Tuliro akong tinatawagan ang numero ni Adrian pero hindi ito sumasagot. Ilang ulit na akong nag-dial pero wala pa rin. Ring lang ng ring. Kinakabahan ako at hindi na alam ang gagawin. Nanginginig ang kamay ko at lumalakbay na sa iba ang pag-iisip ko.
"Adrian... Please," hindi pa rin siya sumasagot. Mabilis akong bumaba halos mahulog pa ako sa hagdan sa kamamadali ko. Mabuti na langat nakahawak ako ng mahigpit sa barindilya.
"Manang? Alam niyo po ba kung nasaan ang bahay ni Rick?" tanong ko sa kaniya. Nanonood siya ng palabas at hinihimas ang noo. Kumunot ang noo niya sa akin at hininanaan ang volume ng tv.
"Bakit iha? Susundan mo si Sir Adrian? Umiiyak 'yun kanina habang umaalis e. Nagtaka nga ako kasi hindi naman 'yun umiiyak."
Parang may kung anong kumirot sa puso ko. He cried. He cried because of me. "Alam niyo po ba kung nasaan ang bahay ni Ricky?"
Umiling siya sa akin. "Hindi ko alam iha. Si Adrian ang tanungin mo."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabj niya. Si Ate Regine! Dali-dali akong umakyat sa itaas. Paano ko siya kakausapin? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi maganda ang huling pagkikita namin.
Umabot iyon ng apat na ring bago sinagot. "Ate!" sigaw ko. Maingay ang kabilang linya kaya nailayo ko ang telepono ko sa tenga ko. Matagal bago sumagot si Ate Regine at humina rin ang maingay na tunog.
"Oh! Irene! What's up? It's late na. Bakit ka napatawag?" bakas sa boses niya ang kalasingan. Naririnig ko rin ang tawa ng mga lalaki. Mukhang malapit lang sa kaniya kasi rinig na rinig ko ang tawa nila.
"Saan ka po, Ate?" tanong ko. Parang ako ang kinakabahan sa kaniya. Ayaw kong mangyari sa kaniya ang nangyari sa akin. Nawala sa isip ko si Adrian at Rick. Si Ate Regine na ang inaalala ko ngayon.
"Nasa bar lang... Antok na nga ako."
Pinilit ko ng pinilit kung saang lugar siya dahil sa naririnig ko na ang hindi kanais-nais na sinasabi ng mga lalaki. Agad akong tumungo roon. Panay ang tawag ko kay Ate Regine pero hindi na ito sumasagot sa tawag ko.
Iba na ang kutob ko. Ang lakas na ng kalabog nito dahil sa possibleng mangyari sa kaniya. "Bilisan niyo po, Kuya."
Nang makarating kami sa lugar na sinabi ni Ate Regine ay agad kong nilibot ang tingin ko sa kabuuan. Mukhang tago ang lugar na ito. Walang masyadong tao sa labas pero nakakita ako ng grupo ng lalaki na nagtatawanan.
Ang lakas agad ng kutob kong nandoon si Ate Regine. Mabuti na lang at nagpasama ako ng dalawang bodyguard. Hindi ko na kailangan pang magsalita kasi naiintindihan na nila ang tingin ko.
Sabay kaming lumapit doon at hindi nga kami nagkamali dahil pinipilit na nilang pinasok si Ate Regine sa sasakyan nila. "I have a date! Where is my date?" sigaw ni Ate Regine.
Kukunin na sana siya ng bodyguard pero agad na humarang ang isang lalaki na maraming tattoo sa katawan. Malaki rin ang pangangatawan niya. "Anong atin pre? Kami ang nauna sa kaniya. Maghanap na lang kayo ng ib--"
Hindi na nito natapos ang sasabihin kasi lumipad na ang kamao ng bodyguard sa mukha nito. Lahat kami ay nagulat dahil sa nangyari. Natumba ang lalaking malaki ang katawan na agad namang tinulungan ng mga kasama niya.
Nabitawan nila si Ate Regine kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yun para hilahin siya. "B-boss... Ang lakas niya. O-okay ka lang?" agad siyang sinikmuraan ng lalaking sinasabi nilang boss.
Masama ang tinging ipinukol nito sa amin pero ngumisi ito ng makita ako. "Sige kunin niyo na 'yang babaeng 'yan. Sa amin na lang 'yang isang chicks." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Napatingin din ako sa suot ko. Hindi pa pala ako nakapagbihis at naka-sleeveless pa ako at short. Nanlaki ang mata ko ng may lumipad na kamao galing sa likuran namin.
"Fvck you! That's my wife."
Muntik ko ng mabitawan si Ate Regine ng makita si Adrian sa harap ko. Sinuntok niya ang lalaki kaya binitawan ko na ng tuluyan si Ate Regine para pigilan si Adrian. "I still want to punch your face over and over again," galit nitong saad.
Hiniwakan ko siya sa magkabilang braso para hindi na siya makasuntok pa. "Adrian! Tama na," gigil kong sabi ng akmang susugod na naman siya. Walang masabi ang lakas ko sa kaniya. Tumigil din naman siya pero matalim pa rin ang tingin sa lalaki.
"Let's go," hinawakan niya ako sa kamay at tinalikuran na namin ang lalaki. Natigil ako at nanginig ng makita si Rick na hawak si Ate Regine.
"Dalhin mo muna 'yan sa bahay mo," seryosong sabi ni Adrian kay Rick. Humigpit naman ang yakap ko sa kaniya. Hindi sumang-ayon sa gusto nitong gawin.
"Sa a-atin na lang siya," untag ko habang nakatingin kay Rick at Ate Regine. Kumunot ang noo ni Rick sa akin. Wala akong masabi sa kaniya na nandito siya sa harap ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Adrian ang nalalaman ko.
"She's safe there."
"No she's not!" mabilis na sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko ng manginig ito. Hindi ko siya matingnan dahil nakapukos lang ang tingin ko kay Rick na hawak-hawak si Ate Regine. Gusto kong kunin sa kaniya si Ate Regine pero hawak ako ni Adrian.
"I know Rick. He won't do anything to harm her," siguradong-sigurado na sabi ni Adrian. Umiling ako sa kaniya at tumingin ulit kay Rick.
'Bakit ayaw mong sabihin kung gaano ka kasama? Bakit kailangan mo pang magpanggap?'
"And she will like it," sabi nito habang nakatingin kay Ate Regine. Lasing na lasing na ito at ang dami ng sinasabi.
"Bakit hindi pwede sa bahay?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit hindi pwede sa bahay ko, Rin?" tanong naman ni Ricky sa akin. Hindi ko siya masagot at napakapit na lang kay Adrian.
"Let's go."
Nagpahila na lang ako kay Adrian. Nakasunod sa amin ang dalawang bodyguard. Hindi ko mabitawan ng tingin si Ate Regine at si Rick.
"Siya ang kumidnap sa akin, Adrian," sa wakas ay tuluyang nasambit ko ang gusto kong sabihin.
"Siya ang gumahasa sa akin."
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...