuloy, baka may emergency lang daw sa inyo." Paliwanag naman nito.

Dahil sa isinagot ng kausap ay bumalik ulit sa loob ng bahay si Noah at umakyat sa palapag ng kwarto ng kapatid. Kumatok ito ng tatlong beses.

"Princess? Are you in there?" Tawag nito, ngunit walang sumagot. Kumatok ito ulit sa pangalawang beses, mas madami, mas malakas.

"Aya, baby? Tulog ka pa ba? Wake up na po, may pasok ka pa," marahang tawag nito sa kapatid. Nagsisimula na siyang makadama ng kaba.

Sa pangatlong pagkakataon ay kumatok ulit siya, ramdam na ang agresibong kagustuhan na pagbuksan ng kapatid. "Shaniah, buksan mo to. Please," sambit nito habang patuloy na kimakatok ang pinto.

"Manang! Manang Evelyn, yung susi po ng kwarto ni Aya please!" Tensyonadong sigaw nito.

"Aya? Princess nandiyan ka ba?" Patuloy pa rin ang pagkatok. "Manang! Susi po!" Sigaw niyang muli.

"Hello, dre? Anong nangyayari?" Sagot sa kabilang linya. Nalimutan pala niyang patayin sa pagmamadaling makaakyat sa palapag ng kwarto.

"Dre hindi niya ako pinagbubuksan. Manang! Please yung susi po!" Sigaw na nito, malapit nang magalit.

"Ser eto na po yung susi!" Natatarantang takbo naman ng mayordoma nila. Agad naman itong hinablot ni Noah at nagmadaling buksan ang kwarto ng kapatid.

"Aya--" hindi na naituloy ni Noah ang sasabihin dahil sa kaniyang nasaksihan.

Si Aya, nasa kama, duguan at wala nang buhay.

In a Blink of an EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon