Fortieth

42 4 4
                                    

Dos


"You are Dos Alfonso, right? The vocalist of the band Revive who is singing at the Oblivion Bar?" Tanong sa akin ng babaeng mukhang nasa kanya 50's. Elegante ang itsura, sopistikada at mukhang mayaman. "I am Suzette Valdez. And I would like to offer you something."


It was supposed to be a simple day for me. Wala naman akong inaasahang ganitong pangyayari eh. Ang plano ko lang naman talaga ngayon ay mag-enjoy kasama ng future girlfriend ko. Oo, future girlfriend kasi hindi pa rin ako makapaniwalang ilang pagsisikap nalang, makukuha ko na ang oo ni Gwen. Inaya ko siya ng date ngayong araw. Sa katunayan, medyo nagdadalawang-isip pa nga ako dahil baka hindi siya pumayag pero mabuti nalang at umoo siya. Siyempre, masaya ako. Sino ba naman ang hindi 'di ba?


Kakatapos naming kumain at papunta na kami sa sinehan. May papanoorin kasi kaming horror movie mamaya. Hindi ko pa nga alam kung kakayanin ko iyong palabas pero bakit pa ako uurong? Nandito na ako eh. Tsaka ang mahalaga naman talaga ay dapat na mag-enjoy kasama ng taong mahal ko. Kasama si Gwen.


Siguro nga, bonus nalang din itong kaharap ko ngayon si Mrs. Valdez. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya pero bakit ako kinakabahan?


"Ano po ang kailangan niyo sa akin?" Tanong ko.



"My husband loved your performance at Oblivion and we would love to hear you sing again."


"Po? Bakit ako po? Ano po bang meron?" I asked again. Medyo naguguluhan pa rin kasi ako. Hindi klaro sa akin ang mga sinasabi niya.


"Here's my business card. My husband and I will be having our 25th wedding anniversary and he wants you to sing for us. Sobra siyang namangha at na-touch noong napanood ka niya sa Oblivion. Kami na ang bahala sa gastos. We just want our wedding anniversary to be special, so I am hoping that you could help us." Miss Valdez explained.


Kung tutuusin, hindi na rin naman masama iyong offer ni Mrs. Valdez. Iyon nga lang, kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko. "Sige po. Pag-iisipan ko po. Salamat po sa opportunity."


"Thank you Dos. Please contact me."


Hindi maalis ang tingin ko sa calling card na binigay sa akin ni Mrs. Valdez. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng calling card na ito? Alam ko ang kapasidad ko bilang isang singer. Alam kong nagsisimula palang ako at natututo sa daang tinatahak ko. Hindi ko maiwasang tumingin sa malayo pero bago iyon, palagi kong naiisip ang mga bagay at taong sadyang mas malapit.


"Accept it. Magandang offer iyan." Gwen said. Mukhang napansin niya ang kalituhang nakapaskil sa mukha ko ngayon.


"Support mo ako?" Tanong ko.


Hinawakan niya ang kamay ko saka siya humarap sa akin. Sinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako kinilig. Baka kinilig 'yan. "Always Dos."


At doon nga nagsimula ang lahat. Doon ko unti-unting binuo ang munting pangarap ko. Well, gusto ko naman na talaga ito sa simula palang. Hindi ko lang kasi pangarap ito. Pangarap ito ni Mama at pangarap din namin ito ni Gwen. Matagal kong pinanghawakan ang offer na iyon. Alam kong kailangan ko ng mahabang panahon para makapag-isip. Alam kong kailangan ko ng oras para makapag-desisyon hindi lamang para sa sarili ko kundi para na rin sa ibang taong nakasuporta sa akin.


Days passed and I kept on pursuing the woman I like. Kapag tinitignan ko si Gwen, parang pangarap lang ang lahat. Isa kasi siya sa mga babaeng nakilala ko na ang hirap abutin. Ang hirap makapasok sa buhay niya dahil sa taas ng bakod na hinarang niya sa ibang tao. Pero mabuti nalang at pinapasok niya ako. Pero hindi madaling makapasok sa bakod na ito. I did my best to earn her trust and that I will never ever break it.


A Music In My Heart (VA Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon