"manang Jessie!" Kumakatok na tawag ni Lora sa kanilang mayor doma na naalimpungatan
" Manang"tawag muli ni Lora
Nang buksan ni Jessie ang pinto ay nabungadan niya ang kaniyang amo na dala ang kambal na bata na anak ng amo niya.
"Madam?" Nag tataka niyang sambit
"Manang,ilayo mo dito ang mga anak ko" nag mamakaayawa ng amo niya at pilit na ibinibigay ang dalawang sangol sa kaniya may inabot din itong sobre
" Manang mag madali ka"
" Madam anong nangyayare?"tanong ng mayor doma ng bahay
" Basta, itakas mo nakang ang mga anak k----"
" Walang tatakas!" Sigaw ng babaeng may hawak na baril. Kinakabahang nilingon si Lora ang nag salita
" Mona, please kahit ako nalang wag mo na idamay pa ang mga anak ko!"
" Hindi!, Dinamay mo ang anak ko. Lintik lang ang walang ganti" galit na sabi ng babae habang lumalapit sa dereksyon nila.
Mahigpit naman na niyakap ng mayor doma ang dalawang sanggol na hawak niya. Nag hahanap siya ng pag kakataong maka alis. Iniharang ni Lora ang katawan niya upang protektahan ang kaniyang anak.
Nang nakalapit si mona ay tinutok niya kay lora ang baril
" Hayop ka, pinatay mo na nga ang anak ko. Ginawa mo pang meserable ang buhay ko! Papatayin kitang babae ka!" Itinutok niya ang baril kay Lora.
Hindi naman makagalaw si lora at umiiyak na nakatayo.
" Hindi ko sinasadya ang nangyare sa anak mo Mona, please maniwala ka. wala akong kasalanan" nanginginig niyang sabi
Nang makakita ng pag kakataon ang mayor doma ay mabilis siyang umatras patalikod upang makatakas.
"Subukan mong gumalaw sa kinatatayuan mo, papasabugin ko ang ulo ng amo mo!" Sigaw ni Mona ng mapansin niya ang pag pihit patalikod ng mayor doma.
"Hindi, Jessie tumakas na kayo. Ako na ang bahala dito!" Nag pupumigkas na sabi ni Lora,hinuli niya ang baril at pilit na inaagaw
Mabilis na tumakbo si manang Jessie dahil din sa takot na madamay ang dalawang sanggol. Ngunit napatigil siya ng makarinig ng malakas na putok ng baril. Sa kabila ng takot ay nag patuloy siya sa pag takbo ng makalabas na siya ng gate ay sunod sunod ang putok ng baril dahilan ng pag tigil niya.
" Tumigil ka tanda!" Sigaw ni mona at tumatakbong lumapit sa dereksyon nila habang naka tutok ang baril sa dereksyon niya.
Dahil sa malakas na ingay ay nagising ang dalawang bata at sabay na umiyak.
" Ma'am, maawa ka wag mong sasaktan ang mga bata"
"Akin na ang kambal" pilit na inaagaw ni Mona ang sanggol ngunit. Dahil sa malakas na hila ni Mona ay nabitawan niya ng kapit ang isa sa sanggol.
Nang makuha ni Mona ang sanggol ay pilit niya pang inaagaw ang isa. Dahil sa taranta at takot ay sinipa ni manang Jessie si Mona dahilan ng bagsak nito sa lupa kasama ang sanggol na pumapalahaw ng iyak. Nabitawan ni mona ang baril dahil sa malakas na sipa, agad na sinipa iyon ni manag jessie pa layo. Lalapit na sana siya kay Mona upang kunin ang sanggol ngunit may narinig siyang sasakyang papalapit.
"Wala ka nang magagawa tanda,ibigay mo nalang yang sanggol na hawak mo" namimilipit sa sakit na sabi ni mona, nakasalampak pa din siya sa lupa dahil sa lakas ng pag kakatulak.
Dahil sa takot na makuha ang isa pang sanggol ay mabilis na tumakbo si jessie papuntang gubat upang doon mag tago.
NANG makita ni mona ang pag takbo ng matanda ay pinilit niyang tumayo. Susundan sana niya ngaunit may tumigil na van sa harap niya
" Sakay na Mona, nandiyan na ang mga pulis"
Mabilis siyang sumakay ng marinig niya ang serena ng pulis.
YOU ARE READING
Two waves
RandomLexie at Lavin Ang kambal na pinag hiwalay ng tadhana. dahil sa trahedya na nangyari sa mga magulang ni Lexie at Lavin na naging sanhi ng pagkamatay ng kanilang mga magulang, nag kahiwalay sila ng landas. lumaking mayaman si Lexie na mas matanda ng...