Angelo Pov
Nandito ako ngayon sa mall para sunduin sila tita. Hanggang ngayon di parin mawala sa isip ko si kyle. Ang first love ko.
Flashback
Nasa classroom na ko ngayon at nakaupo sa bandang dulo. As expected naman walang papansin sakin dito. Hays, Grade 7 na pala ako pero ganon padin, wala ako nagiging malapit na kaibigan kahit pa nung elementary ako.
Dito pala ako nagaaral sa Gen. T**** National High School nagaaral. Public school ito, may 3 building, hiwalay ang building ng grade 9 at 10 saming mga grade 7 at 8. tapos yung isang building mga faculities. Maliit palang tong school na to kasi di pa tapos irenovate.
Habang inaalala ko ang mga kaganap sa buhay ko, biglang may nagsalita sa tabi ko.
"Hi! Anong pangalan mo?"
"H-Hi din, a-ako si Angelo, Angelo Pascual."
"Ako pala si Kyle Tuazon, Pwedeng makipagkaibigan?" sambit nito sakin
Nagulat ako kasi siya lang yung bukod tanging nakipagkaibigan sa buong buhay ko. Puro Video games na kasi ang kalaro ko noon pa. Ang weird sa feeling. Di ako sigurado sa isasagot ko kay kyle pero bahala na.
"S-Sige, F-Friends na tayo" sabi ko sa kanya.
Bigla naman akong niyakap nito. "Salamat, ikaw yung una kong kaibigan sa section natin." sabi niya sakin.
Ngayon ko lang din napansin na ang cute nitong si kyl- Ay hindi, lalaki ako bat naman ako macucutetan sa lalaki. No, baka naoverwhem lang talaga ako. At dito na nasimula ang lahat.
Present time
Kasama ko na sila tita ngayon at nagyaya silang kumain. Paniguradong sa jolibee kami nito. Eh paano, favorite. Gusto atang tumira sa jolibee para eto araw araw kainin.
"Oh Angelo, kanina ka pa tahimik ah, may problema ba?" sabi ni tita sakin.
"Ah wala naman po tita, may naalala lang po ako." sabi ko sa kanya at wala sa sariling napangiti.
"Ikaw ha, baka may lovelife ka na di ka lang nagsasabi samin. Ipakilala mo kami sa kanya. Ikaw talaga." -tita
"Wala pa po akong lovelife tita at tsaka wala sa priority ko yang lovelife na yan. Study first to no."
"Sige sinabi mo eh, baka kainin mo din yang sinabi mo hahaha." sabi ni tita
Di na ko sumagot baka ano pa masabi ko. Ganito talaga kami ni tita, parang magkapatid lang kaya ganito siya makipagusap sakin.
"Ano gusto mo? Oorder na ko. humanap ka na lang ng mauupuan natin."
"Kagaya padin tita. Sige po hanap na po ako." sabi ko kay tita.
***********
Hello readers! Di ko alam na makakapublish ako ng 2 chapter ng isang araw lang. Dahil talaga to sa Kantang "My Valentine" Nakakakuha kasi ako inspiration habang pinapakinggan to. Di ko alam if may nagbabasa nito pero salamat if meron man!! Thank you din po sa votes! Yun lang and Godbless!!!
BINABASA MO ANG
a not your typical love story
General FictionKyle Tuazon, 17 year old discreet bisexual guy na naghahanap ng kasama sa buhay, na magmamahal sa kanya ng tunay. Di niya inaasahang magkikita muli sila ng bestfriend niya noong junior high school pa lang siya sa papasukan niyang paaralan ngayong sh...